PAGE 31 Meet the Family ***************** Parang gusto ko ngayong pagsisihan na nakikinig ako sa klase ko noon na Law. Sana hindi na lang ako natutong magbasa o makinig o makakita o -- Napabuga ako ng hangin. ANONG NANGYAYARI SA MUNDONG IBABAW?! BAKIT?! BAKIT?! Tumingin ako kay Dennis at nakita itong seryosong nakatingin pa rin sa akin. Naglalakad na kami papunta sa may direksyon ng elevator. Huminto kami pagkatapat namin doon. "You wanna go somewhere?" Mahina akong umiling. "No." Bumuka ang bibig niya na parang may sasabihin pero biglang natigilan. "Rein?" Lumingon ako at nakita ko si Mrs. Sophia na papalapit. Hindi ako nakaimik. Basta nakamata lang ako hanggang sa makalapit ito sa amin ng husto. Nakangiting inabot nito ang kamay ko pagkalapit at mahina iyong pin

