Marami ang bisita na dumalo sa araw ng engagement ni Martin at ni Bredie,.ang iba ay galing pa sa ibang bansa at ito’y mga anak ng hari at reyna. Dumalo din ang mga classmate ng mga ito. At nabalita ito sa buong mundo na ang papalit ng hari na si Prince Martin ay engage na ito.
Madaling araw ng natapos ang party at pagod na pagod na si Bredie kaya hindi na ito nakataas ng kanyang kwarto at nakatulog na ito sa sofa at pag pasok naman ni Martin nakita nya si bredie na tulog na ito at nakabuka pa ang bibig kaya pinicturan ni Martin ito habang tulog at ginawa nya itong wall sa kanyang cellphone, at habang tinitingnan nya ito ay tawa sya ng tawa.
" Pambihirang babae na to napaka burara at dito pa natutulog." - si Martin.
Pumasok na rin ang lolo at ang mga magulang ni Martin.
"Anak buhatin mo na si Bredie at dalhin mo na sa kwarto nya kawawa naman at dyan na nakatulog dahil sa pagod." utos ng kanyang Mommy.
"Me, ang bigat nito." reklamo naman ni Martin.
"Hindi mo pa nga nabubuhat e nabibigatan kana agad." ang Daddy ni Martin.
" Sige na apo buhatin mo na sya tutal fiance mo na rin sya at dapat kanang masanay dahil sa araw araw mo na syang makikita at makakasama." utos naman ng lolo nito.
"Kayo lang naman po kasi ang nag pumilit na ma engage ako dito..."
"Nagrereklamo kapa ayan na tapos na ang engament nyo at balita na sa buong mundo, kaya tumino kana dahil lahat ng tao ay nakatingin na sayo at anong oras man na may ginawa ka nasa balita kana agad." sabi ng Daddy ni Martin dito.
Binuhat na nga ni Martin si Bredie at dinala sa kwarto nito.
"Ang bigat naman nitong babae na to." reklamo ni Martin.
Kinabukasan ay maagang nagising si Bredie at dahil sa walang pasok ng araw na yon kaya bumuhat na sya at pinuntahan si Martin sa kwarto nito at pilit na ginigising dahil sa yayayain nya itong mag jogging dahil sa nasanay na sya na pag walang pasok ito ay nag jojoging sya.
" Wake up my prince Martin... gising na honey bear." kiliti nito kay Martin.
Pakarinig naman ni Martin na tinawag syang honey bear gumising ito.
"Ano? sabi mo sakin?"
"Honey bear... kasi fiance na naman kita kaya dapat may tawagan tayo."
"Ayoko... tawagin mo lang ako sa pangalan ko."
"Eh sa gusto ko ang honey bear."
"Ano ko mukhang bear at tinatawag mo ako nyan."
"hahaha... ang gwapo mo namang bear, kong naging oso."
"Ano ba ang aga aga nang bubwisit ka sakin, lumabas ka na nga dyan at gusto ko pang matulog"
"Hindi nako inaantok kaya samahan mo na akong mag jogging ang boring naman kasi kung walang kasama ako."
" Ayoko nga..." tinakpan ang mukha nito ng unan.
Pilit namang inaalis ang takip sa mukha ni Martin na unan ni Bredie at kinikiliti ito.
" Hindi kita titigilan dyan kung hindi kapa babangon." pilit paring ginigising ni Bredie si Martin.
"Ano ba! ang hirap naman nitong may kasama kang makulit..."
"Babangon na yan, Babangon na yan, Babangon na yan... please bumangon kana dyan my honey bear, gagawin ko lahat ang mga iuutos mo sakin ngayong araw na ito."
Bigla namang napabagon si Martin.
"Gagawin mo ang iuutos ko lahat? "
"Oo pero ngayon araw lang ito ah..."
" Ok... wait me mag bibihis lang ako." bumangon na ito at pumasok sa toilet.
"Yes!" tuwang tuwa naman si Bredie.
Pakalabas ni Martin sa toilet ay pumasok naman ito sa katabing pinto at sumunod naman si Bredie dahil sa ngayon lang nya napasok ang kwarto ni Martin.
" Wow... ang daming damit at sapatos... nasusuot mo ba lahat yan?" turo ni Bredie sa mga damit at sapatos ni Martin.
"Sa tingin mo ba masusuot ko yan lahat sa isang linggo?"
"Hmmm pwede rin kung minu-minuto kang mag papalit ng damit mo, may mga accesories karin pala, mahilig ka pala nito, hayaan mo gagawan kita ng ibang design naman... parang kwarto ko na to ah ang laki" paghanga ni Bredie sa closet room ni Martin.
"Hindi kaba lalabas dyan? mag bibihis ako..."
"Ops.. sorry, ito na lalabas na po."
Pakatapos ni Martin mag bihis ay lumabas na ito at sabay na ang dalawang bumaba at lumabas ng palasyo at nag simula ng mag jogging ang dalawa.
" Alam mo honey bear dapat lagi kang nag jojogging sa umaga para lumaki pa ang mga muscles mo at lumakas ka." Sabi ni Bredie dito kay Martin.
" Hindi ko na kailangan gumising ng maaga para mag jogging dahil may gym naman dito kahit anong oras pwede akong mag punta don at don ako mag palaki ng muscles ko."
"Ay oo nga pala mayaman nga pala kayo kaya kumpleto kayo ng gamit." pero para sakin mas gusto kong mag jogging dahil pag papawisan ako... Salamat nga pala sa pag sama mo sakin na mag jogging."
"May kapalit to."
"Anong kapalit ang hihilingin mo? sana wag naman mahirap."
"Nagrerelamo kana agad di ko pa nga sinasabi sayo ang gagawin mo."
"Ano ba kasi yon? "
"Mamaya sasabihin ko sayo."
Isang oras na silang nag jojogging kaya nag pahinga na ito.
"Ano ba ang gagawin ko? sabihin mo na sakin ngayon dahil ayaw kong mag isip ng ano ano..." -si Bredie.
"Mamaya sasamahan mo akong mag paalam sa kanila na may pupuntahan akong party..."
"Ano mag paparty ka? sino naman ang pupuntahan mo? at kaninong party?" sunod sunod na tanong ni Bredie.
"Secrert..."
"Pag di mo sinabi kong saang party yan hindi kita tutulongan na mag paalam sa kanila."
" Ah ganon... kakasabi mo lang na gagawin mo ang lahat samahan lang kitang mag jogging tapos ngayon di mo susundin..."
"Sabihin mo muna kung saang party yan."
"Ok hindi party ang dadaluhan ko gundi gig ng kaibigan kong may banda."
"What? diba di ka pwedeng mag punta sa mga ganong party dahil sa magulo, minsan may mga mag susuntukan pang mangyayari."
"Kaya nga ipagpapaalam mo ako."
"Sige pero wag kang sasama sa gulo pag nagkaroon ng rambulan sa loob."
" Oo na... wag mo rin sasabihin sa kanila."
Sa almusal ay completo ang pamilya ni Martin at nandon din ang pamilya ng mga ate nya kasama ang mga anak nito dahil sa don na rin mga natulog nagdaang gabi dahil sa engagement ng dalawa.
"Ah lolo, Mommy, Daddy, mag papaalam daw po sa inyo si Martin." simula ni Bredie.
"Ano yon hijo?" tanong ng daddy ni Martin da kanya.
"Kasi po dad mamaya may party po akong dadaluhan kaya po mag papaalam po ako sa inyo at nasabi ko nga ito kay Bredie."
" Saan bang party ito?" tanong ng lolo nito sa kanya.
" Gaganapin po ito sa beach."
" Ok you can go at isama mo tong si Bredie para makilala na rin sya ng mga kaibigan mo." - ang daddy ni Martin.
"Dad... hindi po sya pwedeng sumama..."
" At bakit? e fiance mo naman sya." sabi naman ng lolo nito.
"Kung hindi mo isasama si Bredie hindi ka namin papayagan.. baka mamaya gulo na naman ang mapasokan mo." sabi naman ng daddy nito.
"Tama ang Daddy at ang lolo mo anak... saka kailangan ma expose din itong si Bredie dahil pamilya na natin sya." sabi naman ng Mommy nito.
Hindi na nakipag talo si Martin sa gusto ng mga magulang nito at sa lolo nya dahil sa alam na nya ang mga ugali nito na ipipilit pa rin ang gusto nito at hindi sya mananalo. Pakatapos ng almusal nila ay si Bredie ay pumasok na ito sa kwarto at naligo pakatapos nitong naligo ay nanood naman ito ng horror movie sa kwarto nya at takot na takot ito habang nanonood at ng biglang pumasok si Martin ay nagulat ito dahil sa tutok sya sa panonood at hindi nya namalayan na pumasok na pala si Martin at ng mag salita ito ay napasigaw naman si Bredie, agad naman na tinakpan ang bibig nito ni Martin.
"Ano ba kung makasigaw ka naman dyan mabibingi ang makakarinig sayo."
"Alisin mo na kamay mo sa bibig ko..." inalis na ni Martin ang kamay na nakatakip sa bibig ni Bredie. " ano bang kailangan mo at pumasok ka dito na hindi kumakatok?
"Kumatok ako at hindi ka sumasagot kaya pumasok nako... ano bang pinapanood mo at mukhang takot na takok ka."
"Horror... "
"Nanonood ka ng horror tapos takot ka naman?"
"Eh sa gusto ko ang horror na pinapanood... ano bang kailangan mo?"
Tumabi na si Martin kay Bredie sa kama at nahiga ito.
" Mamaya ang alis natin mga 5 pm, kaya mag ready ka na non at ayaw ko na pinag hihintay ako."
"Opo kamahalan...ano pa po ang kailangan nyo?"
Hindi na sumagot si Martin dahil sa nakatulog na ito dahil sa puyat ito kagabi at ginising naman ito ni Bredie ng maaga kaya hindi pa sapat ang tulog ni Martin. Hinayaan nalang ni Bredie na tulog ito at ng matapos na ang pinapanood nyang horror at pagtingin nya kay Martin ay tulog na tulog ito at ang ginawa nya ay kinuha nya ang kanyang color pen at nilagyan nya ng bilog ang sa ilong nito ng pula at at saka nilagyan nya ng guhit malapit sa bibig kaya nag mukha itong pusa. Pakatapos yang drawingan ito ay kinuha nya ang kanyang cellphone at pinicturan at ginawa nyang wallpaper sa cellphone nya at saka ito lumabas. Pakagising ni Martin ay lumabas na ito at saka hinahan si Bredie at pag baba nya tama naman na nag kakatipon ang pamilya nito sa sala at nandon din si Bredie at nag lalaro ito ng scrabble kalaro nito ay ang mga dalawang kapatid na babae at ang lolo nito.Pakakita naman nito kay Martin ay nag tawanan dahil sa itsura ni Martin, at ng tingnan nya ang kanyang mukha ay agad nyang tiningnan si Bredie na hindi ito tumitingin sa kanya.
"Bredie!... ikaw ba ang may gawa nito?" tanong ni Martin.
"Ang alin?" pag mamaang maangan ni Berdie.
"Nakikita mo naman diba? nag tatanong kapa e ikaw lang naman ang kasama ko kanina bago ako natulog."
" Hahaha... cute mo nga eh... wait at kukunan kita ng pictures para souvenir at i pa frame natin." nilapitan ni Bredie si Martin at agad naman na hinawakan ni Martin si Bredie at dinala ito sa kwarto, nabahala naman ang pamilya ni Martin kaya agad na mga sumunod ito. Pakarating ni Martin sa Kwarto nito ay inilock nya ang pinto at saka hinarap si Bredie, natatakot na rin si Bredie sa nakikita nyang itsura ni Martin dahil sa ngayon lang nya nakita itong nagalit at napaiyak nalang si Bredie, naawa naman si Martin kaya tinalikuran na nya ito.