KABANATA 3
Val POV
“Hmmm…”
Mahina akong umungol nang maramdaman ko ang bigat sa aking katawan. Hindi masakit pero sapat para gisingin ako. Parang may nakadagan… o may mahigpit na yakap na hindi ko maipaliwanag.
Napakunot ang noo ko.
Mainit.
At mabango.
Dahan-dahan akong lumingon sa kaliwa.
At doon ko siya nakita.
Isang mukha na parang hinugot mula sa pelikula mahahabang pilikmata, matangos na ilong, at mga labi na bahagyang nakabuka habang mahimbing na natutulog. Sa unang segundo, tuluyang tumigil ang utak ko.
Anghel…
Mabilis akong napapikit.
“Teka… patay na ba ako?” bulong ko sa sarili ko. “Ganito ba ang itsura ng langit?”
Sunod-sunod ang tanong sa isip ko.
Pinatay ba ako kagabi?
Ito ba ang kapalit?
At kung anghel ito… bakit parang delikado?
Mariin akong pumikit muli, pilit inaaliw ang sarili na panaginip lang ang lahat. Na pagmulat ko, babalik ako sa maliit kong kwarto sa lumang electric fan at sa alarm clock na laging sira.
Huminga ako nang malalim.
Isa…
Dalawa…
Tatlo…
Pagmulat ko
Nandoon pa rin siya.
Mas malinaw pa ngayon.
“Sandali…” mahina kong bulong habang unti-unting bumabalik ang alaala. “Ano bang nangyari kagabi?”
Ang bar.
Si Stella.
Ang tawanan.
Ang sigawan.
Ang mga lalaking humarang sa akin.
At ang huling naaalala ko may yumakap sa akin. Matigas ang dibdib. Hindi amoy alak. Parang malamig na pabango.
Nanlaki ang mga mata ko.
Mabilis kong ibinaba ang tingin sa sarili ko.
May kumot.
May suot akong mahabang puting T-shirt.
Hindi ko damit ito.
At doon ko tuluyang naintindihan ang sitwasyon.
“WAAAAAAA—!”
Napatalon ako mula sa kama, muntik pang madapa habang mabilis na umatras palayo sa lalaki. Mahigpit kong hinila ang kumot at niyakap ang sarili ko na parang mawawala ako kapag binitawan ko.
“ANO ’TO?!”
May umungol sa kama.
“Ano ba…” paos at antok na reklamo ng lalaki. “Why are you shouting so early, wife?”
Nanigas ako.
Parang may sumabog sa utak ko.
“Ano raw?” halos pabulong kong tanong.
Umupo ako sa gilid ng kama, nanginginig ang mga kamay.
“Wife?” ulit ko, mas malakas na.
Dahan-dahan siyang dumilat isang mata muna, saka ang isa. Tiningnan niya ako na parang ako pa ang may kasalanan kung bakit siya nagising.
“Why?” aniya, inaabot ang batok. “It’s still early.”
Parang huminto ang mundo.
“Hoy,” nanginginig kong sabi sabay turo sa sarili ko. “Hindi kita asawa.”
Umiling siya, parang inaayos lang ang panaginip.
“Master?” tawag ko hindi ko rin alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. “Hello? Gising ka ba talaga?”
Napabuntong-hininga siya at tumagilid palayo sa akin.
“Ano ba sinasabi mo?” mas malakas kong tanong. “Sino ka?”
Walang sagot.
“HOY!” sigaw ko. “LALAKI!”
Tumalikod lang siya.
Napatayo ako, nanginginig sa galit at takot, at wala na akong choice kundi hampasin siya ng unan.
“Sino ka?!”
“Bakit tayo magkatabi?!”
“At bakit mo ako tinatawag na,” nilunok ko ang laway ko, “—wife?!”
Hindi pa rin siya nagsasalita.
Hanggang sa tuluyan siyang bumangon.
At doon ko naranasan ang ikalawang pagkabigla ng araw na iyon.
Hubad siya.
As in—hubad.
Nanlaki ang mga mata ko at parang nakalimutan ng katawan ko kung paano huminga.
Malapad ang balikat niya. Matigas ang mga braso. Ang dibdib ay puno ng mga peklat hindi kabawasan sa itsura, bagkus mas lalo pang nagpatingkad sa tikas niya. At sa kaliwang bahagi ng katawan niya, mula balikat pababa sa tagiliran, gumagapang ang isang malaking tattoo ng dragon detalyado, buhay na buhay.
“Mala… pandesal,” mahina kong nasabi bago ko napigilan ang sarili.
“You’re enjoying the view, huh?” nakangising sabi niya.
“HA?!” Mabilis kong tinakpan ang mga mata ko. “MAGBIHIS KA!”
“Tss,” iritable niyang sagot. “Arte.”
Narinig ko ang kaluskos ng tela. Pagmulat ko, may suot na siyang boxer at pantalon, inaabot ang polo sa gilid ng kama.
“Sino ka?” tanong ko ulit. “At nasaan ako?”
Tumingin siya sa akin walang galit, walang gulat. Parang normal lang ang lahat.
“You’re in your house,” sagot niya.
“HA?!” halos mapasigaw ako. “Hindi ko bahay ’to!”
Malawak ang kwarto. Mahal ang mga gamit. Malaking salamin. Mabibigat na kurtina. At ang kama mas malaki pa sa buong kwarto ko sa apartment.
“Hindi ’to bahay ko,” mariin kong ulit.
Lumapit siya.
Isang hakbang lang umatras agad ako.
“Lumayo ka!”
Huminto siya.
“We are married,” kalmado niyang sabi. “My house is your house.”
“Nagpapatawa ka ba?” nanginginig kong sagot. “Hindi ka nakakatawa.”
Ngumisi siya. Doon ko napansing hindi siya purong Pilipino.
“Sino ka ba?” tanong ko. “At bakit panay English mo? Pwede bang mag-Tagalog ka?”
Tumayo siya mula sa pagkakasandal sa headboard. Halos mapaatras ako sa sobrang tangkad niya.
“I need to tell you again,” malamig niyang sabi, “you are my wife.”
Napaatras ako.
“Pwede bang mag-Tagalog ka?” reklamo ko. “Baka maubusan ako ng dugo sa’yo kaka-English mo.”
“Hindi ko masyadong gamay ang Tagalog,” sagot niya. “Kaunti lang.”
Napapailing ako.
“Uulitin ko ang tanong ko,” mariin kong sabi. “Paano tayo naging mag-asawa? Ginuguyo mo ba ako?”
“Marta Cecilia Quintana,” bigla niyang sabi.
Nanlamig ako.
“Bakit kilala mo ang Mama ko?” naguguluhan kong tanong.
“She was my nanny in Japan,” kaswal niyang sagot.
“Oo nga pala,” mahina kong sabi. “Naging OFW si Mama sa Japan. High school pa lang ako noon.”
Tumango siya.
“Then you know why.”
“Hindi,” mariin kong sagot. “Ano ang kinalaman ni Mama sa sinasabi mong asawa kita?”
“Because you are the one who pays the debt,” sabi niya.
“For what your mother owed me back then.”
“And if she can’t pay… you will.”
Nanlaki ang mata ko.
“Ano? Bakit ako ang kabayaran?” nanginginig kong tanong. “Magkano ba ’yan at babayaran ko na para tapos na tayo!”
“Fifty million,” tipid niyang sagot.
“Ay—50 mil—” napasigaw ako. “ANO?! FIFTY MILLION?! Pinagloloko mo ba ako?!”
“Kailan pa nagkautang ang Mama ko ng ganyan kalaking pera?” mariing saas ko.
“Talagang pinagloloko mo ako!” galit kong wika, nanginginig ang boses.
Ngunit nanatili siyang nakatingin sa akin ng diretso, seryoso, walang biro sa mukha. Hindi ko mabasa ang mata ng lalaking ito.
“I’m not joking, Valerie,” sagot niya malamig ang boses nito. Na nagpataas sa balahibo ko.
“Everything is documented. Dates. Amounts.”
“Hindi possible!” wika ko, halos pumutok ang ulo ko. “Hindi ganoon ang Mama ko. Hindi siya mangungutang ng 50 milyon nang walang dahilan.”
Ngunit bigla naman may exsina Paulit-ulit itong umuukilkil sa isipan ko, parang martilyong walang tigil. Unti-unti, bumabalik ang alaala masakit, mabigat, parang sinakal ako sa dibdib.
Flashback:
Mainit at malamig sa isip ko. Amoy antiseptic, malamig na sahig, tunog ng makina ng ICU… Na paulit-ulit.
“Ma…” nanginginig akong boses habang hawak ang telepono, kausap si Mama mula sa tabi ni Papa sa kama. “Kailangan na raw operahan si Papa sa puso. Kapag inatake ulit siya… baka tuluyan nang bumigay.”
Umiiyak siya sa kabilang linya, hindi niya mapigilan ang luha. “Anak… gagawa ako ng paraan. Manghihiram muna ako sa amo ko… kahit magkano… maoperahan lang ang Papa mo.”
“Ma… saan tayo kukuha ng limang milyon?” umiiyak kong tanong, halos hindi na makahinga. “Hindi natin kakayanin…”
“Trust me, anak. Pipilitin ko,” sagot niya, pasinghot-singhot, “malalampasan rin tayo. Basta maoperahan lang si Papa mo.”
Pagkatapos ng ilang oras, muli siyang tumawag.
“Anak… paoperahan mo na ang Papa mo,” mahinang sabi ni Mama.
Napangiti ako, kahit punô ng luha. “Ma… pinahiram ka po ng amo ninyo?”
“Oo, anak. Ipapa-send ko sa Tita at Tito mo ang pera para sa operasyon.” Tumango lang ako, panatag na kami ni Mama.
Nagtiwala kami ng Mama ko. Siya lang ang may kakayahang humawak ng pera sa banko. Si Tito Augusto, kapatid ni Mama, ang may bank account lang sa amin noon. Ako’y labing pitong taong gulang pa lang, hindi puwedeng ako ang mag-withdraw ng malaki. Wala rin namang maiiwan kay Papa kung aalis ako.
“Sige po, Ma… si Tito na lang po,” wika ko. “Wala rin kasi maiiwan na bantay kay Papa kapag umalis ako.”
Ngunit lumipas ang magdamag wala pa rin si Tito.
“Ma… hindi ko po matawag si Tito,” halos pabulong kong sabi sa telepono, nanginginig.
Lumipas pa ang isang linggo, mahigit wala pa ring ang tito ko.
Kaya muling umutang si Mama ng pera sa amo niya. Kaya ang kabuuang utang sampung milyon na ngayon. Naoperahan si Papa. Akala ko magiging maayos ang lahat, pero yun pala, hindi; umpisa lang pala. Dumating si Tita Maricel sa hospital at nag-iskandalo kami.
“Wala kayong kwenta!” sigaw niya. “Pinagkakalat niyo ang pera ng ganito!” Parang sinaksak sa dibdib ko. Dahil sa ginawa ng asawa ng Tito ko, tuluyang bumigay ang puso niya.
Hindi nailigtas si Papa.
At si Mama… nawalan din ng buhay dahil hindi rin nito nakayanan ang mga nangyari, dahil sa patuloy na pag iskandalo ng tita ko sa mismo libing ni papa doon din nawala ang buhay ni Mama.
End flash back.