KABANATA 14 Valerie POV Mahina akong humuhuni habang nakatitig sa mga papel na nakakalat sa ibabaw ng mesa ko. First love… first heartache… Hindi ko namalayang napapangiti na pala ako habang tuloy-tuloy ang pagkanta ko. Isa-isa kong inaayos ang mga dokumento, pero mas abala ang isip ko kaysa sa mga kamay ko. Hindi ko rin alam kung kailan nagsimulang gumaan ang pakiramdam ko kung kailan nawala ang bigat na matagal nang nakapatong sa dibdib ko. Siguro simula noong naging maayos kami ni Kazuki. Hindi perpekto. Hindi rin biglaan. Pero malinaw ang pagbabago. Mas madalas na kaming mag-usap, hindi na puro katahimikan. May mga sandaling nagtatawanan kami, minsan dahil sa maliliit na bagay na dati’y hindi ko iisiping posible. Napailing ako nang maalala ko ang ginawa niya kamakailan lang gum

