KABANATA 15: Valerie POV Palabas na sana ako ng ospital nang may biglang tumawag sa akin. “Miss Quintana.” Napahinto ang hakbang ko at bahagyang napalingon. Nakita ko si Doc Erickson, papalapit habang may bitbit na folder at suot pa rin ang puting coat. May ngiti sa labi niya ‘yung tipong palakaibigan, hindi mapilit. “Hi, Doc,” bati ko, kusang sumilay ang ngiti sa labi ko. “Pauwi ka na ba?” tanong niya habang humihinto sa tapat ko. “Opo,” sagot ko. “Kung gano’n,” sabi niya, tila nag-isip sandali, “sabay ka na sa akin.” Napakurap ako. “Po?” Ngumiti siya, parang naaliw sa reaksyon ko. “Sabi ko, kung pauwi ka na, sabay ka na sa akin. Iisa lang naman halos ang dadaanan natin, ‘di ba? Papunta sa apartment mo?” Bahagya akong napailing. “Ay, hindi na po, Doc. Mapapalayo pa kayo. Hindi na

