Chapter 3

1905 Words
Georgette AFTER we talked with my father about the hospitals situation, I’m heading off to my room. Sumakit na ang ulo ko sa mga dapat kong gawin dahil hindi lang isa o dalawa ang hospitals na aasikasuhin ko. I need my cousin Riex so I am trying to contact her through my Tita Victoria. Kinuha ko ang cell phone ko sa center table saka ako umupo sa sofa. Hindi pa ako nasanay sa oras dito sa Pilipinas and still trying to adjust myself. Alas-onse na pero pakiramdam ko, maaga pa. Isa pa, sanay ako sa night life sa London lalo na sa ganitong oras ng gabi. I opened my phone and saw one missed call from an unknown number. I’m not interested in the unknown numbers who call me from time to time, but there’s something I realized. Iniisip kong baka si Tristan ang tumatawag dahil iniwan ko ang cell phone number ko sa bahay nila. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago gawin ang pinaplano kong mag-return call. Mula nang umuwi ako rito, hindi na nawala sa isipan ko kung sino ang nakatagpo ko sa airport at iyon ay walang iba kung hindi si Tristan Ferrer. I pressed the return call button and put my phone in my ear. Kaya ko ito! Kaya ko ito! Suddenly, someone in the line answer my call. Halos pinagpapawisan na ako sa loob ng kwarto ko kahit nakatodo naman ang aircon. Ginamit ko pa ang kamay ko bilang pamaypay mapawi lang ang tensiyon na nararamdaman ko. C'mon, Gette. You can do it. It’s just him. “H-Hello. W-Who is this I’m calling? I mean...you called me about twenty minutes ago and you might know me.” Whoa! Napahimas pa ako sa noon ko habang ang kaba sa dibdib ko, hindi ko na mapakalma. Sa lahat ng mga lalaking kilala ko mula pa sa Europe, walang sino man ang nakakapagpakaba sa akin ng ganito kung hindi si Tristan lang. Yes! And I’m dating a lot of European men even in my college days. Kilala ko ang mga ugali nila at kung ano lang gusto nila sa isang babae. Hindi ako ang tipo ng babaeng bago pa sa akin ang lahat. I met these men and know what they want from women. After ng break up namin ni Tristan noon, naghanap naman ako ng panibagong pag-ibig ngunit wala ni isang makakapantay sa isang Tristan Ferrer sa buhay ko. “Yes, I am calling you earlier.” Ibinalik ko ang sarili ko sa kausap ko sa kabilang linya. “A-Ah, y-yes,” nauutal kong tugon. “Who is this, by the way?” tanong ko kahit nabusesan ko si Tristan sa kabilang linya. “Tristan Ferrer. The one who bumped you earlier at the airport, and I didn’t mean it. I’m calling you because we both have our thing that might be, you know, an exchange. I need my passport tomorrow morning,” he formally said. “Okay. I need my passport and other ID’s too. Uhm...” “Alam ni Rendell ang bahay niyo at...pwede niya akong samahan para kunin ang passport holder ko.” “W-Wait. Rendell? Rendell Dela Vega?” curious kong tanong. Iisa lang naman ang kilala kong Rendell na ex-boyfriend ng pinsan kong si Riex. “Yes. It’s him. It’s a long story kung paano ko nalaman na magkakilala kayo.” “All right.” “Okay. Bye.” He ended up the call after. Hindi pa nga ako nakasagot sa sinabi niya nang ibaba na niya ang tawag. Marahan ko rin binaba ang cell phone ko at bahagyang natulala. Sa maikling conversation namin ni Tristan, isa lang ang napatunayan ko. Dama ko pa rin ang pait sa boses niya o baka for formalities na lang ang pakikitungo niya sa akin. Well, he’s a billionaire now. Maaaring nag-krus na ang kanilang landas ni Rendell sa hindi inaasahang pagkakataon at marami na rin koneksiyon si Tristan sa mga kilalang tao. But I should never worry about it. So, kung kilala niya si Rendell? Ano naman? I should focus on myself and my responsibilities until my cousin Riex come back home. Tumayo ako bitbit ang cell phone ko patungong kama. I need to act professional rather than my feelings or emotion whatsoever. Hindi ako dapat maging attached sa mga nakaraan namin dahil tapos na iyon. Humiga na lang ako sa kama ko at pilit kong iwinaglit sa isipan ko ang pagtatagpo namin ni Tristan. I WOKE UP early in the morning to start my hard day. Naghihikab pa akong bumaba ng hagdanan na nakayapak. I still wear my gray silk night dress and went to the kitchen. Nasanay na ako sa London na ganoon lang suot ko dahil doon naman ako komportable. Hindi pa nga ako nakakapagsuklay at magulo pa ang buhok kong tumungo ng kusina. “Good morning, Nana Betty,” bati ko sa may edad na kasambahay namin. “Good morning, Gigi. Gising ka na pala. Naka-ready na ang breakfast mo sa veranda,” wika niya. “Ang daddy?” “Maagang umalis kasama si Rubin. Nagpahatid sa Batangas at bukas na raw siya babalik dito sa bahay,” sagot niya. “Ah...” tipid kong sabi. “Maiwan na muna kita riyan at magwawalis lang ako sa likod ng bahay.” Tumango lang ako. May kinuha lang ako sa cabinet saka ako naglakad patungong veranda. Napahikab pa akong muli dahil ang totoo niyan, hindi talaga ako nakatulog nang maayos. Si Nana Betty na ang nagpalaki sa akin mula noong maliit pa ako at siya ang pinagkakatiwalaan ng daddy ko sa bahay na ito. Itinuring ko na lang din siyang pangalawang magulang lalo na at siya lang naman ang karamay ko noong mga panahon na kailangan ko ng isang ina. Pagdating ko ng veranda, nakahanda na ang coffee and breakfast ko. Kinuha ko ang tasa ng kape, sumimsim at nagkamot sa bandang puwitan ko. Sumulyap din ako sa magandang view ng garden namin. I turned my glimpse to the other side of the garden to see it. Kaya lang muntik ko ng maibuga ang iniinom kong kape nang masilayan ko ang dalawang lalaking papalapit sa akin. “Hi, Gette!” bati ni Rendell sabay kumaway sa akin. Malawak din ang pagkakangiti niya. “What the⸻” My eyes widened when I saw him with Tristan. Maaaring pinapasok sila ni Nana Betty na hindi ko man lang nararamdaman. Hindi lang iyon, nag-aalala ako na baka nahuli nila akong nagkakamot sa… Hindi ko na naituloy dahil sobrang nakakahiya sa mga ito. Kung bakit pa kasi nangati itong puwitan ko. So, ano naman kung nakita ako? Siguro naman at nagkakamot din sila ng mga itlog nila! Minsan hindi ko rin mapigilan itong pagiging bulgar ko. “Sorry, uhm. Sabi ni Aling Betty, nandito ka sa veranda niyo,” wika ni Rendell. “Good to see you. You look...great.” “T-Thanks,” ngiting sambit ko. Ibinaling ko ang tingin kay Tristan na malalim din ang tingin sa akin at seryoso. Oh, Gette! Hindi ko man lang naisip magsuot ng pang-itaas. Mabilis akong tumalikod na kunwari ibinalik ko ang tasa ng kape sa mesa saka ko kinuha ang pillow at tinakpan ang dibdib ko. “Nag-breakfast na kayo? Cmon, join me.” Muli akong humarap na may nakalagay na pillow sa dibdib ko. Nakakahiya! Malapad pa ang ngiti ko sa dalawang nagguguwapuhang lalaki sa harapan ko. Rendell scoffs. Kaya lang biglang tumunog ang cell phone niya. “Oh, I need to get this call. Excuse me.” Sumenyas lang siya kay Tristan na kausapin ako saka siya nagtungo sa garden side. Ako naman, nagkailangan pa kami ni Tristan. Ngayon, nasilayan ko siya na hindi niya suot ang kaniyang sunglasses, mas lalo akong na-intimidate. Kaya lang ay kailangan kong umakto nang natural upang hindi niya mahalatang naiilang ako. “Hi,” bati ko. “Uhm, ang aga naman yata ng pagpunta niyo.” “Uhm, yeah. As I said last night, I need my passport holder. May lakad din si Rendell kaya nagpasama ako nang mas maaga.” “I see. Breakfast?” “No, thanks.” Ang cold ng pakikitungo sa akin ni Tristan pero iba ang ipinapakita ng mga tingin niya sa akin. Natuon ang tingin ko sa mapupulang labi niya, and damn it’s so adorable and hot while it’s like teasing me. Ang mga tingin niyang tila tinutunaw ang buong pagkatao ko. And then I came into dreaming that he was kissing me, my shoulder, my neck and even my kissable lips. Sa puntong iyon, dama ko na ang mainit niyang palad na naglalakbay sa hita ko hanggang sa paghagod ng aking likod. I was bit my lower lip and gasped. I curved my body to show my shape of doing that intimate, loving and passionate moves. Para akong nasa loob ng pugon na naglalagablab ang paligid ko habang nakatitig ako sa mga mata niya. It’s burning like hell with a daredevil at the top on me playing insane. “Hoy!” untag niya. “Ay, kabayo ka!” Nagulat ako sa ginawa niya. “Gette, ang sabi ko, I need my passport holder. Pambihira! Kanina pa ako nagsasalita rito at hindi ka man lang nakikinig,” inis niyang sabi. “May sinasabi ka?” “Wala! At... Bakit ka ba pinagpapawisan?” “M-Ma⸻mainit, eh!” Sabay pinangpaypay ko ang neck pillow. “Whoa! Ang init talaga rito sa Pilipinas. Sandali lang at kukunin ko sa taas ang kailangan mo.” Agad ko siyang tinalikuran at nagkunwaring wala akong kalokohang iniisip. Damn! Ano ba ang ginagawa ko? Hay, jusko naman! Umakyat ako sa kwarto ko at bago ko kinuha ang kailangan niya, nagpalit na ako ng damit. Ayoko namang isipin niyang inaakit ko siya sa suot ko kanina. But it’s not my fault anyway. Bakit kasi sila nagtungo rito na hindi man lang tumatawag? Muli akong bumaba bitbit ang passport holder ni Tristan. May kausap pa rin si Rendell sa phone at siya naman na nanatili lang sa kaniyang kinaroroonan. “Here.” Ini-abot ko ang bagay na kailangan niya at kinuha naman niya ito. “Nang dahil diyan, hindi man lang ako nakapagpalit ng pera. Where’s my passport holder?” “Heto.” Ibinigay niya ito at kinuha ko rin agad. “Nang dahil diyan, muntik na akong mapahamak,” bahagyang inis siya. “Oh?” Tumaas ang kilay ko. “So, anong nangyari sa iyo?” tanong ko naman. I sighed after. “Kung bakit kasi sa lawak ng airport, binangga mo pa ako. Bulag ka ba?” “Hindi ako bulag at sadyang…” Napabuntong hininga rin siya. “Nevermind.” “Tapos na kayong mag-usap?” tanong ni Rendell na kakatapos lang niyang makipag-usap sa cell phone niya. “Uhm, okay na kami.” Bumaling si Rendell kay Tristan. “We have to go. May aasikasuhin pa ako.” “Okay,” tugon ni Tristan. “Uhm, Gette. We need to go. Thanks.” I nodded. Hindi ko na sila inihatid sa labas pero ang kaba sa dibdib ko nang magkaharap kami ni Tristan ay nagrarambulan na naman. Kulang na lang ay tumungo ako sa clinic namin rito sa loob ng bahay upang sumailalim sa cardio. Hindi ko lang talaga alam kung ano itong nararamdaman ko ngayong nagkita kaming muli. Alam ko sa sarili kong move on na ako, but I really don’t know this feeling of mine. Nakakapanibago at nakakalito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD