Masukal ang kagubatan na pinamumugaran ng iba't ibang uri ng mga berserker beast. Bawat puno ay mga halaman sa paligid ay sumisigaw ng kakaiba, at nakaukit na sa itsura nito. Maging ang panahon dito ay naaayon din sa lakas ng mga ito. Ang bawat beast ay nabibilang naman sa apat na elemento. Ang apoy, hangin, lupa, at tubig. Kung mayroon mang kakaibang nilalang, sila ang maituturing na mga crossed breeds. Sa beast at mga halaman nakatuon ang pangunahing pinagkukunan ng resources at medisina ng mga taga Lower blood. Sa mundo ng Blood ay nakahanay ang kalidad at importansya ng mga berserker beast. Mayroong low grade berserker kung saan ay mas unang nakukuha, kapag ang nag ha-hunt na mga grupo o indibidwal ay may kakayahan lamang na galugarin ang unang bahagi ng kagubatan. Isa itong bagay na paulit-ulit na tinutuligsa ng ibang mga evolvers subalit lagi namang kumikitil ng buhay ng kahit na sinong matipuhan ng panahon. Ang middle grade berserker naman ay matatagpuan sa mas may mataas na temperatura ayon sa kanilang kinabibilangang elemento. Maaring ito ay sa apoy at tubig kung saan kadalasan nagkukubli ang ibang hindi pa nakikita na mga lahi. At ang huli, kung saan ay ang pinakamataas na uri ng beast sa Lower blood na tinatawag na high grade. Hindi ito madalas mahuli sapagkat tanging ang mga royal family lamang na may kakayanan galugarin ang puso ng gubat ang nakakakita sa mga ito. Ang mga kagamitang ginagamit sa puso ng gubat ay mahal at hindi mabilis mahanap. Kaya ay nalilimitahan lang ito sa mga mayayamang angkan. Kagaya ng mga mortal na kung mahirap ka ay mas lalo kang maghihirap kung hindi ka kikilos. Ito rin ang batas na namamayani sa Lower Blood. Hindi naman gaanong naiiba ang mga mortal sa immortal. Dahil kagaya ng mga mortal ay mayroong ding araw-araw na gawain ang mga nilalang sa Blood. Beast ang pangunahing pinagkukunan ng points, kung saan ginagamit itong currency ng Lower blood. Dahil sa labis na mahirap ang mag-hunt ng beast na may mataas na kalidad ay gumagawa ng grupo ang mga evolvers upang mas magkaroon sila ng kakayahan na pasukin ang gubat. Evolvers ang tawag sa mga lipi ng tao na namumuhay sa Blood world. Kapag sapat na ang points na kanilang naipon ay kusang nag-e-evolve ang kanilang katawan. Ang kakayahan naman ng isang evolver ay nakahanay din sa apat. Ang low evolver, middle, high at ang heavenly kung saan mahirap itong makamit sa Lower blood. Kung mas mataas na points ang malilikom ay mas mabilis ang pag-evolve ng isang evolver. Ang points ay hindi nabibili. Bagkus ay pinagsisikapan itong makuha kasabay nang pagtaas ng antas sa katawan ay hudyat na ring handa na ito sa pagbabago ng kabuuan. Ngunit ang mga angkan ng mayayaman ay kinu-culture at brini-breed ang mga uri ng berserker na mas nagpapabangis dito. Doon sila kumukuha ng middle to high grade points sa kagustuhan na makamit ang heavenly evolver na katawan at kakayahan. Sa pagpapalakas ng pisikal na pangangatawan ay kaagapay pa rin nila ang siyensya.
Ang apat na angkan sa Lower blood ay may kanya-kanya ring mga praksyon. Gaya ng pagkakahanay sa mga beast ay gano’n din ang hanay ng apat na lahi. Ang bawat praksyon ay mayroong lower, middle at higher blood na sumusunod sa utos ng mas nakatataas. Ang tatlong nakatataas naman na mga angkan ay sumusunod sa batas ng Lower blood king na si king Voidran Byn. Ang Stone clan ay likas na may malakas na isipan. May kakayahan silang pagalawin ang mga matigas na bagay sa paligid gamit lamang ang kanilang mga utak. Ang earth clan ay sa elemento naman. Ginagamit nila ang kakayahan na kumonekta sa kalikasan upang makontrol ang apat na elemento. Sa bawat isinilang na may dugong earth ay iisang elemento lamang ang kanyang tataglayin. At ang pagmamanipula naman ng elemento ay naaayon sa antas ng kanilang pagiging elvoler. Sa apat na angkan, Spirit ang pinakamalakas. Kaya ng nagkaroon ng pagkakataong malupig ni King Voidron ang Spirit king, ay nilipon niyang lahat ang mga lalaking spirit na mayroong royal blood maging ang mga normal na kalalakihang may dugo ng Spirit clan. Sa pagkalipon sa kanila ay isinilang ang katawang maiden Spirit dahil mga babaeng evolver na lamang ang natitira sa Spirit Clan. Sa ngayon ay namamayagpag ang Void clan bilang pinakamalakas sa Lower blood. Sa pagakawala ng Spirit ay umarangkada ang void na siyang naging dahilan ng biglang pagbabago. Hindi pagbabago na tungo sa ikauunlad ng lahat. Kung hindi ay tungko sa ikalulugmok ng nakararami at ikauunlad ng iilan.
Sa unang parte ng kagubatan kung saan maraming naninirahan na mga low grade berserker ay naroon si Logan. Doon ay nagmumukha siyang sira na walang ediya sa mga gagawin hangga't ’di sinasabi ng system. Dahil dito magaganap ang unang quest niya ay pinilit ang sarili upang makarating sa lugar. Nang makarating siya ay alam niyang nagsisimula na ang kanyang suliranin. Sa ngayon ay naghahabol siya nang kanyang hininga habang nakahawak sa kanyang mga tuhod. Kanina pa niya sinusubukang lumapit sa halamang mayro'ng itim na bulaklak at luntiang mga dahon. Habang pinipilit niya itong kunin ay walang habas naman na umaatake ang mga maliliit na mga ugat nito. Huli na nang mapansin niyang lumalayo ito habang marahas niyang nilalapitan. Sa mundo kung saan ay lakas ang labanan at isip, mainam kung dalawa ang tinataglay ng isang indibidwal. ’Liban sa magiging kalamangan ito sa iba, mas magiging mabuti ang takbo ng mga bagay-bagay sa paroroonan. Ito ang kanyang naiisip sa tuwing pinipilit niya ang mga nais na mangyari. Habang tumatagal ay hindi mapigilang mapakamot ng kaniyang ulo si Logan nang makita ang parte ng lupa na ngayon ay halos malalim na ng isang dangkal. Habang nakatitig dito ay napagtanto niya na ito ang idinulot nang walang tigil niyang pagtakbo sa mosiyon na pabilog. Ang lumalin na parte ng lupa ay gumawa nang bilog na marka na siyang dahilan upang mag-umpukan sa gitna nito ang mga bulaklak na kanina pa niya hinahabol.
Hindi lubos makapaniwala si Logan sa kaniyang nakikita. Ang kaninang nakasaradong bulaklak ng halaman ay unti-unting namukadkad. Ang pagbuka nito ay nakahahalina na labis niyang kinagiliwan. Sa bawat ’pag bukas ng talulot nito ay ang pagsilay ng isang maliit na kulay dugong bilog. Bilog na ’pag sinuring maigi ay buhay at gumagalaw. Nagtataka siya habang nakatitig sa kakaiba niyong hugis at ganda. Ganoon lamang siya nakakita ng uri ng bulaklak. Kaya kahit na anong pag-iisip niya rito ay hindi pa rin pamilyar sa kanya. Hanggang sa naisipan niya itong sipatin nang maigi.
‘System analyzer activating . . . Initializing . . . Analysis Completed.
Poison blood flower: Any flowering plant possessed with blood Orb. The poison flower is not harmful but the blood Orb lives on it.
Blood Orb: Low tier berserker.
Ability: Poisonous blood spit.
Use: Used as healing ingredients when purified.
Benefits: Gives low grade points.
Weakness: Lack of host.
Acquire: Get the blood Orb before the buds fully open.’
Nang marinig iyon ni Logan ay agad niyang ipwi-nesto ang sarili. Alerto ang kanyang katawan na naglalayong matapos na ang mga dapat niyang gawin agad. Pinag-aralan niyang maigi ang bulaklak. Napapansin niyang sa tuwing namumukadkad ito ay tumitigil din ang paggalaw ng mga ugat at hindi na ito nagiging agresibo kagaya nang dati. Isa, dalawa at tatlo. Pagbibilang ni Logan sa kaniyang isipan. Pinilit niyang maabutan ang pagbubukas subalit mistula itong kidlat sa bilis. Bagsak ang kaniyang mga balikat na tumigil muna para makapag-isip. Tumayo siyang muli upang subukan, ngunit nagtapos lang din sa labis siyang napagod at wala pa ring nakukuha kahit na isa.
‘You have unlocked a daily featured task. Do at least :
Running exercise: Three hundred meters— Completed.
Sit-ups: One hundred.
Push-ups: One hundred.
There will be a punishment when failing to do the said featured task. And it will be taken from your collected daily points.
Halos lumuwa ang mga mata ni Logan sa pagpipigil na ’wag magalit. Hindi pa man siya nakakakuha ng points ay may nakaamba nang bawas. Hihiga na sana sa madamong lupa si Logan nang mapansin niyang bumubuka na naman ang tatlong talulot. Wala nang labis na pag-iisip at plano na tumalon si Logan at dinaganan ang mga bulaklak sabay hablot sa dalawang sumisilay na blood orb. Nakararamdam siya nang matinding kasiyahan nang masiguro niyang nahawakan at nakuha niya ito. Ito sng pinakauna niyang quest kaya ay para siyang sira na hindi magkamayaw sa saya.
‘Heavenly absorber skill activating . . . Blood orb absorbed. Acquired poisonous blood spit tolerance.’ Mabilis ang pagsasalita ng system sa kanyang isipan. Ilang minuto lang nakaramdam na si Logan ng likido na dumikit sa kanyang balat. Kung kanina ay iniinda niya ang bawat hagupit nang mumunting mga ugat at sanga sa parte ng kanyang katawan na hindi naabot ng invisible armor, ngayon naman ay hindi na niya maramdaman ang bawat atake nito. Mistula ring kinikiliti lang siya sa bawat poison spit na kanyang matatanggap. Sa palagay niya ay naging isa na siya sa character ng blood orb. Dahil na-absorbed niya kakayanan ng isa sa mga kasama nito ay kaya na rin niyang gawin ang mga bagay na kaya nito.
‘First quest: Completed.
Acquired: Two blood orb— Twenty low grade points. Would you like to restore the blood orb corpse in your invisible storage ring?’ Naguguluhan niyang tinitigan ang singsing sa kanyang mga daliri. Ang isa rito ay tinawag ng kanyang ina na communication ring. Habang ang isa naman ay prevelige storage ring o mas kilala raw na invisible ring. Hindi alam ni Logan kung hanggang saan ang kayang kapasidad nito. Kaya ay naisipan na lamang niya itong subukan at alamin ang natatago nitong kakayahan.
“Restore!” eksahiradong bigkas ni Logan. Sa labis na kasiyahan dahil sa hindi na siya tinatablan ng mga atake ng blood orb— Tumayo si Logan sa gitna ng mga bulaklak at walang habas na dinadampot ang mga orb sa bawat talulot na bumubuka. Mistula ordinaryong tubig na hindi iniinda ng kanyang katawan ang bawat dampi ng lason at matalas na mga ugat na pinapagalaw ng mga natirang orb sa loob ng bulaklak. Hindi naman gaanong marami ang mga ito. Sadyang mailap lang noong una kaya labis siyang natagalan.
‘Blood orb acquired . . . Blood orb acquired . . . Blood orb acquired . . .’
‘System status!’ masiglang bigkas niya sa isipan nang maubos ang grupo ng mga blood orb at makarinig nang sunod-sunod na notification sa system. Tanging si Logan lamang ang nakaririnig ng mga tunog sa kanyang isipan. Kaya ang nagiging resulta kung nagsasalita siya ay dinaig pa niya ang baliw.
‘Low evolver level one: Need Five hundred low grade points to evolve level 2.
Heavenly storage ring: Fifty-five blood orb— Five hundred twenty low grade points— Evolving . . .’ Nakaramdam si Logan ng kakaibang sakit ngunit may hatid na kaginhawaan sa kanyang kaloob-looban. Mistula hinila sng ibang parte ng kanyang mga ugat kaya naghahalo ang sakit at ginhawang hatid nito.
‘Congratulations. You have evolved to level 2.’ Hindi naka-imik si Logan sa kanyang narinig. Naisip niyang sa simula lang pala ang mahirap. Kung kanina ay labis na pagod ang kanyang nadarama, ngayon naman ay magaan at mukhang nadagdagan ang nawala niyang enerhiya. Dito niya napagtanto na dapat niyang gamitan ng utak at diskarte ang mga susunod niyang gagawin. Ito ang naging labis niyang kahinaan noong nasa mundo pa siya ng mga mortal— Wala siyang kakayahan na mag desisyon para sa sarili. Tanging salita ng iba, at boses ng nagmamando ang kanyang pinakikinggan at walang sariling desisyon para sa sarili.
Nang masigurado na ni Logan na wala ng natirang blood orb ay naghanap na siya ng lugar na puwedeng mapagpahingahan. Naisip din niyang doon na niya gawin ang daily featured tasks at baka ay makalimutan pa niya ito. Hindi rin sinabi ng system kung ilang points ang mababawas sa kanya. Kaya minabuti niyang unahan na ito bago pa mabawasan ang pinakaiingatang points. Nagpalinga-linga siya sa kanyang kapaligiran. Napangiti si Logan nang mapansin niya ang isang malaking puno na may malagong mga dahon. Dali-dali niya itong tinungo at doon ay nakatihayang humiga siya sa damuhan na kinatatayuan nito. Mabilis ang naging pangyayari sa kanyang buhay. Sa loob lamang ng dalawang araw ay marami na siyang natuklasan, at marami na ang nagbago sa kanya. Napahawak siya sa kanyang dibdib nang sumagi sa kanyang isipan ang pinakamamahal na si Carmifa.
Masakit man ang nangyari sa kanila ngunit kailangan niya ang magsumikap upang mabalikan ito.
“Magpapalakas ako nang husto. Sana ay hintayin mo ako, mahal ko . . .” bulong ni Logan, sabay ipinosisyon ang sarili upang gawin ang natitirang tasks. Sa ngayon ay mas determinado na siya at mas malakas ang kagustuhan na marating ang nais patunguhan. Naging isipin niya na maging pinakamalakas upang makuha niyang muli ang babaeng sinisinta st makatulong sa mga nangangailangan.
‘Daily featured tasks:
Running exercise: Three hundred meters— Completed.
Sit-ups: One hundred— Completed.
Push-ups: One hundred— Completed. Tagaktak ang kanyang pawis nang matapos ang pagpapa-kondisyon sa kanyang katawan. Pakiwari niya ay may nakadagan sa buong katawan niya at tila dinoble ang bigat nito. Sa naalala ni Logan ay sisiw lang ang push-ups at sit-ups noong nasa mundo pa siya ng mga taong mortal. Tadtad sa insayo ang kanyang katawan kaya ay dapat sanay ito sa ganitong mga uri ng gawain. Napapailing si Logan habang nagkakaidiya na tila ay nadagdagan ang bigat ng katawan niya sa tuwing nag-e-evolve ito. Kung sususmahin niya ay mas nagiging mabuti kung solid ang at pulido ang kanyang mga parte sa katawan.
‘You have unlocked the second quest.
Quest: Find the berserker heavenly tears. Save the woman. Get your first berserker core.
Rewards: One hundred thousand low grade points. Two hundred thousand middle grade points. Fifty million high grade points.’ Tila ayaw kumilos ng katawan ni Logan sa kanyang narinig. Mistula nanigas ang mga paa niya at ’di siya maka-imik o maka-galaw. Pakiramdam niya ay nananaginip siya sa labis na laki ng rewad para sa kanyang second quest. Maypaghihinala pa na namuo sa kanyang puso na baka ay labis ang kapahamakan na maidudulot nito sa kanya. Subalit, ilang segundo lang ay napagtanto niya na wala mangyayari sa kanya kapag hindi siya kumilos. Hindi siya lalakas kung mananatili siya sa isipin na nanganganib ang kanyang buhay.
Mabilis ang mga hakbang ni Logan na kalaunan ay naging isa ng pagtakbo. Hindi ininda ng kanyang katawan ang bawat matigas na bagay na tumatama rito dahil sa armor na kanyang suot. Hindi man ito nakikita sa labas ay ramdam naman ni Logan sa pamamagitan ng enerhiya na yumayakap sa kanyang buong katawan. Sa kanyang pagsisimulang kumilos ay natatanaw niya ang mas lalong kumakapal na mga hamog sa paligid. Mistula ring bumibigat na ang pressure na nararamdaman ng kanyang katawan. Nagpatuloy lang siya sa pagtakbo nang matulin. Hindi nakaiwas sa tenga ni Logan ang sigaw ng isang berserker. Nararamdaman niyang malapit at tila ay nasa paligid lang ito. Sa pagmamatyag niya ay unti-unting nawala ang atungal ng berserker. Hinintay pa niya ito nang maulit ngunit wala ng naging kasunod.
“Ahhh!” Napatuwid ang tayo ni Logan nang kanyang marinig ang sigaw ng isang babae. Mistula siyang naalarma dahil kakaiba iyon. Hindi ito basta sigaw kung hindi palahaw na tila ay namimilipit sa sakit. Walang pag-aalinlangan hinanap ito ni Logan. Nahihirapan siyang makita ang paligid kaya ay ang boses at iyak ng babae na unti-unti nang nawawala ang kanyang nagsilbing direksyon. Mahirap man iyong mahanap subalit sinikap pa rin niya.
“Ah!” napahiyaw si Logan nang bumangga ang katawan niya sa isang matigas na bagay. Hindi na niya namalayan ang sariling kaligtasan dahil sa labis na pagmamadali. Tila nawala na ang kanyang kakayahang mag-isip matapos makarinig ng isang nangangailangan ng tulong. Pakiramdam niya ay naging natural na sa kanyang ang reaksyon na ito.
‘Heavenly absorber skill activated. Body of a baby mammoth berserker absorbed. Sharp-like heavenly dagger gaze and strong tackle acquired.
System analyzing . . . Analysis completed.
Baby mammoth: High grade berserker.
Ability: Strong tackle attacked.
Used: Body parts can be used as combat clothing and crafting high quality weapons.
Benefits: One million high grade points.
Weakness: The eyes.
Acquire: Attack the berserker in the eyes until it go blind.
Core: high grade core, frozen.’
‘Restore! Collect the core,’ sabi ni Logan sa kanyang isipan matapos ang sunod-sunod na mga notification. Panandaliang nanigas ang kanyang katawan sa lamig. Nahihirapan man pinilit pa rin niyang isipin na matatapos din ang lahat at sa muli niyang pagbangon, mas malakas na siya kaysa ngayon. Habang nakukundisyon ang katawan at iyon naman ang ginagawa niya sa kanyang isipan. Walang inihalong kahit na anong negatibo. Tanging ang hangarin lamang na lumakas upang hindi na siya hamakin at pagtawanan ng iba.