“MAAYOS na ba ang lahat guys?” tanong ko sa lahat ng mga kasama namin sa araw mismo ng event para sa Red Cross. Inilibot ko ang tingin. Lahat ng ka-team namin ay may kanya-kanyang gawain. May nagpa-facilitate sa sound system pati na rin sa free meals para sa mga mag-do-donate ng dugo. Everything seems perfect. “Yes, everything is settled. Appearance na lang ni Reed ang hinihintay natin,” si Vans ang sumagot. Lutang na lutang ang suot naming red t-shirt sa karagatan ng mga volunteer workers at students. “Dont worry, heto na at tinatawagan ko na," sabi ko habang tinitipa ang pangalan ni Reed sa contacts ko at idi-nial pero wala namang sumasagot. “Bakit hindi niya sinasagot?” “Tawagan mo nang tawagan hanggang mairita. Baka mamaya nakatulog at nakalimutang may usapan kayo na ngayon an

