Galing sa pagpapasyang papasukin na si Naza sa kanyang ring world ay nagsimula na siyang baybayin ang daan tungo sa kanyang nais puntahan. Wala na siyang pagpipilian na iba. Kahit hindi pa opisyal na naging kasapi ng kanyang harem ang dalaga, ay maihahalintulad lamang niya ang sitwasyon nito kina Shaney at Hafie na hindi magawang magdesisyon hangga't hindi pa nila nararanasan ang ang ginhawa dulot ng pagiging kasapi ng harem nila. Alam niyang mahirap ang sitwasyon nito subalit hindi pa rin niya aatrasan ang pagtulong dito sa abot ng kanyang makakaya. Habang mabilis ang kanyang mga kilos ay naramdaman niya ang kanyang kapaligiran. Agad niyang namataan ang grupo ng mga evolvers sa may ’di kalayuan. Isa itong pangkat na binubuo ng walo hanggang sa sampung evolvers. Ang bawat isa sa mga ito a

