MALALIM na ang gabi ngunit iniisip ko pa rin ang sinabi ni Tristan kanina. Kung ayaw niyang magka-baby kami sa ngayon, he didn’t used condom? Baliw ba siya? Kung ayaw mo, ako gusto ko. Kaya ko namang buhayin ang baby this time at ngayon pa na gusto ko na rin talagang magka-baby. Naalala ko ang pinsan kong si Riexen na may masayang pamilya na kasama si Rendell. Ako? Malabo pa ang relasyon naming ito na patago. Katatapos ko lang sa banyo nang may tumawag sa cell phone ko. Ang pinsan kong si Riexen at mukhang hinahanap na rin ako. Hindi ako nagpaalam sa kaniya at ni isa ay wala rin akong pinagsabihan tungkol sa amin ni Tristan. Ang totoo niyan, nahihirapan na rin ako sa patagong relasyon naming ito at dahil bulag na naman ako sa pagmamahal ko sa kaniya, heto ako at nagtitiis. “Hello, Riex?”

