Wasak Ako
May mga umagang gigising ka na pagod ka na agad—kahit wala ka pang ginagawa.
Ganoon ang pakiramdam ko nang araw na iyon.
Tahimik ang bahay, pero ramdam ko ang bigat ng hangin. Si Nanay ay maagang gumising para maglaba, habang ang mga kapatid ko ay naghahanda sa pagpasok sa paaralan. Pinagmamasdan ko silang kumilos, parang wala lang ang nangyari noong mga nakaraang araw. Para bang sanay na rin sila sa ganitong buhay—sa mga sigaw na biglang nawawala, sa katahimikang pansamantalang ligtas.
Pero alam kong hindi iyon palaging ganito.
“Sam,” tawag ni Nanay habang pinipiga ang damit. “Huwag ka munang magtinda ngayon. Mukhang uulan.”
Ngumiti ako. “Okay lang, Nay. Kailangan natin.”
Hindi na siya sumagot. Alam niyang kahit pigilan niya ako, tutuloy pa rin ako. Hindi dahil gusto ko—kundi dahil kailangan.
Pagdating ko sa puwesto ko, mabigat ang ulap sa langit. Halos kasing bigat ng iniisip ko. Inayos ko ang paninda, pilit inaayos din ang sarili kong damdamin. Hindi ko alam kung bakit, pero may isang mukha ang paulit-ulit na sumasagi sa isip ko.
Si Daniel.
Hindi ko alam kung darating ba siya ngayong araw. At hindi ko rin alam kung bakit ako umaasang makita siya.
“Maaga ka ngayon.”
Napatingin ako. Nandoon siya—nakatayo sa gilid, may payong sa kamay, at ang pamilyar na mahinahong ngiti sa labi.
“Akala ko uulan,” sabi ko.
“Tama ka,” sagot niya. “Pero minsan, kahit umuulan, kailangan pa ring lumabas.”
Parang ako.
Habang pumipili siya ng paninda, napansin kong may pasa pa rin sa kamay niya. Hindi ko tinanong kung bakit. Natutunan ko na kasing hindi lahat ng sugat ay dapat usisain.
“Ayaw mo bang magpahinga minsan?” bigla niyang tanong.
Napangiti ako nang mapait. “Hindi uso ’yon sa mga tulad ko.”
“Tulad mo?” ulit niya.
“Yung maraming responsibilidad,” sagot ko. “Kapag huminto ka, parang may guguho.”
Tahimik siyang tumango. “Alam ko ang pakiramdam.”
May kung anong kirot sa dibdib ko. Dahil sa unang pagkakataon, may taong hindi ko kailangang magpaliwanag nang mahaba—dahil naiintindihan niya.
Nang bumuhos ang ulan, tinulungan niya akong takpan ang paninda. Magkatabi kaming nakasilong, at sa bawat patak ng ulan, mas lalo kong nararamdaman ang presensya niya—hindi mapangahas, hindi mapilit, pero totoo.
“Sam,” tawag niya, biglang seryoso ang boses. “Pwede ba kitang ihatid mamaya?”
Nag-alinlangan ako. Maraming tanong ang pumasok sa isip ko. Tama ba ito? May karapatan ba akong tumanggap ng ganoong alok?
“Kung ayaw mo. Okay lang.” sabi niya.
“Kung hindi ba abala sayo... sige.” sabi ko.
Iyon ang kaibahan. Hindi niya ako pinipilit siya ang unang umitindi—at marunong siyang makiramdam.
Pauwi, mas tahimik ang daan. Ngunit sa loob ko, magulo ang isip ko. Sa bawat hakbang, may bumubulong na boses—huwag, delikado, masasaktan ka lang ulit.
Pero may isa ring boses na mahina, pero matatag—paano kung iba siya?
Pagdating sa tapat ng bahay, huminto siya.
“Salamat,” sabi ko. “Sa oras.”
“Salamat din,” sagot niya. “Sa tiwala.”
Tumango ako, saka pumasok. Ngunit bago ko tuluyang isara ang pinto, nagsalita siya ulit.
“Sam… hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan mo. Pero kung sakaling kailangan mo ng kausap—nandito lang ako. handa akong makinig.”
Hindi ako sumagot. Hindi dahil ayaw ko—kundi dahil natatakot akong umasa at baka kapag masasanay akong nandiyan siya palagi. Baka darating araw na iwan niya ako. Kung kailan kailangan ko siya.
Sa gabing iyon, hindi ako agad nakatulog. Pinagmamasdan ko ang kisame, iniisip ang lalaking dumating sa panahong wasak ako. Hindi para bouin ako—kundi para ipaalalang pwede pa pala akong maging masaya.
Ngunit kasabay ng pag-asa ang takot. at What if...
Paano kung malaman ni Tatay? Saktan niya si Deniel gaya ng ginawa niya sa akin at kay Nanay.
Paano kung masira ang kaunting katahimikan na mayroon kami ngayon?
Paano kung masaktan ulit si Nanay dahil sa akin?
Kinabukasan, narinig ko na naman ang boses ni Tatay sa labas ng bahay. Bumalik siya—lasing, galit, at walang pakialam.
“Buksan niyo ’to!” sigaw ni Tatay.
Niyakap ko ang mga kapatid ko, habang si Nanay ay nanginginig sa takot.
Sa sandaling iyon, naisip ko si Daniel.. ang lalaking nagbibigay sa akin ng lakas at tapang para harapin ang madilim kung mundo. Ang pakiramdam ng ligtas kahit sandali lang.
At doon ko naintindihan—
Hindi ko siya minahal dahil gusto kong tumakas sa gulo ng aking pamilya.
Minahal ko siya dahil sa piling niya, naalala kong tao din ako nasasaktan at napapagod sa huli.
Ngunit alam kong darating ang araw na kailangan kong pumili—
ang manahimik muli,
o ang ipaglaban ang karapatang maging masaya.
At sa gabing iyon, habang muling gumuho ang katahimikan ng aming tahanan, isang pangalan ang tahimik kong binigkas sa dilim.
Daniel.
Sana sa pagdating mo sa buhay ko ay ikaw ang una at huling lalaking mamahalin ko at magbibigay sa akin ng sigla. Dahil sayo ako humuhugot ng lakas... Sana hindi ka mapagod sa akin. Dasal ko sa hangin habang, sa kabilang kwarto ay malakas na boses ni Tatay na sumisigaw. Dahil sa kalasingan sinisira ang mga gamit. Ginambala ni Tatay ang katahimikan ng gabi. Wala kaming magawa ang manahimik kung kailan kami magiging ganito. Kailan pa.
"Ate.... Natatakot ako." si Charmain.
"Shh... nandito ako. Hindi ko kayo pababayaan." Sabi ko.
"Nagugutom na ako, Ate? Hindi paba tayo kakain." Pumungay ang mga mata kong napatingin kay Cherry."
"Hindi paba kumain? Akala ko kumain kana. " gulat na reaksyon ko.
"Hindi pa. Ate... inuuna ko muna assignment ko sa school. Kaya hindi muna ako kumain."
"Sige. Dito lang kayo at huwag lumabas. Ako na kukuha ng pagkain."
"Salamat, Ate?" Ngumiti lang ako at hinimas makintab na buhok nito.
"Magdala kana rin ng Tubig, Ate?" Dagdag na sabi sa akin ni Charmain. Agad naman akong tumango at tinungo ang pinto. Dahan- dahan ko itong binukas na walang tunog. Nang magawa ko. Agad akong lumabas At tutungo sa kusina para kumuha ng pagkain. Tumahimik na rin sa kabilang silid. Hindi ko na narinig pa si Tatay magsalita. Marahil napagod ito. Pero kung anoman ang dahilan sa biglang pagtahimik nito. Nakakabuti dahil nakaabala sa mga kapitbahay.