Evolvers

1814 Words
Malayo na ang narating ni Gamiya mula ng siya ay nagsimulang tumakbo. Nalilito siya sa paligid subalit patuloy pa rin ang kanyang mga hakbang dahil alam niyang hindi pa siya gaanong nakalalayo. Hindi pa gaanong mahamog sa parte na kanyang kinaroroonan kaya ay nakatitiyak ang dalaga na nasa unang bahagi pa siya ng kagubatan. Pagod na ang kanyang mga paa subalit kailangang magpatuloy dahil limitado lamang ang kanyang oras. Walang dapat na sayanging sapagkat lahat ng nasa kanya ay dapat na madaliin. Ang bawat hakbang niya ang kapalit ng kanyang sariling buhay. Sa panahon na malaman ng mga tagapagbantay na hindi siya nakabalik ay natitiyak niyang ipapatugis siya sa mga evolver at ipapakain sa mga breed berserker beast sa palasyo. Iniisip pa lamang niya ang idiyang ’yon ay nanginginig na ang kanyang buong kalamnan. Narinig niya sa mga usap-usapan na dahil sa mixed breeding ay nagiging mas halimaw ang mga beast. Magpapatuloy na sana siya sa pagtakbo nang makarinig siya ng mga yabag ng paa at usapan ng mga evolver sa may ’di kalayuan. Alam niyang mga lalaki ito kaya ay labis siyang nababaha. Naging aktibo ang kanyang katawan at wala sa sariling nagtago siya sa may malaking puno na tila nakalimutan niyang nasa impluwensya pa ng asul na likido ang kanyang katawan. Sa madaling sabi ay hindi pa siya maramdaman ng mga ito o ’di kaya ay makita. Mas lalo pang isiniksik ng dalaga ang sarili nang nagsimula na tumigil ang mga ito dalawang metro lamang mula sa kanyang pinagkukublian. Tila ang dati niyang nanginginig na katawan ay halos hindi na niya magawang kontrolin. Nahigit ni Gamiya ang kanyang hininga habang tutop ang kanyang bibig ng umihi mismo sa kanyang harapan ang isa sa mga evolver. Ni minsan sa kanyang buhay ay hindi pa siya naka-kita ng ari ng isang lalaki. Huli na ng takpan niya ang mga mata. Sapagkat nakita na ito ng kanyang birheng mga mata at umukit na sa malinis niyang isipan. Pakiramdam ng dalaga ay nabahiran na ang kanyang pinag-iingatang puri. Hindi hslos matanggap ng kanyang sistema ang nangyari. Pakiwari niya ay nawala na rin ang pagiging walang bahid niya. “Dito na tayo tumigil. Maririnig na natin ang anunsyo ng palasyo mula rito. Masyadong makapal na ang hamog sa ating pinanggalingan kaya ay hindi gumagana nang maayos ang communication ring. Sana ay makagawa ng panibagong modelo nito. Pakiramdam ko ay napag-iiwanan na tayo. Kahit ang palasyo naman ay hitik sa baging mga kagamitan.” “Brother Dee, totoo kaya na ngayon magaganap ang pag-inog ng dalawang buwan at lilikha ng berserker heavenly tears na sumanib sa kahit na ano’ng uri ng beast? Sa tingin ko ay mas magiging maganda ang taon na ito.” “Kaya tayo narito upang makinig kung ano nga ba ang totoo. Kung hindi man ay pagtuonan natin ng pansin ang paghuli sa nakapasok na isang lalaking miyembro ng Spirit clan. Malaki ang pabuyang ipagkakaloob ni king Voidron sa makakahuli sa lalaking ’yon. Hindi ko alam kung ano ang kaya niyang gawin. Basta natitiyak as malakas pa rin tayo lalo’t ngayon pa lamang magsisimula ang kanyang evolution.” “Paano natin huhulihin ang hindi naman natin alam kung ano ang wangis, brother Dee? Sa aking pagkakaalam ay iba ang wangis ng mga lalaking, lalo na ang royal blood.” “’Wag kang bobo, Sene! Kilala natin ang lahat ng narito sa Lower blood. Nararamdaman din natin ang awra ng bagong salta kaya ay tumahimik ka na lang at gamitin ang iyong pulpol na utak!” Nakikinig lamang si Gamiya sa usapan ng grupo. Sa pakiwari ng dalaga ay nabibilang sa praksiyon ng earth clan at stone clan ang mga ito dahil sa kanilang uniporme. Matagal nang pangarap ng dalaga ang mapabilang sa isang sektor. Ang makapag-training kasama ang iba at matuto ng iba't ibang teknik sa pakikipaglaban. Subalit, siya ay may dugong Spirit. Kung saan ay itinuturing na alipin at alila. Ipinanganak na nakatatak na sa dugo na magsisilbi at mamamatay na naninilbihan sa mga Void. Alam niya na makapangyarihan ang ama sa palasyo ng mga Void. Subalit, ang kapangyarihan nito ay nakataki lamang sa utos ni king Voidron. Manghang napatitig si Gamiya sa mga kagamitan at gayak ng mga evoler. Malinaw na kabilang sila sa higher blood sector. Sila ang mga grupo ng evolver na may kakayahan na pumasok malapit-lapit sa puso ng gubat. Mamahalin ang kanilang mga sandata. Maging ang gayak ng mga evolver ay nagpapakita na galing sila sa mataas na sektor na labis na gusto ng dalaga. Napapatungo siya dahil sa sinabi ng mga ito na hindi pa mataas ang kanilang mga kagamitan kaysa nasa loob ng palasyo. Iiling-iling na lamang siyang naupo sa malaking ugat ng kahoy habang iniisip ang lalaking tinutukoy ng mga ito. Simula ng ipinanganak siya ay hindi pa siya nakakakita ng isang lalaki na may dugong Spirit. Tumingala si Gamiya upang makita ang kalangitan. Ngayon na lamang niya ito ulit pinagmamasdan. Isang malungkot na ngiti ang kanyang pinakawalan. Nakalalabas man siya, wala namang panahon upang titigan kung gaano kaganda ang kalangitan. “Mga mamamayan ng Lower blood world, makinig kayo nang mabuti. Sasabihin ko ulit ang kaparusahan sa sino man na mangangahas na tumulong sa lalaking naka-pasok sa ating mundo na may dugo ng isang Spirit. Lilipunin ang inyong buong angkan at mga nilalang na may dugong Spirit ay dodoblenhin ang inyong mga gawain. Ang kasalanan ng isa ay magiging kasalanan ninyong lahat. Ngayon para sa aking pangalawang anunsyo. Libo-libong taon na ang nakalipas nang unang nangyari ang pagpatak ng berserker heavenly tears. Ngayon ay nakatitiyak ang palasyo na magaganap itong muli. Ang anunsyo na ito ay para sa mga evolvers na may grupo. Ang pabuyang ibibigay ni King Voidron sa sino ang makapag hahatid sa kanya ng berserker heavenly tears ay mapabilang sa royal family ng mga Voidron. Lahat ng maaaring makamit ng isang royalty ay makakamit din niya. Ganoon din ang sa makapadadala ng lalaking naka-pasok dito sa atin ay pareho ang matatanggap. Kaya ay inyong pag butihan. Umaasa ang hari sa inyo.” Nawala na ang boses ng ama ng dalaga. Malungkot ang kanyang mga ngiti habang nakatitig sa kawalan. Nais niyang maging mabuti. Alam niya mabuti ang puso ng kanyang Ama. At katulad niya ay kaya rin nitong labanan ang natural na tawag ng dugo. “Brother Dee, ano ang ating plano ngayon? Maghihintay kami at susunod sa iyong mga nais.” “Oo nga po. Basi sa sabi ng vezeir ay isa lang ang magagantimpalaan. Ano na ang mangyayari sa iba?” “Simple lang naman. Lider ng grupo ang dapat na magprisenta sa hari. Kahit saan doon sa dalawa ay ayos na ako. Pero kung kayo ang papipiliin, maangkin ang berserker heavenly tears, o maging parte ng royal blood Void?” Tila ay nadadala si Gamiya sa usapan ng mga evolvers. Hindi na niya namalayan na unti-unti nang nauubos ang kanyang oras. Sa ano mang sandali ay magsisimula ng mawala ang epekto ng invisibility potion o asul sa likido. “May naaamoy ba kayong kakaiba?” Mistula nanigas ang dalaga nang marinig ang isang evolver na naka-gayak ng unipormeng pang earth clan. Agad na naalarma si Gamiya at nagsimulang kumilos paalis. Sa una ay ay ingat na ingat ang kanyang mga hakbang. ’Di naglaon ay pabilis na ito nang pabilis. “Naaamoy ko, maykasama tayo ritong naiiba sa ating grupo! Naaamoy ko ang kanyang samyo sa hangin.” Halos takasan ng kanyang Spirit essence si Gamiya na mas lalong tumatakbo nang mabilis. Kung sakaling tuluyang mawalan ng bisa ang potion ay para na rin niyang ipinakain ang sarili sa mababangis na beast sa gubat, at ipinain ang p********e sa mga evolver na mahilig sa laman. May dugo man na Spirit subalit hindi nangingimi ang mga ito na siya ay angkinin kapag sa siya ay nahuli. Tila mas natatakot siya ngayon, nadali siya sa sarili niyang katangahan. Pinasok ni Gamiya ang parte ng gubat na makapal na ang hamog. Ang ibig sabihin ay narating na niya ang middle part ng gubat. Malayo pa ito sa puso, subalit tila wala na siyang mapagpipilian dahil nawala na ang epekto ng potion. Hawak ng dalaga ang kanyang punyal sa kanang kamay nang mahigpit. Alerto siya sa paligid kahit hindi naman niya nakikita nang maayos ang kapaligiran. “Grahhh! Grahhh!” Nagsitayuan lahat ng balahibo ni Gamiya sa katawan nang marinig niya ang atungal ng isang berserker. Alam niya na sa lakas ng atungal nito ay malapit lang ito sa kanyang kinalalagyan. Paikot-ikot ang mga lakad at hakbang ng dalaga. Hawak niya nang mahigpit ang punyal at nakatutok sa kanyang harapan. Hindi niya alam kung paano makipaglaban, subalit alam niya kung paano humiwa ng karne kahit gaano pa ito katigas. “Grahhh . . .” Unti-unting nanghina ang boses ng berserker subalit naririnig pa rin ito ni Gamiya. Nakakaramdam siya ng labis na panganib. Awtomatikong naging mapagmatyag siya sa paligid. Subalit walang laban ang mababa niyang evolution level sa kakayahan ng isang makapangyarihang beast. “Ah!” napasigaw ang dalaga nang matumba siya at gumulong hanggang sa bumaliktad ang kanyang katawan nang matisod siya sa isang matigas na bagay. “A-ano ito?” Naninikip ang dibdib ni Gamiya at nawalan siya ng kontrol sa kanyang katawan. Tila mayroong isang parasitiko na dumikit sa kanyang likuran at hindi niya mapaalis. Pinilit niyang igalaw ang kamay upang abutin ito ngunit hindi niya magawa. “Ahhh . . .” Nais pumalahaw ng dalaga sa labis na sakit na kanyang nadarama. Pakiramdam niya ay may humihigop sa lahat ng likido sa loob ng kanyang katawan. Ni ang kanyang mga luha ay unti-unti na ring natutuyo. Nagpupuyos ang kalooban ni Gamiya. Wala pa siyang ginagawa sa kanyang buhay at ngayon ay tila magiging katapusan na niya. Mariing ipinikit ng dalaga ang kanyang mga mata. Nais niyang sumigaw sa sakit subalit hindi na niya ito magawa. Iniisip niyang napaka lupet ng kanyang kapalaran. Mamamatay siyang wala man lang narating kahit na ano sa mga pangarap na noon pa niya nais na mabuo. Tagaktak ang kanyang pawis maging ang kanyang mga luha. Hanggang saan ba niya kayang dalhin ang mga pangarap sa buhay? Ano ba ang kaya niyang ibigay upang huwag sumuko ng basta na lang. Mapait ang kanyang naging buhay. Salat sa lahat ng yaman na natatamasa ng iba. Naging utusan at slave mula ng isinilang. Ano nga ba ang kanyang maipagmamalaki? Ang maganda niyang mukha na walang ibang dala sa kanyang buhay kung hindi puro kapahamakan at paghihirap. Alam niya na sa estado ng kanyang buhay ay isang sumpa ang pagiging maganda. Iyon ang isa sa mga bagay na pinakaiiwasan niya, ang makakuha ng atensyon. Mas nais niya ang mangarap. Pangarap na siya ang maghihirap. At ngayon ay nangyayari kaya ay mas kailangan niya ang lumaban. Lumaban para sa sarili at sa kanyang Ina. Para na rin sa Ama na katulad niya ay isang dakilang sunod-sunuran din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD