kabanata 4 50 Million

2026 Words
KABANATA 4 (Valerie POV) May tumulong luha sa mga mata ko. Hindi ko man lang napansin kung kailan nagsimula. Basta bigla na lang bumigat ang dibdib ko, at ang mga alaala ng nakaraan ang bangungot na pilit kong kinakalimutan ay isa-isang bumalik. Malinaw. Masakit. Walang awa. Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko. Tahimik lang siyang nakatayo. Walang galaw. Walang emosyon sa mukha. Maya-maya, marahan niyang iniabot ang palad niya at dahan-dahang pinisil ang pisngi ko para punasan ang luha. “I’m sorry,” mahina niyang wika. Parang naputol ang paghinga ko. Tinitigan ko lang siya seryoso, walang bahid ng biro ang mukha niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Napatingin ako sa mga mata niyang kasing dilim ng kalangitan, may kislap na parang mga bituin pero hindi nagbibigay-init parang nagbabantay. May kung anong umalon sa tiyan ko. Hindi ko alam kung kaba o takot. Kaya umiwas na lang ako ng tingin. “Naalala ko na,” halos pabulong kong sabi, nanginginig ang boses. “Oo nga… may utang ang Mama ko sa inyo.” Huminga ako nang malalim. “Pero bakit ganito? Pagkatanda ko, sampung milyon lang iyon. Bakit naging limampung milyon?” Ngumiti siya isang bahagyang pang-ngisi na parang may alam siya na hindi ko pa naiintindihan. “Ah… numbers grow fast, Val,” wika niya. “Ten million… it becomes more. You see interest, delay, mistakes. Past people. Past decisions. Everything combines.” Sandali siyang tumigil bago dinugtungan. “Now fifty million.” Parang may humigpit sa dibdib ko. Hindi ko alam kung tatanungin ko pa ba siya o iiyak na lang. Ang puso ko’y naglalaro sa galit, lungkot, at takot. “Pero paano lumaki ng ganito?” halos sigaw ko, nanginginig. “Fifty million? Hindi mo ba alam na namatay ang Mama ko? Wala naman siyang intensyong takasan kayo! Sa mismong araw ng libing ng Papa ko… doon na rin siya inatake at namatay!” Humakbang siya palapit. Hindi ko agad namalayan na halos magkadikit na ang katawan namin. Nakasandal ako sa malaking aparador sa likod ko, ramdam ko ang lamig nito sa likod ko at ang init ng presensiya niya sa harap ko. Hindi ko alam kung gusto kong lumayo o manatili. “Valerie…” wika niya, mabagal at kontrolado. “You must understand. I helped your mother many times.” Bahagyang humina ang boses niya pero mas bumigat ang bawat salita. “Ten million… then more. I gave. I waited. I allowed time.” “And now… this debt… you pay.” Halos hindi ako makahinga. Ang lalaking nasa harap ko malakas, matikas, at misteryoso ay parang hawak niya ang buong mundo ko. “Pero… bakit ako?” tanong ko, halos bulong na lang. “Ako ang kabayaran? Hindi ko man lang kayo kilala. Hindi ko alam kung paano ko babayaran ang ganito.” Lumapit ang mukha niya. Napapikit ako, inakalang hahalikan niya ako. Ngunit sa halip, inabot niya ang isang bagay sa aparador sa gilid ko. Isang brown envelope. Yeta, mura ko sa isip. Iniabot niya iyon sa akin. Naguguluhan akong tumingin sa kanya. “Read it,” sabi niya. “All the answers are there. Including the marriage certificate.” Nanlaki ang mga mata ko. Agad kong binuksan ang envelope at parang umikot ang mundo ko sa nabasa ko. Isang kasunduan. Kasunduan sa pagitan ng aking ina at ng amo nito si Kazuki Bryan Montierra. Nakalagay doon: kung hindi mababayaran ang halagang sampung milyon kasama ang interes, magkakaroon ng bisa ang marriage contract. Pitong taon na ang lumipas, at sa ika-labingwalong kaarawan ng anak na babae doon tuluyang magkakabisa ang kontrata. Nanlamig ang buong katawan ko. Mas lalo akong nanlumo nang makita ko ang pirma. Ang pirma ko. Sa mismong pangalan ko. “Teka…” nanginginig kong tanong habang hawak ang marriage certificate. “Paano ako nagkaroon ng pirma rito?” Tumingin lang siya sa akin. “You signed it,” diretso niyang sagot. “Ha?” napabulalas ako. At biglang may mga alaala ang pumasok sa isip ko. “Anak,” sabi ni Mama noon sa telepono, “may ipapadalang dokumento. Kailangan mo pirmahan para makautang ulit tayo. Ayaw na raw magpahiram ng amo ko kung walang pirma mo.” “Sige po, Ma,” sagot ko noon, walang pagdududa. “Kapag dumating, pirmahan mo agad at ipadala,” dagdag niya. “O my God…” mahina kong sambit nang maalala ko ang lahat. “Because your mother cannot anymore,” wika niya muli. “I lent. I waited. And now… you.” Sandali siyang tumigil, saka tumingin sa akin nang diretso. “My wife.” Parang may sumabog sa ulo ko. “Asawa?” halos mapasigaw ako. “Hindi ito totoo!” Bahagya siyang umiling, may ngising hindi ko maintindihan. “Yes. Wife,” sagot niya. “And now… we solve this together.” “Paano mawawalan ng bisa ang kasal?” tanong ko, patay ang boses. Ngumisi siya. “Simple,” sagot niya. “Pay the full amount. Fifty million.” Napatawa ako, mapait at pagod. “Saang kamay naman ako kukuha ng limampung milyon?” “Ang ipon ko nga sa bangko wala pang kalahating milyon!” “Talagang niloloko mo ako!” galit kong wika. “Wala akong ganyang kalaking pera.” Sandali akong nag-isip. “Hulug-hulugan ko na lang,” dagdag ko agad. Seryoso lang siyang tumingin sa akin. “No,” sagot niya. “The debt is old. Seven years old.” “Baka naman may paraan pa,” halos pakiusap kong tanong. Sa isip ko, gwapo siya. Halatang mayaman. At kung sa Japan pa galing Baka yakuza pa ito, bulong ng isip ko. “Hindi ako yakuza,” bigla niyang sabi. “Kung iyon ang nasa isip mo, babae.” Halos malaglag ang panga ko. “Wow,” sabi ko. “Nababasa mo isip ko?” “No,” sagot niya. “But your eyes are loud.” “What ever,” sabi ko na lang. “Sabihin mo na lang kung paano mawawala ang bisa ng kasal.” Tumingin siya sa akin nang diretso. “Fine,” wika niya. “You give me a child.” Napatawa ako sa gulat. “Anak lang pala,” sabi ko, pilit ang tawa. “Yes?” “Yes,” sagot niya. “Bibigyan mo ako ng anak.” “Ano?” “Sabi ko,” mariin niyang ulit, “to end this marriage, you give me a child.” “Kapag isinilang mo ang anak ko,” dugtong niya, “you walk free.” “Baliw ka ba?” sigaw ko. “Bakit naman kita bibigyan ng anak?” Tumitig siya sa akin, walang emosyon. “Because you are my wife.” Sandali siyang tumahimik bago muling nagsalita. “If you refuse,” sabi niya, malamig, “I let the law take you.” Nanlamig ako. “I give you time,” dugtong niya. “Think.” “Kailan?” tanong ko, halos pabulong. “December seventeen,” sagot niya. “Your birthday.” Napahigpit ang hawak ko sa damit ko. “Tatlong buwan na lang…” mahina kong sabi. “Yes,” sagot niya. “Three months.” “At kung wala pa ring anak bago ang birthday mo,” dagdag niya, “you go to prison.” “Ano! Hindi pwede akong makulong ayaw ko,” sabi ko. Napabuntong-hininga ako; tila tuluyan nang naubusan ng lakas ang katawan ko. “Maari ko pang pag-isipan ang lahat,” mahina kong sabi. “May three months pa naman… ’di ba?” “Hindi naman kasi madali ang sinasabi mo,” dugtong ko, pilit pinipigil ang panginginig ng boses. “At isa pa, malay ko bang sa’yo talaga nagtr—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang may iniabot sa akin. “Ano ’to?” takang tanong ko. Imbes na sagutin ako, tiningnan lamang ako ng hipon na ’to este, hapon pala. “Sabi ko nga, bubuksan ko,” alanganin kong sabi habang tinatanggap ang hawak niya. “Napaka-seryoso naman nito,” bulong ko pa. At sa muling pagkakataon, tumulo na naman ang luha ko nang makita ko ang laman nito. Isang litrato. Si Mama. At ang binatang kasama niya nakangiti, tila masaya, habang yakap-yakap nito ang Mama ko. Para silang pamilya sa isang sandaling ninakaw ng tadhana. “Mama…” mahina kong wika. Marahan kong pinahid ang luhang dumaloy sa aking pisngi. “Ma, miss na miss na kita,” bulong ko, halos hindi na marinig. “That is the proof,” wika niya, malamig ngunit diretso. “I was there. I took care of your mother.” Tumango ako, mabagal. “Okay… sige,” sabi ko. “Naniniwala na ako.” Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy. “Pero hindi pa rin ako pumapayag sa gusto mo,” mariin kong sabi. “Pag-iisipan ko muna.” “Fine,” tugon niya. “You still have three months.” Nakita kong bumalik siya sa kama at umupo, bahagyang yumuko na parang humihinga rin nang malalim. “Sandali!” bigla kong ani. “What?” tanong niya, hindi pa lumilingon. Mabilis akong lumapit at bago pa man ako makapag-isip, sinampal ko siya. Malakas. Tumagilid ang mukha niya sa lakas ng tama. At doon ko agad naramdaman na iyon ang isang desisyong pagsisisihan ko. Dahan-dahan siyang humarap sa akin. Nag-iba ang aura niya. Mabigat. Mapanganib. “You!” malakas niyang wika. Pero imbes na umatras, lalo kong nilabanan ang titig niya. “Kulang pa nga ’yan!” gigil kong turan. “Bastos ka! Manyak ka! Alam mo ba ’yon?!” “What?!” gulat niyang sambit. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. “Sino ang nagpalit sa akin?!” sunod-sunod kong tanong. “Paano ako napunta dito, ha?!” Lalong uminit ang ulo ko. “Ngayon lang nagsi-sink in sa utak ko ang lahat!” sigaw ko. “Ang alam ko, nasa bar ako! Kasama ang mga kaibigan ko!” Tinuro ko siya, nanginginig ang kamay ko. “Tapos nagising ako yakap-yakap mo na ako!” “Nakita mo ang buong katawan ko!” “Wala pang lalaking yumakap sa akin nang gano’n!” Huminga ako nang malalim, pero tuloy-tuloy pa rin ang bibig ko. “Alam mo ba kung gaano kabastos ’yon?!” “Para mo akong minanyak! Para mo akong inangkin kahit wala akong kaalam-alam!” Tahimik siyang nakatingin lang sa akin, hanggang sa magsalita siya kalma, pero matalim. “What is your problem?” malamig niyang wika. “You are my wife.” Natawa ako isang maikling, mapait na tawa. “As if!” sagot ko. “Hindi dahilan ’yon para hawakan mo ako habang tulog ako!” Umangat ang isang kilay niya. “There was no malice,” sagot niya. “And don’t flatter yourself.” Parang may sumabog sa loob ko. “What did you say?” singhal ko. He looked at me from head to toe, walang emosyon. “You heard me,” aniya. “Your body is not… special. You look like a child.” Parang binuhusan ako ng gasolina. “ANONG SABI MO?!” halos pasigaw kong tanong. “Hindi kagandahan katawan ko? Katawan ng bata?!” Sumulong ako sa kanya, nanginginig sa galit. “Kung hindi pala kagandahan, bakit mo ako niyakap?!” “Bakit ako nagising sa braso mo?!” He did not move. “Because you were drunk,” sagot niya, diretso. “You needed warmth. That’s all.” “Sinungaling!” sigaw ko. “Bastos ka pa rin!” “You are shouting too much,” malamig niyang sabi. “But listen carefully.” Lumapit siya ng isang hakbang, sapat para maramdaman ko ang bigat ng presensya niya. “I did not touch you with desire,” aniya. “You are my responsibility. Nothing more. Nothing less.” Pero sa halip na kumalma, lalo lang akong nagngitngit. “Huwag mo akong gawing parang gamit!” sigaw ko. “Hindi ako bagay na pwede mong angkinin basta-basta!” Tinitigan niya ako nang matagal. “Three months,” mariin niyang wika. “Think carefully, Valerie.” At sa tono niyang iyon, alam kong hindi ito simpleng usapan lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD