bc

Her Vengeful Billionaire

book_age18+
2.0K
FOLLOW
15.0K
READ
billionaire
submissive
CEO
doctor
billionairess
twisted
bxg
office/work place
colleagues to lovers
seductive
like
intro-logo
Blurb

Move on na sana si Georgette sa mga naging nakaraan niya kay Tristan Ferrer. Kaya lang nang magtagpo ang landas nila sa airport at nagkapalit ng passport holder, muli silang nagkita. Ang mas matindi pa, napaka-arogante nito sa kaniya at kasalanan pa niya na nagkapalit sila ng passport.

Nang isauli niya ang passport holder nila sa isa’t isa, sinisi pa siya sa mga kamalasan nito nang araw na magtagpo sila. Hanggang sa mga nagdaang araw, laging nagtatagpo ang inis nila sa isa’t isa.

Paano nga ba sila pagtatagpuin ng tadhanang maging kalmado sa isa’t isa?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Georgette I'm back! Ito agad ang salitang sinambit ng isipan ko nang makababa ako ng eroplano. Naglalakad ako habang hila-hila ang luggage ko papasok sa may arrival area ng Manila International Airport. Mahaba-haba rin ang naging biyahe ko mula London hanggang dito sa Pilipinas. I wore my sunglasses to protect my eyes from the direct hit of the sunlight. Grabe! It's seven o'clock in the morning and it’s like a hell! Nagrereklamo agad ako at gusto ko ng bumalik ng London. Swabe lang din ang lakad ko na animo’y Miss Universe lang na kakatapos lang ng koronasyon. Ayoko sanang umuwi rito ngunit ako lang ang tanging inaasahan ng daddy ko na magpatakbo ng ilang hospital na pagmamay-ari nila ni Tito Lucas. My cousin Riex never showed up since the day she left with my Tita Veronica and went to Switzerland. Sumalubong agad sa akin ang crowd ng mga tao sa paligid na ilang taon din hindi ko naramdaman. Idagdag pa ang buhol-buhol na traffic lalo na kapag rush hour subalit mas pinili ko pa rin na hindi ipaalam sa daddy ko na nakauwi na ako. Ang alam lang niya, samakalawa pa ako uuwi. Habang inaayos ko ang mga gamit ko sa push cart, hawak ng isang kamay ko ang lagayan ng mga passport ko at ilang mga importanteng ID’s. Kukuha na rin ako ng cash para makapagpalit ng pera sa foreign exchange sa malapit. Since hindi alam ng daddy ko na uuwi ako, sasakay ako ng taxi. Kaya lang nagulat ako nang biglang may bumangga sa akin. Nabitawan ko ang hawak kong passport holder at nahulog sa mga kamay ko. “Hey!” sigaw ko. “I’m sorry, Miss! I was in a hurry!” “Hurry?!” Kumunot ang noo ko at nainis sa lalaking kaharap ko dahil hindi man lang ito tumitingin sa dinadaanan niya. Agad niyang pinulot ang nahulog na passport holder naming dalawa. Hindi ko lang din masyadong masilayan ang kabuuan ng lalaki dahil nakasuot din siya ng sunglasses. But then again, damn! He’s so hot! Iba ang dating niya na kahit suot niya ang sunglasses, intimidating ang lalaki. Ni hindi nga siya marunong ngumiti o kahit ang pagsabi niya ng sorry, hindi ko dama. “Here.” Ini-abot niya sa akin ang passport holder ko. “Next time, gumilid ka at huwag dito sa gitna na marami ang dumadaan,” paalala niya ngunit may halong pagiging sarkastiko. Kinuha ko agad ang passport ko. “So, it’s my fault?” inis kong tanong. “Kasalanan ko ba na hindi ka tumitingin sa⸻” Tumigil ako nang iharang niya ang kamay niya hudyat na ayaw niyang makinig sa sasabihin ko. “I said I was in a hurry. Sorry. Are we done?” in his sarcastic tone of voice. Natahimik ako. Hindi ko inaasahan na arogante ang isang ito. Hindi na niya narinig ang side ko at tumalikod na agad siya hila-hila ang kaniyang luggage. Malalaki na rin ang hakbang niyang nagmamadaling naglakad palayo. “Aba’t!” Mas lalo namang akong nainis sa pagiging arogante ng lalaki. Nagpalinga-linga ako sa paligid ko at malawak naman ang kinaroroonan ko. Kahit kailan, marami talaga ang mga aroganteng lalaking naglipana sa mundo. Ako na nga itong binangga, ako pa itong may kasalanan. Easy, Gette! Kakauwi ko lang at kailangan kong huminahon. My goodness! Hindi ko na nakita ang anino ng lalaki sa loob ng airport. Kahit nasa foreign exchange booth ako, laman pa rin siya ng isipan ko. “Ma’am, may I have your passport?” wika ng teller sa akin. “Oh, yes. Here.” Ibinigay ko naman ang passport ko sa kaniya. “Ma’am, wrong passport po yata ito.” Nagtaka ako. “Ha?” Tinanggal ko ang sunglasses ko at inilagay ko sa collar ng damit ko sa dibdib. “Paanong wrong passport?” Ibinigay ng teller ang passport ko. “Lalaki po ang may-ari ng passport at hindi po yata sa inyo.” Kinabahan naman ako. Agad kong sinilip ang passport at bumungad nga sa akin ang mukha ng isang lalaki at hindi ako. Dumako ang tingin ko sa pangalan ng may-ari ng passport. Karl Tristan Ferrer? Wait… Nagmamadali akong binuksan ang passport holder na ibinigay sa akin ng lalaki. Lumantad nga sa akin ang ibang mga naroon kasama na ang driver’s license niya. Sinilip ko rin ang kabuuan ng holder, parehong-pareho kami ng lalagyan. s**t! “Ma’am, may ibang valid id’s pa kayo? Kahit hindi na lang po passport,” muling wika ng teller sa akin. “Uhm, wala na. S-Sorry at hindi na ako magpapalit. Mukhang nagkapalit kami ng passport holder ng lalaking binangga ako kanina.” “Okay, Ma’am.” Muli niyang ibinalik sa akin ang lalagyan ko ng pera. Nataranta na ako. Hindi ko alam kung paano ko mababawi ang passport holder sa lalaking bumangga sa akin kanina. Gumilid muna ako at muling naghalungkat sa passport holder ng lalaki at baka may naiwang contact number. My god! Hindi pwedeng mawala ang passport ko at ibang id’s ko. Naroon ang doctor’s license ko! Kaya lang muli akong natigilan sa pagsulyap ko sa license ng lalaki. Paulit-ulit na sumagi sa isipan ko ang pangalan niya. Maya-maya lang, nasapo ko ang bibig ko nang maalala ko siya. For how many years, nagtagpo ang landas naming dalawa at sa isang hindi inaasahang pagkakataon pa. Sa lahat ng pwedeng bumangga sa akin, ang lalaking ito pa. Ang lalaking minsan na rin naging bahagi ng kabataan ko noon. Naghanap pa ako ng pwedeng makita para kontakin siya. Maaaring hindi pa siya nakakalayo sa airport. Nakita ko pa ang tinuping ticket niya at nalaman ko kung saan siya nanggaling. Sa Hawaii. Kaya lang kahit anong gawin ko, wala akong mahanap na phone number. Naisip ko ang address na kalakip ng license niya at isauli na lang ito. Kung kinapitan ka nga naman ng kamalasan. I have no choice but to keep his things and I called my father to fetch me. Hindi na tuloy surprise ang pag-uwi ko dahil nalaman ng daddy ko na umuwi na ako. After one hour of waiting for my father, he picked me at the arrival bay. “Daddy!” sambit ko sabay niyakap ko ang daddy kong matagal ko rin hindi nakita. Kumalas din naman ako sa pagkakayakap sa kaniya at tinulungan siyang ilagay sa compartment ang mga gamit ko. “Pambihira ka talaga, Gigi. Why you didn’t tell me that you’re coming home? Eh, ‘di sana nakapaghanda naman ako,” may halong tampo ang sinabi niya. “I’m sorry,” paghingi ko ng paumanhin. Nasa loob na rin kami ng kotse at minani-obra na rin ng daddy ko ang sasakyan paalis ng airport. “I wanted to surprise you, Dad. Kaya lang ako yata ang na-surprise.” Naalala ko na naman si Tristan Ferrer. “Why? May hindi ba magandang nangyari sa iyo?” “Wala naman,” tugon ko. Malakas ang radar ng daddy kapag nagsabi na ako ng mga hindi inaasahan. “Anyway, kumusta naman ang poging daddy ko?” pag-iiba ko. “As usual. Wala pa rin namang ipinagbago at busy pa rin sa pag-aasikaso ng hospitals. Alam mo naman na hindi pa bumabalik ang pinsan mo at si Tito Lucas mo naman, nanghihina na sa pangungulila sa anak niya.” “Dad, hindi niyo ba kinausap si Tita Veronica na umuwi na rito si Riex?” “I tried. Kaya lang matigas ang ulo ng pinsan mo at masama pa rin ang loob sa Tito Lucas mo. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa pagma-manage ng hospitals natin. Mabuti nga at umuwi ka na.” “Don’t worry, Dad. I am here now to help you, but I need my cousin. I’ll try to convince her too,” tugon ko na lang. DUMATING kami ng bahay halos tanghali na rin dahil may dinaanan pa kami ng daddy. Siya na lang din ang kasa-kasama ko sa buhay at naghiwalay na sila ng mommy mula nang bata pa ako. Nagkaroon na siya ng pangalawang pamilya at tanggap ko na rin naman ang bagay na iyon. Maayos naman ang pakikitungo ng mga magulang ko sa isa’t isa at mula rin noon, hindi na nag-asawa pa ang daddy ko. Kanina habang nasa biyahe kami, nag-iisip na ako kung sasabihin ko ba sa daddy ko ang tungkol sa nagkapalit na passport holder namin ni Tristan. Huli ko na rin na-realized na hindi in good terms noon ang daddy at si Tristan. Ang totoo niyan, ang daddy ko ang dahilan kung bakit hindi maganda ang naging relasyon namin si Tristan noon. My father was overprotected in me when it comes to my relationship with opposite s*x. Isa pa, magkalayo ang agwat namin sa buhay ni Tristan at gusto ng daddy ko na masiguro ang future ko sa lalaking makakasama ko. Hindi naman siya nanggaling sa mayamang pamilya at maraming kalokohang alam si Tristan noon na inayawan lalo ng daddy ko. Kaya lang, sa pagiging masigasig ni Tristan sa panliligaw sa akin noon, naging kami. Itinago lang din namin kay daddy ang totoo ngunit nabuking din at heto ako ngayon, walang perfect love life. “Kuya Rubin, samahan mo naman ako,” wika ko sa driver ng daddy. “Yes, Ma’am. Saan ho ba ang lakad natin?” “Alam mo ba ang address na ito?” tanong ko saka ko ipinakita ang papel sa kaniya. “Ah, sa San Lorenzo? Oo, Ma’am. Tamang-tama at kaka-renew lang ng sticker natin kaya makakapasok tayo sa village na iyan.” “Samahan mo naman ako sa address na iyan.” “Okay, Ma’am. Tara na, ho.” Tumango ako saka ako pumasok sa loob ng kotse. Hindi na ako nagpaalam kay daddy dahil umalis din naman agad siya pagkatapos niya akong maihatid. Desperada akong makuha ang mga ID’s ko kaya ako na mismo ang tutungo sa bahay ni Tristan. Kaya lang, kabado pa rin ako. Sa tagal ng panahong hindi kami nagkita, wala akong ideya sa magiging reaksiyon niya. “Mabuti na lang at kabisado mo rito, Kuya Rubin. Madalas ba kayo ng daddy ko rito?” “Minsan lang, Ma’am. Pumupunta lang kami rito kapag niyaya siya ng mga kaibigan niya. Marami rin akong mga kilalang driver dito kaya alam ko ang lugar.” Tumitingin din ako sa mga numero ng bahay na nadadaanan namin nang makapasok na kami sa village. Mahigpit ang mga guardiya sa loob at kung wala kaming sticker sa kotse, hindi kami makakapasok. “Nandito na tayo, Ma’am Gette. Ayan na ang numero ng bahay na nakasaad sa address na ipinakita mo sa akin.” Inihinto na rin niya ang kotse sa tapat ng bahay. “Salamat, Kuya Rubin. Ako na lang ang bababa at hintayin mo na lang ako rito.” “Sige, ho.” I opened the car door and went outside. I deeply sighed and then I walked through the gate. Halos nabibingi na ako sa kaba ng dibdib ko pero pilit ko itong nilalabanan. Kaya mo ito, Gette! Si Tristan Ferrer lang iyan. Ilang beses na rin ako napapabuga ng hangin bago ko pinindot ang doorbell. Habang naghihintay ako sa labas, naisip kong malayo na talaga ang narating ni Tristan. Ang huling alam ko tungkol sa kaniya, car dealer na siya ngayon. Natupad na ang pangarap niyang maging successful sa buhay. Kaya hindi ko siya nakilala kanina nang magtagpo ang landas naming dalawa. Poor, Georgette. Naisip kong napakaliit lang talaga ng mundo at pinagkrus ang landas naming dalawa. Maya-maya lang ay bumalik ako sa kasalukuyan nang may nagbukas ng gate. Bumungad sa akin ang isang may edad na babae at tila katiwala roon. “Magandang araw. Anong kailangan nila, Ma’am?” “Magandang araw din, ho. Dito ho ba nakatira si Karl Tristan Ferrer?” tanong ko. “Dito nga, Ma’am. Kaya lang wala pa siya rito at mamayang gabi pa siya darating galing ibang bansa.” “Ah, ganoon ba?” Pero nakasalubong ko ang amo mong arogante sa airport. “Uhm, pwede ho ba akong mag-iwan ng numero para matawagan niya ako. This is so important. Ibibigay ko na lang ang contact number ko.” Kinuha ko sa hawak kong pouch ang calling card ko. “Here.” Kinuha naman niya ang ibinigay ko. “Sige, ho.” Bahagya na lang akong ngumiti sa kaniya saka ako tumalikod. Hindi rin ako pwedeng magtagal at hintayin si Tristan para magpalit kami ng passport holder. Ang lalaking iyon, talaga. Sana ma-realized niyang hindi sa kaniya ang hawak niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.9K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook