bc

Hiding from Mr. Idol

book_age18+
7
FOLLOW
1K
READ
family
HE
bxg
lighthearted
campus
disappearance
sassy
like
intro-logo
Blurb

I met him when I was 12, and he's 16.He's now an Idol, and I'm still his sister's best friend.Sa loob ng halos 10 years namin as best friend ni Aiwa ay halos ganun din kami katagal na puro bangayan kami ng Kuya Kai nya, Palagi nya akong inaasar at binabara simula pa noon.Then one time namalayan ko na lang humihingi sya sa akin ng pabor, since ako lang daw yata Ang babaeng never mapo fall dito. Pinagpanggap nya akong girlfriend nya para lang pag selosin ang ex nya.What will happen kung yung pagpapanggap e mauwe sa true feelings?Kaya bang ipaglaban ang pagibig kung ikaw lang naman ang nagmamahal?

chap-preview
Free preview
-Chapter 1-
"Bru? sama ka sa bahay?" my best friend Aiwa ask me. "Anong meron?" nilingon ko ito. "Wala Naman, maaga naman Tayo natapos ngayun e, mag Netflix tayo?" "Alam mo naman wala akong hilig dun." Ewan ko ba, if yung ibang girls mahilig manood ng mga k-drama or c-drama, ako Naman walang kahilig hilig. Mas gusto ko pang magkulong sa room ko at mag paint. My hidden talent. "Mag Mall na lang tayo." sa halip ay sabi ko dito. Maaga namin natapos yung mga batch of orders kaya maaga din kami uuwe ngayon. "Sige na nga." tila napipilitan namang sang ayon nito sa akin. Sumakay na kami sa motor nito at dumerecho sa SM. Nagpunta kami sa arcade at naglaro dun na parang mga bata. Pumasok din kami sa isang Videoke booth. Tawa ng tawa ang Luka ng kumanta ako ng Magbalik. Hays. Alam ko Naman wala akong talent sa pagkanta unlike her. Mahiyain lang talaga si Aiwa pero Ang galing galing nyang kumanta. Nang mapagod kami sa pinag gagawa namin ay kumain kami sa isang fast food sa loob din ng mall na yun. Tahimik kaming kumakain ni Ai ng biglang may dalawang lalaki ang naupo sa tabi namin. Magkatapat Kasi kami ng pwesto ni Aiwa. Balot na balot Ang mga ito, naka cap na nga naka shades pa tapos may facemask pa. Parang ako ang binabanas sa itsura nila e. Sabay namin nilingon ang mga lalaking nasa tabi namin. "Di ba kayo binabanas dyan sa mga suot nyo Kuya" Kuya? Nagtataka na tiningnan ko si Ai. "Maraming tao, baka makilala Kasi kami. Lakas talaga ng pang amoy mo." sagot ng katabi ko na kilalang kilala ko Ang boses. It's Kai! Ang galing Naman ni Aiwa at kahit naka disguise ito ay nakilala nya. "Duh, kuya alam na alam ko ang pabango mo at nitong si Hans." she even rolled her eyes. at si Hans pala ang isang nasa tabi Naman ni Aiwa. "At bakit andito naman kayong dalawa?" mataray na tanong ko sa mga ito. Halos manlaki pa ang mata ko ng biglang kunin ni Kai ang baso ng softdrinks ko at derechong lagukin iyon pagkababa nito ng kanyang mask. "Hoy! Ang kapal mo talaga drinks ko yon!" hinampas ko pa ito sa braso nito. Ang tigas ha. "Nauuhaw na ako e kanina pa kami paikot ikot." pabalewang sabi lang nito. Narinig ko pang tumawa si Haniel. "Bakit ba Kasi kayo nandito?" Aiwa ask. "Eh yang Kuya mo e, nalaman nyang may Mall show ngayon dito yung ex nya-" "Shut up Alcantara!" pinutol pa ni Kai ang sinasabi ni Hans. Ex? yung ex nyang artista siguro, Si Elle Dela Cruz. "Si Elle?" pareho pala kami ng nasa isip ni Ai. Ai rolled her eyes again. "Ang arte Arte kaya non Kuya!" Kai chuckle then look at me. "Si Cait nga maarte din pero natatagalan mo." Pinaghahampas ko na Naman ito. "Ang kapal talaga ng muka mong sandok ka! Hindi ako maarte bwiset ka!" "Kanina ka pa nanghahampas, kinakapa mo la.g yata ang mga muscle ko sa braso ko e" dagdag pang asar pa nito sa akin. "Hah! Grabe kapal talaga ng face mo, di hamak Naman na mas Malaki ang katawan sa'yo ni Tyrone ano!?" "Ang who's that?" kunot noong tanong nito. "You don't know him kaya wag ka na magtanong pa, yung drinks ko palitan mo ,bwiset ka." Natatawa nalang Sina Aiwa at Hans sa tapat namin. "Kaya kitang bilhan kahit Ilan nyan, itahimik mo yang bibig mo nakakarinde ka." "Palitan mo Kasi yung-" "Oo na, oo na eto na bibilhan Kita ng bago!" Natatawang sinundan ko ito ng tingin habang papunta sa counter. "Ikaw Ai may gusto ka ba ipabili? mag order din ako ng food e, nagutom ako kakaikot." Tanong ni Hans Kay Aiwa. "No, Hans ok na ko dito sa foods ko." He nods at Ai at sumunod na Kay Kai. Pagbalik ng mga ito ay andaming dala. Nilagyan ako ni Kai ng dalawang large size coke sa baso. Baliw talagang lalaking to. "Baka magrereklamo kapa ha dalawa na yan." Inirapan ko ito. Binilhan din pala nila kami ng para sa Amin kaya Ang dami ng inorder nila. Kahit Ang kulit kulit ng Kai na 'to ay natapos Naman namin ng matiwasay ang pagkain namin. Lumabas na din kami ng fast food chain na yon pagtapos namin kumain. Maya Maya ay nakarinig kami ng tilian, at sinisigaw ang pangalan ni Elle. Tss. Halos manghaba ang leeg ng mukang sandok na Kai na 'to. Nasa may events place na kami, andaming tao. Nasa stage na yung ex nya. "Tss. kalma Kuya wag masyado pahalata na di kapa nakaka move on Kay Elle." Napatawa naman ako sa sinabi ni Aiwa. pati si Haniel ay pinipigil na matawa. "What's so funny payatot?" Kai glared at me. "I'm not payatot! Ang sexy ko kaya!" inirapan ko pa ito. "Wag Kang magbuhat na sarili mong bangko baka mapagod ka." ganti nito "No. Coz it's true na sexy Naman talaga ako. Tara na nga bru, Iwan na natin yung nakakaawang nilalang dyan na di pa nakaka move-on.. How pathetic!" maarteng sabi ko sabay hila kat Aiwa at tumalilis na kami. Umalis na kami ni Ai, sa mansion ng mga Arevalo kami dumerecho dahil dito nalang ako magpapasundo sa driver namin. Umakyat kami sa papunta sa kwarto ni Ai para dun muna magtambay. Nahiga muna ako sa kama nya at nagkwentuhan kami ng kung ano ano lang. Kahit paulit ulit na minsan ang pinaguusapan namin ay go pa rin kami. I was scrolling on my phone, naka earphones pa ako habang pinapanood ko ang bagong upload na cover song ni Tyrone ng "I need you". Napaupo ako habang pinapanood ito "Shemay! Ang gwapo talaga nya Gosh!" I look at his lips while singing. "Parang ang sarap nyang i-kiss!" kinikilig na sabi ko pa Naramdaman kong may kumakalabit sa balikat ko. Nakatalikod kasi ako sa may pinto. "Wait lang bru!" sa pag aakala kong si Ai ang nakalabit sa akin. "Pag naging boyfriend ko 'to si Tyro-Waaaaahhhhhhh!" Blag!!! Naglagabog pa ako sa sahig ng mahulog ako dahil sa gulat ng biglang humarang Ang muka ni Kai sa cellphone na pinapanooran ko! "Aray ko! bwiset ka talaga!" Humagalpak pa ito ng tawa ng Makita ang itsura ko. Dali dali akong tumayo at tinanggal ang earphone sa Tenga ko. Ngali ngali ko itong batuhin ng hawak Kong cellphone pero ng makita kong nagpeplay pa ron ang video ni Tyrone ay nagbago ang isip ko. "Kanina pa kasi kita tinatawag di mo 'ko pinapansin" tumatawa pa rin ito. "Aray ko ansakit ng pwet ko, bwiset ka kasing lalaki ka!" Galit na Galit na bulyaw ko dito. "Chill Cait, lalo ka pumapanget. tsaka wala ka namang pwet e." pang aasar pa nito sa akin. I glared at him, kung nakakamatay lang talaga ang pagtitig kanina pa sana ito natigok. "Nag aaway na naman ba kayong dalawa?" I saw Ai na kalalabas lang ng cr at bagong ligo. "Bwiset Kasi yang Kuya mo!" dinuro ko pa ito. "Kanina pa Kita kinakausap e, busy ka masyado magpantasya dyan sa lalaki sa cp mo, ampanget Naman." "Aba't Ang kapal talaga ng muka mong sandok ka!" gusto ko na talaga itong sabunutan e. "Nasa baba na Kasi ang sundo mo,!" "Eh ano naman! nakakapaghintay Naman yun" "Such a brat!" "Bye bru, uwe na ko Kita na lang Tayo bukas sa shop." At walang lingong likod na akong lumabas ng silid at bumaba na sa hagdan. "Bye Cait,see you tomorrow!" I heard Kai's voice echo in the whole living room. Bwiset na lalaki talaga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ex-wife

read
232.2K
bc

KIDNAPPED BY THE HOT UNCLE

read
53.8K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.0K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
57.1K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

Hate You But I love You

read
63.0K
bc

NINANG PATRIZ (SPG)

read
24.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook