“ANONG pinag-usapan niyo ni Ma'am Asia? Ano? Hindi na ba niya ako ibabagsak?” Habol-habol ko ngayon si Reed na ngayo'y mabilis na naglalakad. Bawat lakad nito halos apat na hakbang ko na ang katumbas kaya naman halos hingalin na ako sa pagod pero hindi pa rin ito humihinto. “Hoy, Reed. Magsalita ka nga. May saltik ka na naman ba at ayaw mo'ng sabihin sa akin ang pinag-usapan niyo?” Ano bang problema nito at hindi na namamansin? Parang tanga lang. Kapag ako nainis, babatuhin ko ng sapatos ang ulo nito. “Reed, ililibre na kita kahit saan basta sabihin mo lang kung anong resulta ng pag-uusap niyo?” matiyaga ko'ng pamimilit. Hanggang sa makarating kami ng kotse nito ay dere-deretso lang ito na sumakay sa driver seat. Bubuksan ko pa lang sana ang pinto ng kotse upang sumakay din pero

