Nang narinig ni Logan ang sinabi ni Gamiya ay agad siyang napatanga. Hindi niya lubos akalain na dumanas pala siya ng matinding sakit, kung pagbabasihan ang kanyang pagsigaw. Bigla na lang pumasok sa alaala niya ang sandata na kanyang hawak. ‘Kung gayon ay ito ang isa sa aking naging gantimpala sa pagsubok na pinagdaanan ko,’ turan niya sa kanyang isipan. Nagkwentuhan pa sila tungkol sa mga nangyari hanggang sa naging maayos na ang lahat. Matapos ma-purify ang kanyang katawan maging ang katawan nina Gamiya, Finn at Haishi ay nakaramdam sila ng kakaibang gaan at ayos sa kanilang kalooban. Pansamantalang nararamdaman nila na hindi na kabilang ang kanilang katawan sa Lower blood. Gano’n pa rin ang kanilang bloodline subalit mas naging puro at lumakas ito ngayon. Ngayon na napalabas na ni Log

