Kakaiba ang panahon na nararamdaman ni Logan sa paligid. Pumipintig ang kanyang ulo habang unti-unting nakikiangkop ang kanyang katawan sa biglang pagbabago ng enerhiya sa kanyang kinaroroonan. Inalerto niya agad ang kanyang buong sistema nang marinig niya ang sinabi ni Red. Na alarma man ay malaki pa rin ang kanyang pasasalamat dahil napagtagumpayan nila ang tribulation. Hindi niya alam kung gaano katagal ang kanilang naging paglalakbay sa void. Ang tanging alam niya ay nawala na ang labis na sakit na kanyang naramdaman noong nasa pagsubok pa siya ng tribulation. Habang binabalikan ng kanyang isip ang pinagdaanan na sakit ay napapailing na lamang siya. “Mga mahal na evolver, maligayang pagdating sa Middle blood.” Nang iminulat niya ang kanyang mga mata ay tumambad sa kanya ang isang evol

