bc

69 Days (Filipino R-18)

book_age18+
1.8K
FOLLOW
12.9K
READ
fated
goodgirl
drama
sweet
female lead
male lead
lonely
like
intro-logo
Blurb

WARNING: UNDER EDITING

"Gusto kong maging bahagi ng buhay mo, maging bahagi ng puso mo. Mahal na mahal kita, Yuri at mas lalong mamahalin sa bawat pagpintig ng puso ko." Matapos sabihin ay mahigpit akong niyakap ni Remmy habang  patuloy pa rin na umaagos ang mga luha mula sa kaniyang mga mata.

Ang lahat ng kalungkutan, sakit at pangamba na nagpapahirap sa aking dibdib ay biglang naglaho at napalitan ng labis na kaligayahan nang maramdaman ko ang mga bisig ni Remmy na mahigpit na nakayakap sa akin.

Damang-dama ko ang init, ang bawat pagpintig ng puso ni Remmy. Damang-dama ko ang kaniyang pagmamahal na humahaplos sa aking puso, pagmamahal na dalisay, wagas at walang bahid ng anumang kasinungalingan.

"Mahal na mahal kita, Yuri," paulit-ulit na sambit ni Remmy habang nakasubsob ang mukha sa aking dibdib.

Mga katagang kay sarap damhin at pakinggan. Ngunit, paano kung ang pagmamahalan ng mga puso ay subukin ng isang malalang karamdaman? Susuko ba sila o ipaglalaban ito hanggang dulo makamit lamang ang tunay na kaligayahan?

chap-preview
Free preview
1
REMMY Maaga pa lamang ay nag-abang na ako ng masasakyang bus papuntang eskwelahan. Medyo may kalayuan kasi ang unibersidad na aking pinapasukan mula sa aming tirahan. Madalang lamang ang mga sasakyan na dumadaan sa aming lugar, kaya naman kinakailangan kong agahan dahil kung hindi, paniguradong mahuhuli ako sa unang asignatura namin sa umagang ito. Nasa ikatlong taon na ako ngayon sa kursong Accountancy sa isang sikat at pribadong unibersidad sa buong lungsod ng Maynila. Bagay na sa umpisa pa lamang ay malaki na ang ginawa kong pagtutol, ngunit sadyang mapilit sina mama at papa. Kahit na raw magkanda kuba-kuba sila sa pagtatrabaho mapag-aral lamang ako sa isang magandang eskwelahan. Ni hindi ko nga lubos akalain na aabot pa ako ng third year sa kursong ni minsan ay hindi ko naman talaga pinangarap. Ngunit ang naging ending ay heto't isang taon na lamang ay makakapag-tapos na rin ako sa kolehiyo. Kung hindi dahil sa kahilingan ni mama ay hindi-hindi ko kukinin ang kursong Accountancy. Bukod kasi sa mahirap na ang kursong ito ay dumagdag pa ang malaking tuition fee na talaga namang nakakabutas ng bulsa. Kung ako lang sana ang nasunod ay mas gusto ko pang pumasok na lamang sa isang pampublikong unibersidad upang makatipid ng pera. Ang makapagtapos ako ng pag-aaral at magkaroon ng magandang kinabukasan ay isa sa mga pangarap ng aking mga magulang na patuloy parin nilang pinanghahawakan. Bagay na lahat naman sigurong mga magulang ay pinapangarap na matupad, hindi lamang para sa kanilang mga sarili, kundi pati na rin sa kanilang mga anak. Kaya kahit hindi ko gusto ang kursong ito ay sinisikap kong mag-aral nang mabuti para masuklian ang lahat ng hirap at sakripisyo ng aking mga magulang. Simpleng may-bahay lamang si mama, ngunit madiskarte sa buhay. Kung anu-anong raket at sideline ang pinapasukan basta ba marangal at makatulong kay papa, na isa namang government employee. May maliit din naman kaming bakery sa aming lugar na pinapatakbo ng kapatid kong si Kuya Tristan. Dati kasi itong nagtatrabaho sa ibang bansa, ngunit mas minabuti na manatili na lamang sa Pilipinas at magtayo ng sariling negosyo. Bagay na malaking tulong din upang makaraos ang aming pamilya sa araw-araw na gastusin. Kahit papano ay malaking tulong din sa aking pag-aaral ang scholarship na nakuha ko sa Ched. May naipon din naman akong konting halaga. Nito kasing nagdaan na bakasyon ay nakapagtrabaho ako bilang waitress sa isang tea shop malapit sa eskwelahan na aking pinapasukan. Sa ganitong paraan man lang ay makatulong ako na mabawasan ang ilang pasanin ng aking mga magulang. Ipinagkakatiwala ko na lamang sa nasa itaas ang lahat ng bagay upang sa araw-araw ay makaraos at maitawid ko ang aking pag-aaral. Ilang minuto pa ay may tumigil ng bus sa tapat ng waiting shed kung saan ako nag-aabang. Tumayo na ako at isinaklay na ang aking bag saka umakyat na sa bus. Inikot ko ang aking paningin upang maghanap ng bakanteng mauupuan. Agad kong tinungo ang pangatlong upuan mula sa driver's seat. Umupo ako malapit sa may bintana. Mas gusto ko kasi ang puwestong ito dahil nalalanghap ko ang malamig na simoy ng hangin. Malaya ring naaabot ng aking mga mata ang iba't ibang tanawin na minsa'y nadadaanan habang nasa biyahe. Bigla akong nakaramdam ng antok. Dahan-dahan ko nang isinandal ang aking ulo sa upuan. Mahaba pa naman ang biyahe. Ipinikit ko na ang aking mga mata upang kahit papano'y makapag-idlip ng konting minuto. YURI Halos mapuno na ang upuan sa loob ng bus nang ilibot ko ang aking paningin. Mabuti nga't nagkataon na may isa pang bakanteng upuan sa likod ng driver's seat. Tinungo ko na iyon at baka maunahan pa ako ng ibang pasahero. Kahit papano ay makakaupo na rin ako matapos ang ilang minuto na ginugol ko sa paglalakad. Ramdam ko pa rin ang labis na pangangalay ng aking mga binti. Natigilan ako nang bumungad sa akin ang isang babae na mahimbing na natutulog. I was surprised nang makita ko ang suot nitong uniform. Estudyante rin ito sa Maxwell University kung saan ako ngayon nag-aaral. Itinuwid ko na ang aking upo saka ipinatong ang dala-dala kong bag sa aking kandungangan. Mula sa aking pagkaka-upo ay muli kong pinagmasdan ang mukha ng babae na nasa aking tabi. Napakaamo ng mukha nito. Para itong isang maliit na bata na mahimbing na natutulog. Walang pakialam sa lahat ng mga nangyayari sa kanyang kapalibutan. Isang mukha na kakakitaan mo ng positibong pananaw na tila ba walang anumang problema na pinapasan. Kahit maliliit na detalye sa mukha nito ay hindi nakaligtas sa aking paningin. Makakapal at maiitim ang mga kilay nito na parang ginuhit ng eyeliner. Dagdag pa ang mga mata nitong may mahahabang pilik-mata. Matangos na ilong at hugis-pusong mukha. Bahagya akong pinagpiwasan. Naramdaman ko ang biglang panunuyo ng aking lalamunan nang gumawi ang aking paningin sa mapupula nitong mga labi. Tila ba nang-aakit ang mga iyon at nagbibigay sa akin ng isang paanyaya. Paanyaya ng isang halik. Ano ba itong pinag-iisip ko?! Buyo ko sa aking sarili nang tapikin ko ang aking noo. Buong akala ko ay sa mga pelikula lamang ito nakikita. 'Yung tipong ilang pulgada na lamang ay halos didikit na ang mga labi ng lalaki sa babae. Ganito pala ang pakiramdam kapag ikaw na mismo ang nasa sitwasyon. Kulang na lamang ay atakihin ako sa puso. Kumakapit na sa buong katawan ko ang matinding kaba na sa buong tanang buhay ay ngayon ko lamang naramdaman. Napakapit akonsa upuan na nasa aking harapan nang maramdaman ko ang malakas na pag-alog ng bus dahil sa lubak-lubak na kalsada. Kasabay nito ang pagsampa ng ulo ng babae sa aking balikat. At sa pagkakataong ito ay halos nagmistula na akong matigas na yelo sa aking kinauupuan. Hindi ko maigalaw ang aking buong katawan nang muli kong masilip ang mukha nito. Ramdam ko rin ang init na nagmumula sa bawat paghinga niya na tumatama sa aking pisngi dahilan para magsimula na akong mataranta. At sa hindi malamang dahilan ay ito ang pinakaunang pagkakataon na nakaramdam ako ng kakaibang init na dahan-dahang nanunuot sa aking dibdib. "Mukhang mahimbing pa rin ang tulog ng nobya mo, jiho." Narinig kong sabi ng matandang babae na nakaupo sa bandang kanan, sa tapat ng aking kinauupuan. "Hoh?" maang ko kahit kasing liwanag pa ng sikat ng araw ang sinabing iyon sa akin. Napailing ako nang bigla kong maramdaman ang pag-init ng aking mga pisngi. Kahit naman siguro sinong makakita sa amin sa ganitong posisyon ay iisipin na magkasintahahan kaming dalawa. Hindi ko maitindihan kung ano itong nangyayari sa akin. Pakiramdam ko'y pilit akong tinutukso ng pagkakataon na muling tingnan ang mukha ng babaeng nasa tabi ko. Marami na akong nakita at nakilalang mgagandang babae, ngunit ang isang ito ay may kakaibang epekto sa akin. Yumuko ako. Itinakip ko ang kanang palad ko sa aking mga mata para pigilan ang mga ito na tumingin muli sa babae, ngunit kahit anong pilit ang gawin ko, hindi ko mapigilan ang damdamin na unti-unting namumuo sa dibdib ko. Susubukan ko na lamang na pakalmahin ang sarili ko hanggang sa magising na ito. Hahayaan ko na lamang na matulog ito sa aking balikat, tutal sa iisang eskwelahan din naman ang tuloy namin. REMMY Nanlalaki ang mga mata ko nang sa pagmulat ko ay bumungad sa akin ang mukha ng isang lalaki na nakatitig sa akin. Huli na ang lahat nang malaman ko na nakatulog pala ako sa ibabaw ng balikat nito. Inalis ko kaagad ang aking ulo na nakapatong sa balikat nito. Hindi ako magkandatuto kung paano ko sasalubungin ang mga mata nito dahil sa labis na kahihiyan na nagawa ko, kung pu-pwede lang sanang tumalon sa bintana ay ginawa ko na. "S-sorry..." nakayukong paghingi ko ng despensa. Wala akong lakas ng loob na tingnan ito sa mga mata. "It's okay, wala namang problema. Mukha naman kasing mahimbing ang tulog mo kaya naman hinintay na lamang kita na kusang magising," anito. Ramdam ko pa rin ang mga mata nitong nakatitig sa akin. For the very first time na nakaramdam ako ng ganitong klaseng embarassment. Kung bakit ba kasi natulog pa ako sa gitna ng biyahe, at worst than that ay hindi ko man lamang namalayan na nasa balikat na pala ako ng lalaking ito. Nakakahiya! Sobrang nakakahiya! Malamang sa malamang ay kanina pa nito nakita kung gaano ako kapangit matulog. Kung minalas pa nga ay narinig pa nito kung gaano ako kalakas humilik. Pakiramdam ko tuloy ay pinagtatawanan ako ngayon ng buong daigdig. Kulang na lamang ay itago ko ang aking mukha mula sa lalaking ito. "S-sorry talaga." Umiling ako at mahigpit na humawak sa aking bag. Batid ko kung anong bagay ang pilit na naglalaro sa isipan nito. "Ang juice mo." Bigla akong natigilan. Juice? Kinabahan akong bigla. Nanlaki ang aking mga mata nang sa pag-angat ng aking mukha ay nakita ko itong nakalagay ang direksyon ng daliri sa sulok ng pang ibabang parte ng labi nito. "Tissue?" anito sabay abot sa akin ng tissue na kinuha pa nito sa loob ng bag niya kasabay ang pagsingaw ng isang mapanuyang ngiti sa kaniyang mga labi. Huli na ang lahat nang madiskobre kong may mumunting butil ng laway sa sulok ng aking bibig.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.7K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
259.1K
bc

Tamed to Be Yours

read
385.2K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
455.0K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
287.4K
bc

YOU'RE MINE

read
894.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook