"Ella!" Sigaw ni Ara at inalalayan ako. Nahilo kasi ako kaya muntik na ako matumba. "Ano ba nangyayari sa'yo?" Nag-aalala n'yang tanong. "Baka nasobrahan lang ako sa pagrereview," saad ko. Lately kasi sumasakit 'yong ulo ko at madalas na rin ako mahilo. Bumuntong hininga na lang s'ya at inabutan ako ng tubig. Tinanggap ko naman 'yon at ininom. "Ella, tawag ka ni kuya Chase. Nand’yan lang s'ya sa labas," saad ni Cheska nang makalapit sa amin. Tumango naman ako at tumayo, para puntahan si kuya Chase. "Bakit, kuya?" Tanong ko nang makalabas na ako. Nasa hallway kami ngayon. "Ayos lang ba si Drix?" Tanong n'ya na parang nag-aalangan pa. "Bakit po?" Kunot noo kong tanong din. "Ahh, kasi hindi na s'ya nakakahabol sa activities namin sa ibang subject. Madalas din s'yang nawawala na lang bi

