Kanina pa nagpapaikot-ikot sina Logan habang nakasakay sa serpent berserker. Hawak-hawak niya si Gin na ngayon ay unti-unting nagigising. Hindi niya malaman kung saan pupunta gayong walang makakapag sabi sa kanya ang daan tungo sa teleportation device. Inaasahan niya si Gin sa mga panahong ito. Ngunit, walang epekto rito ang mga bagay na ginawa niya para magising lang ito. Sinubukan niya kanina pa ang haven fruit at healing liquid mula sa Lower blood, ngunit hindi pa rin ito nagigising. Habang binabantayan ang pulso nito na pabago-bago ay nagmamasid naman siya sa paligid. Hindi niya maaaring alisin ang kanyang depensa dahil alam niyang kanina pa may mga matang nakamasid sa kanila. “Uhm . . .” Napatingin siya kay Gin na ngayon ay nagmumulat na ng mga mata nito. Napapailing siya dahil mukh

