PAGE 38 Video ******* Sana isang araw ay makapamasyal din kami ni Mama ng katulad nang ginawa namin ni Maine at Tita Sophia. Sobrang enjoy lang yung bonding namin. "Dito ka na mag-dinner Rein, hah. Hindi ka pwedeng tumanggi." Nakangiting ani Tita Sophia pagkababa namin ng kotse. Nasa tapat na kami ng mansyon nila. Tita, parang may choice pa ko eh, nandito na nga ako. "Sige po." Nahihiyang ani ko. Wait lang. Parang pamilyar yung ugaling yun ah. Tatanungin ako pero bawal tumanggi. Nauna si Tita na pumasok sa loob ng bahay. "Mommy talaga, dito ka na nga dinala as if makatanggi ka pa." Hagikgik ni Maine sa tabi ko. Natawa ako kasi iyong iyon ang nasa sa isip ko. "Pagpasensyahan mo na lang si Mommy." Matamis na ngumiti sa kin si Maine. "Okay lang. Ang sweet nga nya eh." B

