Habang papalapit na ang grupong kinabibilangan ni Logan sa lugar kung saan ay naninirahan ang Verdant Phoenix, ay mas lalong lumalamig ang paligid. Ramdam iyon ng kanyang mga kasamahan ngunit hindi sa katawan niyang abnormal. Ang bawat simoy ng hangin ay naghahatid ng matinding lamig na minsan ay magdudulot ng pagkaparalisa sa mga evolvers na may mas mababang evolution. Sa ngayon ay nalaman niya na hindi lang sila ang grupong naroon. Sapagkat mayroon ng nauna sa kanilang dalawang grupo. Ang isang grupo ay tinatawag Sword tale, habang ang isa naman ay Maze and Spell. Sa kanyang palagay ang grupong Maze and Spell ay kinabibilangan ng labinlimang kababaihang evolvers. Alam niya na ang mga kababaihang ito ay ang tinutukoy no’ng naunang kababaihang evolvers na nakita nila ni Naza. Kung ikukumpa

