Chapter 2

1677 Words
Tristan “Mr. Riyoka, we have a deal, right? Can you please wait for me there? I’m about to arrive in a minute! I just arrived today from my trip to⸻shit!” Narinig ko na lang ang busy tone sa kabilang linya dahil binabaan ako ng ka-meeting ko. “Damn it!” Hinampas ko ang manibela ng kotse ko dahil mula nang may nakabangga ako kanina, sunod-sunod na ang kamalasan ko. I was late in my business meeting and lost my million transactions. Ilang beses na akong nag-iisip upang makaiwas sa traffic subalit late pa rin ako. Hindi na nga rin natapos ang bakasyon ko sa Hawaii dahil nagmamadali ang isang Japanese investor ko na magsu-supply sa akin ng magagarang sasakyan na maaari kong i-benta rito sa Pilipinas. I don’t want to miss the chance and I risk my vacation for the safe of my business. Pinilit ko ang sarili kong kumalma. Sumandal na lang ako nang maayos sa driver’s seat para naman makapag-isip pa ako. But then again, isang traffic enforcer ang pumara sa sasakyan ko. Lalo naman akong nagtaka at kumunot ang noo ko sa kung anong violation ang nagawa ko. Inihinto ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada at hinintay ko ang babaeng enforcer na lumapit sa sasakyan ko. And then she knocked my car window. Ibinaba ko naman ito para makapag-usap kami. “Sir, lisensiya,” wika ng babaeng enforcer. “Why? Anong violation ko?” “Sir, beating the red light ka. Hindi mo ba nakita na nakahinto na ang sasakyan pero ikaw itong dumiretso pa?” “Ma’am, nasa gitna ako bago pa naging pula iyang traffic light niyo. Alangan naman na sa gitna pa ako hihinto?” inis kong sagot. “Sir, pogi. Hindi niyo ba tantiya ang segundo sa traffic light at sinundan niyo pa rin iyong nauna sa inyo? Kung ganito kayong mga civilian umasta sa aming mga traffic enforcer, aba, kayo na lang ang tumayo rito. Hindi na nga kayo sumusunod sa batas, kayo pa itong nag-aangas.” “Miss, naiintindihan ko ang batas na tinutukoy mo. Kaya lang hindi mo yata naiintindihan ang sinabi ko. Miss, nagmamadali ako. Kung hindi ko aabutan⸻” “Sir!” putol niya. “Lisensiya mo! Iyon lang naman ang hinihingi ko at kung nagmamadali ka, mas lalo naman ako. May trabaho ako na kailangan kung gampanan at kung magmamatigas ka, pwede naman sa presento na lang natin iyan pag-usapan. May mga pulis kaming mga kasama⸻” “Fine!” inis ko na lalo. Kinuha ko ang lalagyan ko ng passport holder sa leather bag na dala ko. Agad ko rin ibinigay sa babaeng enforcer ang lisensiya ko na hindi na tinitingnan kung tama ba ang card na naibigay ko. Tiningnan ko siya na tila nagtataka. “What?” tanong ko. Nagpalipat-lipat ng tingin ang enforcer sa akin at sa hawak niyang ID. “Sir, sigurado ka na ikaw itong nasa lisensiya mo?” “Nakikita mo naman ang pangalan at mukha ko sa lisensiyang hawak mo, right?” sarkastiko ko. Napakamot sa ulo ang babaeng enforcer. “Eh, hindi naman ikaw ang nandito sa lisensiya. Niloloko mo ba ako? Alam mo ba na maaari kong dagdagan ang violation mo dahil mali itong lisensiyang ibinigay mo.” “What?!” bulalas ko. “Pwede kong makita?” “Heto! Magbibigay-bigay ng lisensiya, babae naman ang nakapangalan. Pasalamat ka at gwapo ka kung hindi…” bulong-bulong niya sa huling sinabi. “Kung hindi, ano?” “Wala! Basta lisensiya mo!” I stared at my driver’s license and she’s right. Iba nga naman ang nakapangalan dito at hindi ang pangalan ko. Maria Georgette Clave? Agad kong tiningnan ang passport holder ko at noon ko naalala ang babaeng nabangga ko kanina. s**t! Hinalungkat ko ang nasa loob at tumambad nga sa akin na iba ang mga naroon. Tiningnan ko rin ang passport at parehong pangalan nga naman ang naroon. Napahilot ako sa sentido ko dahil hindi ko naman inakalang pareho kami ng passport holder at nagkapalit pa kami. Ang babaeng iyon! Muli kong sinulyapan ang larawan ng dalaga sa driver’s license niya pati na rin ang pangalan niya. How could I forget her name? Ang babaeng nakabangga ko kanina ay walang iba kung hindi ang babaeng minsan kong ipinaglaban pero maraming beses naman akong nasaktan nang dahil sa katayuan ko sa buhay noon. At ang sakit? Nanumbalik. Tiim-bagang ako habang naalala ko na naman ang ginawa ng ama niya. “Sir, ano na, ho?” Kumilos ako upang bumaba ng sasakyan ko upang harapin ang babae. “Miss, sorry. Hindi ko nga lisensiya ang ibinigay ko sa iyo. Nanggaling ako ng airport at nabangga ko ang may-ari nitong hawak ko. Nasa kaniya ang mga ID’s ko at nagkapalit kami,” paliwanag ko. “Sir, hindi ho pwede iyan. Paano itong violation mo?” “Miss, I can give you my license if it is mine. As I said, may hindi magandang nangyari kanina.” “Sir, sa mga kasama kong police na lang kayo magpaliwanag.” Sabay turo niya sa mga kinaroroonang police patrol sa kabilang bahagi ng kalsada. “Okay, fine. Pero may tatawagan lang ako.” “Sige, Sir.” I called my friend, Rendell. Saktong naka-duty siya ngayon dito sa Pilipinas dahil may hinahawakan siyang kaso. Hindi naman ako nabigong tawagan siya at agad niya akong pinuntahan. I was really upset and this woman, she made my day miserable again. “Bro, I already talked the police officer,” wika ni Rendell nang puntahan niya ako sa gilid ng kalsada. “Areglado na.” “Thanks, bro. Mabuti na lang at nasa malapit ka lang.” “This woman, I know her.” My forehead wrinkled. “What do you mean?” “She’s my ex-girlfriend’s cousin. Alam ko ang bahay niya at pwede nating ihatid ang passport holder sa kaniya mismo.” “Ha? I⸻mean.” Hindi ako makapaniwalang kilala pa ng kaibigang kong ito si Georgette. What a day. “S-Sige. I need my ID’s too and my passport but I have a meeting tonight. Tatawagan na lang kita kung kailan natin isasauli ito.” “Okay, bro.” Sabay tinapik niya ako sa balikat. “I need to get going and still have my work to do. See you.” Tinapik ko rin siya sa balikat. “All right. See you.” Tumalikod na si Rendell upang sumampa sa kotse niya. Ako naman na sasampa na sa kotse ko ngunit tinawag ako ng babaeng enforcer. “Sir, okay na tayo, ha?” Ngumiti siya sa akin. “Oo,” sagot ko. “Pasensiya ka na kanina, medyo mainit lang ulo ko.” “Pasensiya ka na rin, Sir. Trabaho lang, ho.” “Ano nga ang pangalan mo?” “Eula, Sir. Ikaw, Sir?” “Tristan.” “Sige, Sir Tristan. Ingat kayo at makikibaka muna ako sa traffic.” Sumaludo pa siya bago tumungo sa kaniyang puwesto kasama ng ibang traffic enforcer. Gumanti na lang din ako ng pagsaludo at tuluyang pumasok sa kotse ko. Bago ko pinaandar ang makina ng kotse, muli kong kinuha ang isa sa mga ID ng dalaga. Tiningnan kong muli ang doctor’s license niya ngayon. So, you’re finally a Cardiologist Doctor now. Ilang segundo akong nakatitig sa mukha ni Georgette at muli ko itong ibinalik sa lalagyan. I played the music on my stereo and then I droved my car. Ninamnam ko na rin ang musikang pumainlang habang inaalala ko ang mga hindi ko makalimutang sandali sa buhay ko noon. She’s one of the reasons why I am like this⸻in deepest pain. GABI na ako nakauwi ng bahay dahil sa late meeting ko. Naabutan ko ang nanay ko na nanonood ng palabas sa sala. “Oh, Tristan. Ginabi ka na yata. Kumain ka na ba?” “Kumain na ako sa labas.” Nilapitan ko siya, kinuha ang kamay niya at nagmano. “Kaawaan ka ng diyos, anak.” “Ang tatay?” “Naku, tulog na. Maaga kasi siyang tutungo sa talyer natin sa Tondo at may kakausapin. Alam mo naman ang tatay mo at hindi ko na mapigilang pumirmi rito sa bahay. Ay, siyangapala, anak. May ibinigay sa akin si Milagros na papel. Oh, heto.” Kinuha niya ang calling card sa center table at ibinigay sa akin. “Kanino galing ito?” Tiningnan ko agad ang nakalagay sa calling card. Naka-rehistro sa hawak ko ang pangalan ni Georgette. She’s here? “Sa babaeng nagpunta rito kanina at ibinigay iyan kay Milagros. Sinabi niyang gagabihin ka kaya hindi na rin siya nagtagal. Eh, anak. Sino ba iyan? Girlfriend mo?” biro niya. “Hindi, ho.” Hawak ko na ang calling card ni Georgette. “Siyangapala, si Trina?” “Nasa kwarto na niya. Maaga siyang umuwi kanina at masakit daw ang ulo niya.” “Okay. Magpahinga na kayo at hindi pwede sa inyo ang nakababad sa TV.” “Susunod na ako at tatapusin ko lang ito.” Hindi na ako tumutol sa aking ina at iyon lang naman ang libangan niya. Umakyat na ako sa taas upang makapagpalit ng damit. After an hour, kinuha ko ang cell phone ko upang tawagan si Georgette. I sat at the edge of my bed and then I dial her number from the calling card. Bago pa man mag-ring ang kabilang linya, pinutol ko na. Damn. Don’t tell me, binabahag na ang buntot ko na kausapin ang babaeng iyon. This can’t be. Muli akong nag-dial but this time, nilakasan ko na ang loob ko. Kung hindi ko gagawin ito, hindi ko makukuha ang mga pag-aari ko. Mahirap pa naman na makakuha agad-agad ng mga government ID’s dito sa Pilipinas. Hindi niya sinasagot. Halos matapos na ang ringing, hindi niya pa rin sinasagot ang tawag. I dropped the call and I looked at my phone’s time. It’s already eleven o’clock in the evening and I was thought she’s sleeping. I put my phone on the side table and then lying on my bed. Balak kong bukas na lang siya tatawagan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD