“Kami naman ni Kaiser, ang best memories ko sa kaniya ay noong nalaman kong siya pala ang naka-one night stand ko sa hotel na hindi ko alam,” pag-amin ni Jhen. “After ten years ay nalaman ko na lang na si Kaiser pala ang tatay ng anak ko. Ang tadhana nga naman ang nagtagpo sa aming dalawa at ngayon ay masaya kami na bumuo ng matatawag naming pamilya.” “I agree. What else I would tell to everyone? Wala naman akong mahihiling pa dahil kumpleto na akong makasama ka, si Ivan at si Alyssa. Humihirit pa ako ng isa sa iyo at sana ay pagbigyan mo na ako.” “Pagbigyan mo na, Jhen. Kung hihirit pa ng isa ay pagbigyan mo pa,” hirit ni Kreisha. “Inaheng baboy lang ang peg? Baka uugod-ugod na ako ay hhihirit pa ng isa,” biro naman ni Jhen. “Basta hanggang kaya ng tuhod ni Kaiser Ayala, pagbigya mo

