PAGE 39 Make them stop ******************** KUMUNOT ANG noo ko nang sobra habang nakatitig sa may screen ng laptop. Pin-play ko kasi yung CD na binigay ni Dennis kahit wala akong idea kung akin ba talaga yun. Nakapangalan sa akin eh. Malay ko ba. Nakapagtataka lang na kay Andrew daw ang CD na ito. Tsk. Ano na namang kinalaman ni Andrew dito? Kumurap ako isang beses. Dalawang beses. Tatlo. Shetey! Kahit kusot-kusutin ko pa ang mga mata ko -- kahit black and white pa iyong video. Hindi naman malabo ang mga mata ko para hindi makilala yung nasa video. Scandal ba ito? Scandal?! Video scandal ko?!! WTH!! Napalunok ako ng sunod sunod. Bakit ako may ganitong video?! Sandali. Inilapit ko pa yung mukha ko sa screen para makita iyon mabuti. A-A-AKO?!?! AKO?!! AKO TALAGA?

