Bumaba sina Logan sa Low tier serpent berserker at nagsimulang baybayin ang daanan patungo sa High splendor. Hindi niya alintana ang mga tinginan ng mga naro’n. Sanay na siya sa pakiramdam na inaayawan lalo na’t bago pa lamang siya sa Lugar. Sa mga pagkakataong ganito ay lagi niyang naikukumpara ang mga pangyayari sa kanyang buhay sa mundo ng mga tao. Lalo na kung malaman ng iba na isa siyang private soldier. Masyadong masama ang tingin ng mga tao sa katulad niyang nagsisilbi sa mayaman na indibidwal. Sa mga alaalang iyong ay wala siyang magawa kung hindi ang ngumiti ng mapait. Upang pagtakpan ang nasisira na niyang timpla ay ipinilig niya ang kanyang ulo at itinuon sa magandang tanawin sa paligid ang isipan. “Ang ganda pala rito. Hindi na ako nagtataka kung bakit ang tataas ng pader na n

