Chapter 8
Nakarating na sila sa music room na sinasabi ni Martin at pag pasok nila ay hindi alam ni Bredie kung alin ang unang hahawakan dahil sa kompleto ang instrumento sa loob ng music studio si Martin.
" Wow... honey bear ang ganda naman dito at ang gaganda ng gitara mo,"
" Sige gamitin mo yong white, at sayo na yan."
"Thank you honey bear... pero mas maganda sana kung pink ito."
" Namimili kapa ng kulay ang arte mo naman."
" Eh sa favorite color ko ang pink."
"Ok fine... kunin mo na yan at ayon ang guitar chord books, yan muna ang pag aralan mo."
"Ok thanks honey bear... sige na pwede kanang bumalik sa room mo at dito nalang ako mag aaral."
"Sige samahan na kita hindi pa naman ako inaantok."
Kinuha ang gitara na black at nag simula itong tugtugin ang "Fall For You ng Secondhand Serenade" at umupo sa harap ni Martin si Bredie pakakita nito na nag gigitara habang kumakanta, ito at naka pangalumbaba pa ito sa harap ni Martin at naka nga nga.
"The best thing about tonight's that we're not fighting
Could it be that we have been this way before
I know you don't think that I am trying
I know you're wearing thin down to the core"
" Naka nga nga kana naman, ayan tuloy laway kapa," Singit ni Martin habang kumakanta ito.
But hold your breath
Because tonight will be the night that I will fall for you
Over again
" Talaga you fall for mena rin?" tanong ni Bredie habang nakapangalumbaba sa harap ni Martin.
Don't make me change my mind
Or I won't live to see another day
I swear it's true
Because a girl like you is impossible to find
You're impossible to find"
"Tama ka dyan hindi kana makakahanap ng tulad ko." muling singit ni Bredie.
This is not what I intended
I always swore to you I'd never fall apart
You always thought that I was stronger
I may have failed
But I have loved you from the start
"Ako din unang kita ko palang sayo na love at first sight na ako sa picture mo" muling sabi ni Bredie.
Hanggang sa matapos na si Martin na kumanta at tumugtog at sabay kindat kay Bredie. At napa sigaw naman si Bredie at tumayo ito saka nag tatalon at ipinaypay ang kamay sa mukha nito.
"Ano ba honey bear... kinikilig ako sayo sa pinag gagawa mo..."
Muli namang tumugtog at kumanta si Martin ng " Just the way you are"
"When I see your face
"Ano ba honey bear sobra ka namang mag pakilig dyan..." singit ni Bredie.
There's not a thing that I would change
'Cause you're amazing
Just the way you are
And when you smile
The whole world stops and stares for a while
'Cause girl you're amazing
Just the way you are
"Kailangan ko ng matoto na mag gitara para palaging haharanahan na ako ng honey bear ko."
"So ano na inlove kana naman..." tanong ni Martin.
"Matagal na kong inlove sayo kahit bata pako pumayag nakong ma engage sayo dahil sa mahal na nga talagang kita..."
Biglang hinalikan ni Martin si Bredie sa lips.
"Oh my second kiss..." sabi ni Bredie habang hawak ang lips na nahalikan.
"Good night"sambit naman ni Martin at lumabas na ito.
"Oh my gosh... good bye kiss nya sa lips ko..."
Paka alis naman ni Martin si Bredie ay nag simula na itong mag aral ng gitara, samantalang si Martin naman ay kinakabahan din ito ng mahalikan nya si Bredie sa lips.
"Anong nangyari sakin bakit ang bilis ng t***k ng puso ko ng halikan ko si Bredie... di kaya inlove na rin ako sa kanya?" pag kausap ni Martin sa sarili nito habang nakahiga na sa kama.
Dalawang oras ng nakahiga si Martin at di ito dalawin ng antok at palaging sumisingit sa isip nya si Bredie. Pinapakiramdaman nya si Bredie kung pumasok na ito sa kwarto ngunit di nya narinig na bumukas o sumara ang pintuan nito kaya muli syang lumabas ng kwarto at binuksan ang kwarto ni Bredie at sumilip ngunit wala don si Bredie at pinuntahan nya ito sa music room nya
at napasukan nito si Bredie na ipapalo sana ang gitara sa sobang inis dahil sa hindi sya matoto.
“Anong gagawin mo?” tanong ni Martin.
“A wala naman my prince Martin.” pagpapacute na sabi nito.
“ Anong wala? e nahuli na nga kita na ibabalibag mo yang gitara ko, kung nahuli lang ako ng pasok siguro wasak na yan.”
“ Oy hindi naman, saka bakit ko naman to sisirain e diba nga bigay mo na to sakin?”
“ Ayaw mo naman atang matoto eh"
“ Gusto ko!” lumapit kay Martin na naka upo sa sofa. “ Turuan mo naman ako please... ”
“ Wag mo nga akong daanin sa wink wink mo na yan...”
“ Oy tinatalaban na yan sa pag papacute ko... Kaya tuturuan na ako na nyan... Please, please..” pagmamakaawa ni Bredie kay Martin.
“ Ayoko ko!”
“ Dika ba naaawa sa wifey mo ito o pulang pula na ang daliri ko at ang hapdi na rin.” pinakita ang daliri na nababakbak na ang balat.
Naawa naman si Martin pakakita nito sa mga daliri ni Bredie na pulang pula na at na babakbak na nga ang balat nito.
“Bukas nalang kita tuturuan, magpahinga kana.”
“ Ayoko gusto ko turuan mo na ako ngayon dahil 6 days nalang ang palugit mo sakin.” pagmamatigas ni Bredie.
Tumayo si Martin at kinuha ang isa nitong gitara.
“ Ito gayahin mo 'C minor' 'E minor' ” pinagaya ni Martin si Bredie sa tipa ng gitara.
Nasusundan na rin ni Bredie ang tinuturo ni Martin sa kanya.
“Now you know let’s sleep na.”
“Oy di ko pa alam... Dalawa palang ang tinuturo mo sakin ang 'C minor' 'E minor'.”
“Ms. Bredie wala kabang balak matulog? Di mo ba alam na bukas may pasok na tayo? At alam mo ba mo ba kung anong oras na?” mahabang litanya ni Martin kay Bredie.
“ OMG... May pasok pala tayo bukas, anong oras na ba?”
“ It’s 2 am.”
Agad na tumayo si Bredie at hahalikan nya sana sa pisngi si Martin para mag good night kiss ito at ng idadampi na nya ang bibig nito sa pisngi ni Martin ng bigla naman itong lumingon kaya ang nahalikan nya ay ang lips ni Martin.
“Tomorrow saba...” dina natapos ang sasabihin sana ni Martin dahil sa nahalikan sya ni Bredie sa lips.
“Good night...” ang nasabi nalang ni Bredie.
Nagmamadali naman ng lumabas si Bredie dahil sa nabigla ito ng mahalikan nya sa lips ni Martin.
“sabay tayo na papasok...” mahinang bigkas ni Martin.
“ OMG... Bakit sa lips ko yon nahalikan... E sya naman ang biglang lumingon kaya sa lips tuloy nya dumapo ang lips ko.” pagkausap ni Bredie sa sarili habang nakahiga na ito sa kama nya.
Kinabukasan ay naunang gumising si Martin at ng bumaba na sya para kumain ng breakfast ay wala si Bredie kaya tinanong nya ang katulong kung umalis na ba si Bredie, ngunit sinabi ng katulong nila na hindi pa bumababa ito umakyat muli si Martin para puntahan si Bredie sa kwarto nito.
“Bredie... Gising kana ba? Malalate na tayo sa school” tawag ni Martin.
Ngunit nakailang katok at tawag na si Martin kay Bredie ay hindi pa rin sya pinag bubuksan ng pinto kaya pumasok na sya at pakakita nya kay Brdie ay tulog pa rin ito.
“ Pambihira... Tulog parin tong babae na to... Hey wake up sleepy head, malalate kana pag di ka pa rin bumuhat dyan monday pa naman ngayon aabsent kana agad."
“Inaantok pako...”
“Ayan kasi late ng matulog.”
Iminulat na ni Bredie ang mata nito at naupo sa kama saka muling pumikit, kaya ang ginawa ni Martin ay hinalikan nya ito sa lips. Napatayo naman si Bredie ng hinalikan sya ni Martin sa lips at tinakpan ito.
“Bakit mo ko hinalika?”
“ Bakit ikaw din naman ahh...”
“ E yon sa pisngi lang naman kita hahalikan kaya lang lumingon ka kaya dumampi sa labi mo.”
“Ano? Gising kana sa halik ko? ”
"Aaaahhhh... dipa ko nag sisipilyo hinalikan mo ko!.." sigaw nito habang papasok sa toilet.
Pumasok na ng toilet si Bredie at naligo na ito.
“Bilisan mo ang paliligo at late na tayo baka papag linisin na naman tayo ng banyo.” sigaw ni Martin kay Bredie sa labas ng banyo.
“O my gosh... Toilet cleaner na naman ang labas namin nito pag na late kami.” pagkausap ni Bredie sa sarili habang naliligo.
Wala pang 10 minutes ay tapos ng maligo ito at agad na nagbihis ng uniform saka nagdala ng jogging pants at isiniksik sa loob ng bag at kinuha nag gitara na bigay sa kanya ni Martin at bumaba na.
“My Prince let’s go malalate na tayo” tawag ni Bredie kay Martin habang palabas na ito ng bahay.
Si Martin ay nag hihintay na ito sa kotse nya ng makita nito si Bredie.
“Bakit ganyan ang ayos mo? At bakit ang dami mong dala?” sunod sunod na tanong ni Martin dito.
“E malalate na tayo kaya binilisan mo na, ayaw kong mag linis ng toilet. Wag mo kong pansinin dito nako mag aayos ng sarili ko, saka hindi naman marami ang dala ko ah..” mahabang litanya ni Bredie.
"E ano yang bitbit mo na yan" tukoy nito sa gitara na dala dala ni Bredie.
" Mamaya pag breaktime natin mag papractice akong mag gitara kaya dala dala ko to."
"Ano? bakit ka don mag papractice?"
"Hello... gusto kong matuto agad lima palang ang alam kong chords."
"Ikaw ang bahala."
"Dalian mo naman ang pag papatakbo ng kotse para makarating tayo ng on time sa school baka mag linis na naman tayo nito."
" Ikaw kasi ang bagal bagal, kasalanan mo to pag na late na naman tayo."
"Sorry naman po, kung dahil sa akin mag lilinis na naman tayo... pero wag kang mag alala pag malate na naman tayo aaliwin ulit kita para di ka ma bored."
"Sabi mo yan ah..."
"Oo pero wag naman sana tayo ma late, parang awa mo na utang na loob."
"Pwede ba wag kanang maingay dyan?"
" Oo na po... di na nga ako nag almusal para di tayo ma late... gutom na tuloy ako."
Nakarating na sila sa school....