KABANATA 16 Valerie POV Dahan-dahan ko na lang pinikit ang mga mata ko habang ninamnam ang halik ni Kazuki. Walang pagmamadali. Walang pag-angkin. Isang halik na parang tahimik na pangako lang banayad pero sapat para maramdaman ko ang init ng damdaming pilit naming kinikimkim pareho. Hanggang kusa kaming naghiwalay. Pareho kaming naghahabol ng hininga. “Sorry,” sambit niya, nakatingin sa akin. May bahid ng pag-aalala sa mga mata niya, parang sinusukat kung naging komportable ba ako sa ginawa niya. Napatingin lang ako sa kanya, nagtataka. Bakit siya humihingi ng paumanhin? “I got carried away,” dagdag niya, mas mahinahon ang boses. “I didn’t mean to be too forward.” Ngumiti ako. Hindi ko napigilan. “Ayos lang,” sagot ko, ramdam ko pa rin ang init sa labi ko. Parang teenager, bulong

