“PACK-UP na ba tayo, Direk?” Narinig ko'ng tanong ng staff sa direktor na nakaaway ko sa nakaraang set ni Reed. Masama ang tingin sa akin ng direktor at para akong mahihiwa sa talim niyon. “Not yet. May dalawa pa tayong sequence na i-sho-shoot," saad ng direktor na hindi ako nilubayan nang masamang tingin. Dinampot nito ang kape sa lamesa at saka tumayo para lapitan ako. Primadona ang paglalakad nito na may kasama pa'ang kembot. “Good afternoon po, Direk,” agad ko'ng bati rito. “Bakit ka narito?” mataray na saad nito. “Para asikasuhin po si Reed," tugon ko. “Talaga ba?” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Mukhang hindi ka yata busy?” “Ah, yes po, Direk. Pansamantala po kasing natulog si Reed sa van.” And as an obidient assistant, wala na naman akong nagawa kundi ang su

