Georgette… “Riexen!!” sigaw ko nang makita ang pinsan ko. Sinalubong ko kaagad siya ng yakap matapos niya akong bisitahin sa bahay ko rito sa London. “Kumusta na?” “Ikaw ang kumusta na? Bruhang ito. Ilang linggo rin kitang hindi nakita at hindi ka man lang nagparamdam sa akin. Nagtatampo na ako.” “Sorry. Alam mo naman na busy ako rito dahil may mga inaasikaso akong mga seminars. Tinanggap ko kasi ang alok ng WHO na isa sa maging speaker’s nila tungkol sa heart health awareness,” paliwanag ko. “Maupo muna tayo rito,” alok ko. Sabay kaming umupo sa sofa a napuna kong mas lalong gumanda ang pinsan kong ito. Palibhasa kasi in love palagi sa asawa niya. But I am happy for them. “Kumusta ang pagbubuntis mo?” unang tanong niya agad sa akin. “You would believe this, Riex.” Aaminin ko na

