R-18+ "Love, calm down. Natatakot ang mga bata," pigil ko kay Zydrix dahil nasigawan n'ya ang mga ito. Gusto kasi ng kambal na makita ang mama nila, noong isang araw pa sila nangungulit kay Zydrix. Madalas na rin ako muna rito sa bahay nila Zydrix, para alalayan s'ya. Kinailangan ko rin pakiusapan si Ara na sa bahay muna, para naman hindi lang puro maids ang kasama ni ate. Buti na lang at pumayag s'ya. Zydrix has been frustrated since that day. "Mommy," iyak ni Bria, nagulat ata nang sigawan ni Zydrix. "Shh, don't cry na. Brent paki-dala muna si Bria sa kwarto niyo please," utos ko kay Brent na sinunod din naman agad n'ya. Nandito kami sa kusina, dahil katatapos lang namin mag-hapunan. Pinabayaan ko muna si Zydrix, iniligpit ko ang pinagkainan namin. "Ah, ma'am ako na po riyan," saad

