Chapter 4

2014 Words
NAGMAMADALI akong tumungo sa emergency room nang tawagan ako ng ama tungkol sa nangyari kay Tito Lucas. Inatake raw siya habang naglalaro ng golf sa loob ng kanilang malaking bahay sa Forbes. Halos mabunggo ko pa ang mga nurses na nadadaanan ko sa kakamadali ko. “Dad!” hingal na hingal kong sambit. Nakita ko sa labas ng emergency room ang daddy ko kasama pa ng ibang doktor. Lumingon sa akin ang daddy ko at nilapitan ako kaagad. “Gigi. Mabuti na lang at nandito ka na. Ang Tito Lucas mo…” “Anong nangyari kay Tito Lucas?” pag-aalala kong tanong. “He has a blood clot in his brain and he needs your cousin, Riex,” pag-aalala rin niya. “W-What?! Paanong⸻” Hindi ako makapaniwala. “Dad, kailangang malaman ni Riex ito at makauwi agad siya. Tutulong ako sa abot ng makakaya ko pero kailangan ko rin si Riexen. Expertise niya ito at nandito lang ako upang suportahan siya at ang Tito Lucas.” “I know. Ako na ang bahalang tumawag kay Tita Victoria mo upang makausap ko ang pinsan mo. Ako muna ang bahala rito at magpahinga ka muna. Alam kong napagod ka na rin sa mga dapat gawin dito sa hospital.” “Dad, kayo ang dapat magpahinga. Tingnan niyo nga iyang sarili niyo, kayo itong nahahapo na,” pag-aalala ko naman sa kaniya. “I’m fine, Gigi. Sige na at ako na ang bahala rito kay Tito Lucas mo.” “S-Sige. Kayo ang bahala.” Muli kong niyakap ang daddy ko at hinalikan siya sa pisngi. Tinapik lang din niya ang balikat ko pagkatapos at alam niyang nahaharap na naman kami sa pagsubok. Mula nang mamatay ang asawa ni Tito Lucas at maghiwalay ang mommy ko at ang daddy, silang dalawa na lang ang nagdadamayan. Matapos naman kaming mag-usap, nagtungo ako sa isang establishment sa tapat ng hospital namin. Kailangan ko munang humigop ng mainit na kape at mas pinili ko na rito para naman maiba ang taste ko sa kape. Na-miss ko rin ang lasa ng kape ng naturang coffee shop. Mangilan-ngilan lang ang tao sa loob at dumiretso na lang din ako sa counter. Sa totoo lang, hindi basta-basta ang maging doktor. Halos straight na ang duty ko ngayon dahil kinukulang din kami ng mga doctor na naka-schedule. Ang Lucas Medical Center ang isa sa mga pinakamahusay na hospital dito sa Maynila. Itinayo ito ng mga magulang namin ni Riex at may mga branches na rin sa iba’t ibang panig ng probinsiya. Kahit may kamahalan ang hospital namin, sinisigurado naman namin ang kaligtasan ng mga pasyente. May mga tie up kaming mga foundation para maka-less ang ibang hindi abot ang halaga ng operasyon. Kinuha ko ang kape na inakala kong sa akin. Wala naman ibang tao na nakapila kaya iniisip ko na sa akin ito. Isa pa, bangag nga ako lalo na ngayon na isang member ng pamilya namin ang nasa panganib. Akma na akong sisimsim sa kape ko habang paupo na ako sa bakanteng upuan ngunit may nagsalita sa likuran ko. “Kape ko iyan,” wika ng baritonong boses. Marahan akong sumulyap sa lalaking tila pamilyar sa akin ang boses. At hindi nga ako nagkamali dahil ang lalaking ito, si Tristan Ferrer na naman. “Huh?” maang kong sabi. “Bingi ka ba? Sabi ko, kape ko iyang hawak mo. Hindi mo ba nabasa iyang pangalan ko sa cup?” pagsusungit niya. Napaismid ako. Huwag mo akong uumpisahan ngayon, Mr. Ferrer. Tiningnan ko ang nakapangalan sa cup. Tristan nga. Tumingin ako sa kaniya saka ko marahang ininom ang kape niya. Hindi lang iyon, I was trying to use my seductive moves na simsimin ang mainit na kape sa cup. Gusto ko lang naman siyang asarin dahil sa tuwing nagkikita na lang kami ng lalaking ito, lagi na lang siyang nagsusungit. Hindi ko talaga inalis ang tingin ko sa kaniya hanggang sa siya na itong napapailing at umiwas. “Baliw ka talaga,” sambit niya. “Miss Gigi! Your coffee is ready!” bahagyang sigaw ng babaeng nasa counter. “So, paano ba iyan? This is my coffee. Kunin mo na lang iyong nasa counter. Ikaw itong baliw!” Inirapan ko siya saka ako naglakad palabas ng coffee shop. Imbes na manatili ako sa loob, ayoko na. Nagpahangin na lang ako sa labas at since nasa BGC ako, maganda ang ambiance ng paligid. Kailangan ko rin mawala ako sa paningin ni Tristan dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, mapatulan ko nang wala sa oras. “Ang pait ng lasa ng kape mo,” reklamo ng boses ni Tristan sa likuran ko. Sinulyapan ko siya. “Eh, ‘di lagyan mo ng asukal,” asar ko. “Infairness, masarap itong latte coffee mo. Nakakawala ng stress. But… sinusundan mo ba ako?” He scoffs. “Hindi kita sinusundan. Nasa kabilang kanto lang ang showroom ko at halos kapitbahay ko itong coffee shop na ito. Baka ako ang sinusundan mo!” “Ay, wow! Tristan, are you blind? Hindi mo nakikita iyang Lucas Medical Hospital na iyan sa tapat? Malamang sa amin iyan ng pinsan ko kaya kapitbahay ko rin itong coffee shop na ito,” angil ko. Batukan kaya kita? “Hindi ka pa rin nagbabago.” Napailing-iling siya. “Bakit naman ako magbabago? I don’t have a reason to change myself just to please everyone.” Nakatitig ako sa hospital habang muli akong sumimsim ng kape. “Hindi ako katulad ng iba riyan na malayo na nga ang narating, nag-iba na ang ugali.” Bumaling ako sa kaniya. “Life is too short, Tristan. Subukan mo kayang ngumiti at baka sakaling magbago ang pakikitungo ko sa iyo.” Tiningnan ko siya nang malalim at kitang-kita ko kung paano gumalaw ang adam’s apple niya marahil ay nagpipigil sa akin. Ako naman na nakipagtitigan sa unyangong ito na akala mo, lahat ng mga taong nakakasalamuha niya, kailangan niyang sungitan. Napakaganda kong diyosa tapos susungitan lang ako ng tipaklong na ito? How dare you, Tristan Ferrer? “Don’t dare me, woman. Baka nakalimutan mong ibang Tristan na ang kaharap mo. I can buy you, your soul and your entire world,” seryoso niyang sabi. Natigilan ako sa sinabi niya ngunit pumalatak ako nang tawa. “Tristan! Naririnig mo ba ang sarili mo?” Natatawa pa rin ako sa sinabi niya at hindi mawala sa isip ko. “Ako, bibilhin mo? Mahal ako, Tristan.” Lumapit ako sa kaniya at marahan kong ini-angat ang daliri kong haplusin ang pisngi niya. “Mahal ang performance ko at baka hindi mo afford.” Inalis ko rin ang daliri ko sa pisngi niya at muling sinimsim sa harapan niya ang kape na animo’y sinusubukan ko ang tatag niyang maakit sa akin. “Hindi kaya ng pera mo ang bilhin ako pati ang kaluluwa ko dahil may taong nakalaan para sa akin.” Hinapit niya ako sa bewang. “And then? Do you think that you can tease me like this? Hindi effective ang mga pang-aakit mo sa akin, Maria Georgette Clave. Hindi ikaw ang tipo ng babaeng makakapagpatayo ng balahibo ko,” halatang inis siya sa sinabi niya. I sexy laughed. “Yeah. Tama ka. At alam kong hindi balahibo ang tatayo sa iyo… iyang saging mo!” Inilayo ko ang sarili ko sa kaniya dahil ayokong maramdaman niya ang kaba ko sa dibdib na sinusubukan ko lang maging matapang. “Sayang. Hindi natin matitikman ang isa’t isa at never kong papangarapin na tikman ka.” Bahagya siyang ngumiti. “Hindi rin ako mangangarap na paglaruan ka. You’re just a piece of crap for me. Tama lang din na hindi mo ako sinagot noon dahil you’re not worth it to be the woman na makakasama ko.” “You know, Tristan. Sanay na ako sa mga lalaking katulad mo. Mas malala pa nga sa ibang bansa, eh. Huwag kang mag-alala at ngayon pa lang, sisikapin kong hindi na magkrus ang landas nating dalawa. Bye, Mr. Ferrer. Salamat sa pagsauli mo sa passport holder ko.” Inubos ko na ang laman ng kape ko saka ko itinapon sa basurahan ang cup. Tinalikuran ko lang siya na hindi na hinintay pa ang kung anong sasabihin niya. “Georgette…” Napatigil ako sa paglalakad ngunit hindi ko siya nilingon. “I wish I could go back in time and not letting you to cross my path. You’re a wasting time.” Tila isang musika ang pagkakasabi niya sa mga salitang iyon at tagos sa puso ko. Bahagyang naramdaman ko ang kirot at pikit-mata ko itong tinanggap. Sino ba naman ako para pangarapin ng isang lalaking katulad niya na minsan ko na rin sinaktan? Tawagin niyo akong isang bitchesa, walang pakiramdam at nakikipaglaro lang sa lalaki pero nasaktan din ako. Hindi nga lang sa lalaking ito. Marahan ko lang itinaas ang kanang kamay ko at nais kong ipakita sa kaniyang hindi nga ako ang tipo ng babae para sa kaniya. Ipinakita ko sa kaniya ang isang sign na hindi niya malilimutan sa buhay niya. I showed to him my middle finger and then I walked. Isipin na niyang bastos ako pero ipinakita ko lang na nasasaktan ako sa mga sinabi niya. “Gigi.” Napalingon ako sa tumawag sa akin sa pangalan ko at ang daddy ko ito. Seryoso ang mukha niya habang naglalakad palapit sa akin. “Ikaw pala iyan, daddy. Kumusta si Tito Lucas?” tanong ko. Nasa loob pa rin kami ng hospital. “Unstable. But I already call your cousin and she will be here as soon as possible.” He sighed. “I saw you and the man in front of the coffee shop. Kilala ko ang lalaking iyon. Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na nakikipagkita ka kay Tristan Ferrer?” “Ha?” Nabigla naman ako sa tanong ng daddy ko pero kalmado ko lang naman siyang sinagot. “Coincidence, dad. Don’t worry at wala naman kaming ibang pinag-usapan.” “Wala? Pero ano iyong nakita kong hinapit ka niya sa bewang at halos magkayakapan na kayo?” “Dad, nang-aasar lang siya. Kung ano man iyang nasa isip mo, wala kaming relasyon, okay?” “Just make sure, Gigi. Kahit bilyonaryo na ang lalaking iyon, still, ayoko pa rin sa kaniya. Binalaan na kita, anak. Mahalin mo na ang kung sinong poncio pilato sa mundong ito, huwag lang siya.” Napailing ako. “Dad, hindi ko alam kung bakit ganyan kayo kay Tristan. Ano ba ang nagawa niya sa iyo? Umutang ba siya at hindi siya nagbayad sa iyo? Eh, kung ganoon pala, singilin mo na. Kayang-kaya naman niyang bayaran ka.” “It’s not that, anak. Iwasan mo na lang siya kung ayaw mong mas lalo akong tumanda.” “Daddy, naman. Nagbabanta pa.” Nilapitan ko siya at inangkla ang braso ko sa braso niya. “Promise, daddy. Hinding-hindi ako ma-i-in love sa unyangong iyon. Duh! Sayang naman itong beauty ko kung sa kaniya lang ako mapupunta!” “Mabuti kung ganoon at nagkakaintindihan tayo. Mas maiging mapunta ka sa mga taong may mabubuti ang puso.” “Why, dad? Masama ba si Tristan Ferrer?” “Kilala ko ang likaw ng bituka ng lalaking iyon mula pa noong high school days niyo. Mga laking eskwater.” Bumuntong hininga na lang ako. Alam ko naman na hindi ko na rin mababago ang iniisip ng daddy ko kay Tristan. Ayoko naman na magalit siya kapag sinuway ko na naman ang daddy ko sa pangalawang pagkakataon. Alam niyang kapakanan ko lang ang iniisip niya ngunit isang katanungan pa rin ang hindi mawala sa isipan ko. Maaaring may malalim na dahilan pa ang daddy ko kung bakit ganyan siya kay Tristan. Anyway, hindi ko na lang din iyon inusisa. Sapat na sa aking nalaman na ayaw na rin naman niya akong makita. Kwits lang! Subalit sa ipinapakita sa akin ni Tristan, hindi nawala ang bahagyang kirot na iyon. Ngayon pa lang, kailangan ko na siyang iwasan. Kailangan ko ng itatak sa isipan kong hindi nag-e-exist ang isang katulad niya. Good bye, Tristan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD