PAGE 30 Marry Him *********** "Sorry ma'm. May kotse po kasing humarang." Tumingin naman ako deretso sa labas ng kinalululanan ko sa sasakyan. Nakita ko iyong isang taxi na nasa harap ng sa amin tapos naka-stop iyon dahil may itim na sasakyang humarang sa dadaanan nito. "Lagpasan niyo na lang po." Walang anumang sabi ko. Hinimas ko pa yung nasaktan kong noo. Sakit much. Nagising ako dun ah! Baka magkabukol ako nito. Gosh! "Sige po." Sagot naman agad ni Manong at pinaatras iyong taxi nito para magkapagmani-obra paalis. Nagbaba ako ng tingin. Huminga ng malalim. Kakalimutan ko ang gabing ito. Sana... sana magawa ko iyon. ***** NAKAUPO NA ako sa may garden set nang lumapit siya sa akin. Nag-angat lang ako ng tingin at ngumiti. "Nagiging household face ka na dito ah." Na

