Chapter 7
"Tumigil kana sa pag iyak dyan, hindi pa nga kita sinasaktan umiiyak kana, alam mo ikaw lang ang nakakagawa nito sakin ako na isang anak ng hari ay ginaganito mo lang ako?"
"Sorry na natuwa lang ako sayo kanina dahil sa tulog na tulog ka kasi kaya naisipan ko na drawingan ko ang face mo."
"Alam mo bang gusto kitang parusahan sa ginawa mo?"
"Sorry na nga, sige drawingan mo rin ako kung gusto mo para makaganti kana sakin."
"Ibang parusa ang gusto kong gawin sayo..."
"Ok lang kung anong parusa ang gawin mo tatanggapin ko."
" Makakalabas kana baka di ako makapag pigil sayo."
Agad namang lumabas si Bredie at pag bukas nya ng pinto ay sabay sabay na natumba ang Mommy, ang Lolo nito at ang dalawang kapatid ni Martin.
"Anong ginagawa nyo dyan?" tanong ni Bredie sa mga ito.
" Sinaktan kaba ni Martin? " tanong ng Mommy ni Martin kay Bredie.
"Hindi naman po..ito pinalabas lang nya ako."
"Mabuti naman at hindi ka sinaktan ng apo ko."
"Kasalanan ko naman po kaya po sya nagalit at pasensya na kayo kung ginawan ko po ng ganon ang anak nyo Mommy and Lolo."
"Wag kanang mag alala hija at natutuwa nga kami dahil sa nag kakaroon na ng control itong si Martin sa sarili at may pag babago na kaming nakikita sa kanyan." sabi ng lolo nito.
"Akala ko nga po sasaktan nya ako, buti nalang po hindi... at hindi ko na uulitin ang ginawa ko po sa kanya."
Hapon na ng lumabas ng kwarto si Martin at kinatok na nito si Bredie sa kwarto nito. Ang kwarto ni Bredie at ang kwarto ni Martin ay magkatapat lang.
"Bredie are you done?" tanong ni Martin.
Lumabas na si Bredie at.
"Hindi kana galit sakin?"
"Hindi na sa susunod wag mo ng ulitin yon.."
" Yes my Prince Martin."
“Bat ganyan ang suot mo?” sita ni Martin sa suot ni Bredie pakakita sa suot nitong evening dress.
“E si Mommy, ito ang pinasuot sakin dahil nga daw party ang pupuntahan natin.”
“ Oh my goodness... Hindi debu ang pupuntahan natin kundi gig yon.”
“ Sinunod ko lang naman ang sabi ni Mommy.. Anong gusto mo magpalit ako at tanongin nila kung bakit ako nag palit eh di nahalata kana na hindi naman party ang pupunthan natin kundi gig.”
“Ok tara na magpalit kana lang mamaya pag labas natin.”
“Magdadala ako ng damit kung ganon...”
“Wag na makikita nila pag labas natin at magtataka ang mga yon kung bakit ka may dalang bag pag labas natin.”
“Eh anong susuotin ko? Ayaw ko namang mag punta tayo sa gig na ganito ang suot ko noh”
“Itatakwil kita pag yan ang suot mo at hindi ka nag palit.”
“ Ang sama mo!”
Nagpaalam na ang dalawa at saka umalis na, si Martin ang nag drive ng kotse dahil sa hindi na ito nagpahatid sa driver. Pumasok na muna sila sa mall at saka bumili ng damit si Bredie.
“Pumili kana ng isusuot mo at bilisan mo dyan.” utos ni Martin kay Bredie.
“Honey bear...”
“Wag mo kong tatawagin honey bear pag nasa bar na tayo.” putol sa sasabihin ni Bredie.
“And why not my honey bear? gusto mo bang tawagin kita ng honey bear pag tayo lang dalawa? Dapat ang itawag mo rin sakin ay.... Sweety bear.”
“Ewww... Dapat itawag sayo grumpy bear...hahahaha”
“Ano ako grumpy? ginawa mo pa akong si grumpy the dwarfs saka hindi naman ako grumpy ah... Sweet nga ako.” katwiran ni Bredie.
“Ang ingay mo grumpy bear...bilisan mo na nga dyan!”
"Sinabi ng hindi ako grumpy... At bakit kaba nag mamadali? Hindi ka naman iiwan ng banda no... Ikaw ba ang kakanta?”
“Oo, kaya pwede ba bilisan mo na dyan at hindi mag sisimula sila...”
“ Hindi ba sila makakapagsimula na wala ka?”
“ Oo, hindi sila makakapagsimula na wala ako!”
“At bakit naman hindi? Part kaba ng banda nila?”
“Pwede ba pakibilisan nalang? Dahil kung may balak ka pang mag fashion show dyan iiwan na kita!”
“Oy wait wag mo kong iwan ito nga oh tapos na ako.”
“ Pwes lumabas kana dyan."
Sa kotse...
"Honey bear, bakit nag sinungaling ka sa parents mo at kay lolo?" tanong ni Bredie.
"Nag sinungaling ng ano?"
"Bakit sinabi mo sa kanila na party ang pupuntahan natin at hindi gig?"
"Kasi nga hindi ako papayagan ng mga yon pag pinaalam ko na gig ang pupuntahan ko."
"Bakit nga?"
"Dahil sa dati na akong sumasama sa gig at nag kagulo non at nadamay ako, kaya ako pinapunta ng america para daw tumino ako don kung wala akong mga kaibigan na makakasama."
"Bakit palagi kabang nasa gig ng kaibigan mo?"
"Oo, dahil part ako ng banda nila."
"Really? anong hawak mo? kasi sa bahay nyo wala naman akong nakita na instrumento ng banda."
"Vocalist ako ng banda at marunong din akong mag drum, sa keyboard marunong din ako."
"Talaga? wow... my honey bear your so cool... wait e bakit wala kang drum sa bahay nyo or keyboar?
"Mayrong insturment sa bahay sa atic di mo lang nakikita pa pero completo ako ng gamit."
"Wow... excited akong makita kang tumugtog ng drum at gusto kong marinig na kumanta ka.. eh ngayon ba ikaw ang vocalist nila?"
" Yeap..."
" Wow... pwede bang mag request ng song?"
"Ano bang request mo?"
"hmmm... pwede bang korean?"
"Ano korean na naman? eh hindi ka naman koreana tapos ang gusto mong mga kinakanta ay korean song."
"Eh favorite ko korean..."
"Then forget your request..."
"Mag rerequest parin ako wait lang nag iisip pa ako kung anong request song ko."
"Bilisan mong mag isip dahil malapit na tayo."
Hindi naman makaisip si Bredie ng title ng song na ererequest nya kay Martin mamaya pag aawit ito hanggang sa nakapasok na sila sa loob ng bar at hawak hawak ni Martin ang kamay ni Bredie dahil sa maraming tao at siksikan ito. Hanggang sa nakarating sila sa unahan kung saan nandon na rin ang mga kaibigan ni Martin na mayayaman din.
“Hi guys...” bati ni Martin sa mga kaibigan.
“Hi Mathy... ”bati ng isang babae at sabay halik nito sa lips ni Martin.
“OMG... Sino tong Babae na to at sa lips pa kung humalik sa honey bear ko... ” sa isip ni Bredie.
“Hi! Ashly long time no see.” bati ni Martin.
“Who’s that girl? Your P.A?” turo ni Ashley kay Bredie.
“Ano daw me P.A? Means julalay ng honey bear ko? Sa ganda kong to napagkamalan pako na alalay kaloka to ah...” sa isip ni Bredie.
“Oh no...” sagot naman ni Martin.
“I’m his fiance Bredie Mojica...” Pakikaka ni Bredie sa sarili nito sa mga kaibigan ni Martin.
“Oh... I’m sorry.” hinging paumanhin ni Ashley kay Bredie at saka hinalikan ito sa pisngi.
“Are you the owner of the Bredie’s jewelry?” tanong ng isang babae ng maalala ang jewelry shop ni Bredie.
“Oh yes!”
“Ohhh... I’m glad I meet you, I like your design... Ikaw ba ang nag dedesign non?”“Yes..”
“Oh by the way my name’s Mabelle.”
“Hi...”
“ Ang ganda naman ng name mo.”
“Thanks...”
“So Marthy, totoo pala yong balita na ikaw eh engage na nga.”
“Yeah... Thanks to lolo.”
“Hindi ka man lang nag protesta dahil jackpot naman pala ang napili mo hahahha...” Sabi ni Glen.
Malapit ng magsimula ang gig ng banda na sinasamahan ni Martin ng sabihin ni Bredie ang kanyang request.
“Hey honey bear ang request ko ay prinsesa.” bulong ni Bredie kay Martin ng patayo na ito at papunta ng stage.
“Prinsesa? ” tanong ni Martin.
" Oo at e dedecated mo sakin ah."
Tinawag na ang banda nila Martin.
“Hello good evening everyone, before we start our number I want to dedecate our first song to Bredie...” umpisa ni Martin.
Nagpalakpakan naman ang mga tao sa loob ng bar.
“Nakakainis tong Honey bear ko na to, bakit Bredie lang ang sinabi nya wala man lang ka sweet sweet, hindi man lang tinawag akong sweety bear” sa isip nito.
At nag simula ng kumanta si Martin.
Nakaupo s'ya sa isang madilim na sulok
Ewan ko ba kung bakit sa libu-libong babaing nandoon
Wala pang isang minuto
Nahulog na ang loob ko sa 'yo.
" Narealize ni Martin ang kinakanta nito ay may mali at napatingin sya kay Bredie"
Gusto ko sanang marinig ang tinig mo
Umasa na rin na sana'y mahawakan ko ang palad mo
Gusto ko sanang lumapit
Kung di lang sa lalaking kayakap mo, ho o-o-oh.
"Sumasabay na rin si Bredie sa pag awit."
Dalhin mo ako sa iyong palasyo
Maglakad tayo sa hardin ng yong kaharian
Wala man akong pag-aari
Pangako kong habangbuhay kitang pagsisilbihan
O aking prinsipe ha-a-ah, prinsipe
prinsipe, prinsipe. (ginawang prinsipe ang ang prinsesa ng si Bredie ang umaawit)
“Pambihira tong babae na to bakit ito ang request nya baliktad ata, hindi naman sya prinsesa...” sa isip.
Tapos ng tumugtog ang banda na kinabibilangan ni Martin at naupo na ito sa tabi ni Bredie.
"Bakit yon ang request mo? e hindi ka naman prisesa." sabi ni Martin kay Bredie.
" Eh yon ang gusto kong kantahin mo dahil sa ako ang prinsesa mo at ikaw prinsipe ko. In fainess ah ang ganda pala ng boses mo, kaya dapat lagi mo na rin akong kakantahan, at ganon din ang gagawin ko sayo."
"Bakit marunong kabang kumanta? " - si Martin
"Oo naman..."
" Tumogtog ng instrument marunong ka rin?"
"Hindi eh..."
"Pag aralan mo munang tumugtog bago kita kantahan at pag natoto ka kakantahan na kita palagi."
"Sinabi mo yan ah... pag ako natotong tumugtog ng instrumento kakantahanan mo na ako palagi.. hmmm ano bang madaling matutunang instrument?" tanong ni Bredie.
"Bahala ka kung anong instrumento ang pag aaralan mo."
" Ok gitara ang pag aaralan ko at pag na totoo ako kakantahan mo na ako, para feeling ko e lagi mo kung hinaharana."
"Alam mo mahilig kang mag ilusyon... harana..."
" Basta mag aaral akong mabuti para haranahin mo ako araw araw... ay hindi para araw araw, gabi gabi pala."
" Ok deal ako dyan basta sa loob ng isang linggo mo lang pag aaralan ito."
"Ano isang linggo lang?"
"Oo, at pag di mo nagawa yan walang harana... hahaha..."
" Pano na to isang linggo lang akong mag aaral na tumugtog ng gitara.., Honey bear baka naman pwede mo kong turuan." pa cute na sabi ni Bredie kay Martin.
" Hindi pwede."
"Ay ang daya..."
Natapos na ang gig at umuwi na sila at late na silang nakarating ng bahay at diretso ng kwarto ang mga ito, at dahil sa hindi makatulog pa si Bredie kaya muli itong lumabas ng kwarto at kinatok si Martin.
"Honey bear... may gitara kaba?" tanong ni Brredie kay Martin.
"Why?"
"Eh pag aaralan ko na sana at samahan mo na rin ng chords sa gitara kung mayron ka."
"As in ngayon na? hindi na ba yan makahintay bukas?"
"Hindi pa kasi ako inaantok kaya mag aaral nalang akong mag gitara para matoto agad ako at para masimulan mo na rin akong haranahin."
"Hahaha...talagang confidence ka na matototo ka within one week."
"Oo naman sabi nga nila eh pag may tyaga may linaga..."
"Ok fine tara don sa music studio." yaya ni Martin kay Bredie.