UMUUSOK ang ilong ko sa galit. Paakyat ako ng hagdan. Takang-taka pa nga ako'ng sinundan ng tingin ng mga kasambahay nang makita na para akong sasabak sa gera. Kilala nila akong mapagpasensya at manihanon dito sa mansiyon kaya siguro gulat ang mga nakikita ko sa mukha nila. “Alvior, saan ka pupunta? Tulog pa si Senyorito Reed. Mamaya mo na siya gisingin. Baka magalit iyon sa'yo," nagawang ihabol ni Manang na sabihin sa akin iyon. “Wala akong pakialam kahit magalit siya, Manang. Makikita ng lalaking 'yon,” matapang na sabi ko na naman. Sinugod ko ang kwarto ni Reed habang may dala-dalang balde ng tubig. Galit na galit ako. Kanina pa tunog nang tunog ang selpon ko at alam ko'ng tawag iyon mula kay Jules at Vans dahil bigla ko na lamang iniwan ang event ng walang pasabi. Nawalan na kasi

