Chapter 9

1486 Words
Chapter 9 Nakarating na sila sa school at nalate nga ang mga ito. "Oh my G-dragon...toilet cleaner na naman ang peg ko nito... huhuhu.." naiiyak na sambit ni Bredie. " Pwede ba wag kanang umiyak dyan! walang maitutulong ang pag iyak iyak mo na yan ang mabuti pa mag simula kanang mag linis ng toilet." "At bakit ako lang ang maglilinis? wait... diba apo ka ng may ari nitong school natin bakit hindi tayo mag protesta ikaw na isang prinsipe papalinisin ng toilet?" "Sige don ka kay lolo mag protesta." sabi ni Martin. "Sige samahan mo ako, at ako ang mag poprotesta kay lolo." "Ayoko nga dahil wala din namang mangyayari dahil kilala ko si Lolo na ang prensipyo non ki apo o anak ka ng school na to walang palakasan." "Nakakainis naman, ang sakit nga ng daliri ko tapos papaglilinisin pa ko nitong toilet, gutom na rin ako." reklamo ni Bredie. " Wag ka ng mag drama dyan kung sinisimulan na natin ang paglilinis di sana natapos na tayo." Kinuha na rin ni Bredie ang panglinis at ang balde at mop at saka nag simula na itong mag linis sa girls toilet. Habang nag lilinis naman ito ay umiiyak dahil sa masakit ang daliri pag nababasa. Si Martin naman ay tapos na itong mag linis sa boys toilet at ng puntahan nya si Bredie ay hindi parin ito tapos at nakita nya na umiiyak ito. "Bakit ka umiiyak dyan? akala ko ba pag nalate tayo e mag peperform ka para sakin para di ako ma bored? ngayon iiyak iyak ka." "Masakit na kasi kamay ko ayan oh tingnan mo ang hapdi at ang pula pula na." pinakita ang kamay ni Bredie kay Martin. Pakakita naman ni Martin sa daliri ni Bredie ay agad na hinugasan ito at saka dinala sa clinic. "Saan tayo pupunta? di pa ako tapos mag linis." " Sa clinic tingnan mo yang daliri mo ang pula na tapos gumamit kapa ng bleach ayan nababad kaya naging ganyan." "Pano na ang pag papractice ko nito ng gitara, ang sakit kaya." "Pag papractice parin ng gitara ang iniisip mo e lapnos na yang kamay mo." "Pano na ang pagharana mo sakin gabi gabi pag hindi ako natoto na mag gitara, kailangan kong matoto.." "Alam mo ang isipin mo ay ang gumaling na muna yang sugat mo dahil hindi ka rin naman makakahawak ng gitara kung masakit pa rin ang daliri mo." Tiningnan naman ng doctor na incharge sa clinic ng araw na yon ang kamay ni Bredie at agad na nilinisan at lalagyan nalang ito ng ointment ng mag request si Bredei sa doctor. “Doc pwede po bang si Honey bear ko ang mag lagay ng gamot.” request ni Bredie sa doctor na naka assign ng araw na yon sa clinic. “Bakit ako? E pwede naman ang nurse maglagay nyan.” reklamo naman ni Martin ng sabihin ni Bredie na ito ang gusto nyang maglagay ng gamot. “Eh ikaw ang gusto ko. Saka pag ikaw ang maglalagay iihipan mo dapat para hindi.mahapdi.” “Ayoko ko nga!” “Sige na please please please.... ” pagmamakaawa ni Bredie dito. “ Sige na hijo lagyan mo na.” sabi ng doctor kay Martin. Kinuha na ni Martin ang gamot at saka naupo sa harap ni Bredie.Habang nilalagyan naman ng gamot ang mga daliri ni Bredie ay tawa ng tawa ito. “Ang likot mo.” Sabi dito ni Martin. “ Nakikiliti kasi ako.” Tapos ng lagyan ng gamot ang daliri ni Bredie at palabas na sila ng clinic ng dumating naman ang lolo ni Martin. “ Hija what happend? May masakit ba sayo? Kailangan bang dalhin kana sa ospital?” sunod sunod na tanong ng lolo ni Martin. “Oa mo naman lo, nalapnos lang ang daliri nyan hindi naputol.” saad ni Martin. “Third! Masakit na nga daliri nya lolokohin mo pa.” “ Tama ka dyan lolo, sabi ko nga sa kanya e sabihin sayo na wag na kaming mag lilinis ng toilet ayaw naman nyang makinig sakin.” sumbong naman ni Bredie. “Bakit di nyo sinabi na may sugat pala ang kamay ni Bredie.” “ Lo, yong prinsipyo nyo na walang apo apo, anak, kamag anak, pag dating sa rules ng school.” sabi naman ni Martin. “ Iba naman pag ganito ng may sugat na, bakit nga ba nag kasugat ka ng ganyan hija? and wait bakit ba kasi na late kayo?” tanong ng lolo nito. “ Kasalanan din nya” turo ni Martin kay Bredie. “Kasi lolo na oversleep po ako, kaya late akong nagising.” paliwanag ni Bredie. “ Oh sya tama na yang sisihan nyo at pumasok na kayo sa inyong classroom.Third ihatid mo na si Bredie sa classroom nya.” utos ng lolo nito. Habang naglalakad sila sa hallway papuntang classroom ni Bredie. “ Masakit pa ba?”tanong ni Martin. “ Mahapdi pa.” “Wag mong babasain muna para mabilis gumaling” “Pano na ang pag papractice ko nito? pwede bang ma extend?” “Hanggang ngayon yan pa rin ang iniisip mo?”tanong ni Martin. “Eh gusto kong haranahin mo ako araw araw.” “Ok ok... Bibigyan kita ng 2 weeks extension.” “Yes! Thanks honey bear.” Sa loob ng classroom last subject na nila Bredie at may binigay na homework sa kanila at kailangan ma jot down, dahil sa my bandage ang mga daliri nito kaya di sya makapag sulat ng maayos kaya naman ang ginawa nya ay nag message sya sa LINE kay Martin paka alis ng teacher nila. “Honey bear, tapos na kayo?” message ni Bredie kay Martin sa LINE. “Yes. Why?” sagot naman ni Martin sa Line. “ Can youn help me?” “ Help you what?” “Kasi i can’t write, masakit parin ang mga daliri ko kaya di ako makapag sulat ng maayos.” “Masakit ang fingers mo? Pero nakakapag type ka for sending message?” “E touch screen naman to kaya hindi masakit, please tulungan mo naman akong ma jot down tong lesson namin for today, assignment namin ngayon ito, at isa pa need kong mag jot down sa notebook ng mga lesson namin kasi I need to review my lesson malapit ng exam natin. “ok I’m on my way.” “Thanks honey bear.” Nakarating na si Martin sa classroom ni Bredie at tinulungan na nya itong isulat ang homework sa notebook at saka umuwi na. Sa palasyo nasa gardin si Martin at nakikinig ito ng music habang sinasagutan ang homework din nito ng lumapit si Bredie.“Honey bear.. You want juice, coffee, tea, or me?” biro ni Bredie kay Martin. “May kailangan ka na naman?" "Actually mayron..." nilabas ang notebook at ang libro nito na nakatago sa likuran. "Sabi ko na nga ba. Ano na naman you?" " Kasi may homework ako kaya lang di ko nga maisualt ng maayos pwede bang ikaw ang magsulat nito. Please." turo ni Bredie sa libro na nilagyan nya ng high at isusulat nalang ito sa notebook. "Ginawa mo na naman akong taga sulat mo, ikaw a nakakarami kanang utang sa sakin." "Babawi ako sayo pag ok na ang daliri ko, bukas I'm sure ok na ito." "Wag mong basain para bukas magaling na." "Huh? pano ko maliligo mamaya kung di ko to huhugasan?" "Gusto mo paliguan kita?" sabay tingin ni Martin kay Bredie mula ulo hanggang paa. "Bastos!" sabay takip ng dibdib nito ng libro. "hahahaha... ano naman ngayon? e fiance naman kita na engage na tayo kaya pwede ko ng makita ang dapat kong makita sayo." pang iinis naman ni Martin. "Hindi nalang ako maliligo hanggang bukas." " Ikaw? ito na nga ako nag ooffer sayo na paliguan kita ayaw mo pa." "Hoy! kahit na enggage na tayo, hindi pa tayo kasal kaya bawal mo pang makita ang... " "Ang katawan mo?" agaw ni Martin sa sasabihin ni Bredie. "Oo... kaya pwede ba wag mong ilusyunin na makikita mo na ang body ko." Sabay alis ni Bredie at naiwan ang libro at notebook nito. " Pikon... hoy bumalik ka dito joke lang yon." sigaw ni Martin. " Bahala ka dyan... nakakainis na lalaki na to... grrrrr..." Pumasok si Bredie sa kwarto nya at nagbasa basa nalang sya habang nakadapa sa kama nito. Si Martin naman ay tapos na sa homework nito at tiningnan ang pinapagawa sa kanya ni Bredie at ginawa nya na rin ito, pakatapos naman na gawin ang homework ni Bredie ay pinuntahan nya ito sa kwarto na tulog na nakadapa at natangggal na ang bandage sa daliri nito at nilapitan nya si Bredie at nilagyan ng gamot na ibinigay ng doctor kanina at saka nilagyan ulit at saka nilagyan ng bandage at kinumutan saka lumabas na. Sa kwarto naman ni Martin ay hindi sya makatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD