“ALVIOR, kumusta naman ang binigay kong task sa inyong tatlo para sa event? May naganap na ba kayong sikat na magsisilibing guest?” Naglalakad kami sa corridor nang makasalubong namin ni Jules at Vans ang head ng Red Cross na si Ma'am Clemente—isa sa mga professor ng school dito sa univ. Nag-thumbs up ako rito at ngumiti. “Yes, Ma'am. Ayos na ayos na po ang task namin tungkol diyan.” Nakipag-apir naman sa akin si Ma'am Clemente. “Biib talaga ako sayo kaya kayong tatlong magkakaibigan ang inilagay ko sa task na 'yan. Kapag maging maayos ang lahat sa event, expect a highest grade from me, guys.” Napapalakpak ang dalawang bakla sa tuwa. “Thank you, Ma'am! Kaya ikaw din ang pinaka-paborito ko'ng professor, eh! Bukod sa swag ay napakabait pa.” Totoo ang sinabi ni Jules, malapit kami kay

