Chapter 10

1756 Words
Chapter 10 Kinabukasan pakagising ni Bredie naalala nya ang kanyang assignment at agad nitong tiningnan ang notebook na nasa study table na at agad binuklat kung ginawa ni Martin ang assignment nya. Pakatapos nyang ligpitin ang kanyang gamit sa school ay agad syang naligo at pakatapos ay nagbihis ng uniform at pinuntahan si Martin sa kwarto nito at nagpatulong na lagyan ng band aid ang kamay. "Good morning honey bear.." agad na niyakap at kiniss si Martin pakapasok nito sa kwarto. "Morning... bakit masaya ka ata?" tanong ni Martin. " Kasi dahil sayo may assignment ako na ipapasa sa teacher ko, kaya salamat honey bear.... and one more thing... can you help me this.." pinakita ang kamay. "Ok come here and sit down." Tinulungan na nga ni Martin na lagyan ng band aid ang daliri ni Bredie at sabay na itong pumasok sa school. Hindi pa rin pwedeng basain ni Bredie ang kamay nito dahil sa may benda parin, naiinis sya dahil sa hindi sya makapag hilamos. Naisipan nalang ni Bredie na mag patulong sa katulong at bumaba sya para hanapin ang isa sa katulong nila Martin ngunit ni isa ay wala syang makita at di rin nya alam kung saan natutulog ang mga katulong. Pabalik na sana sya ng makasalubong nya si Martin at nagka gulatan ang mga ito. “Ay palaka!” gulat na sambit ni Bredie. “Ang pogi ko namang palaka.” “Of course pogi ka sa palaka.” “Anong ginagawa mo dito? Late na ah...” “Kasi ano hinahanap ko si manang Bety.” “Bakit? May kailangan kaba?” “Wala naman magpapatulong lang sana ako na mag hilamos ng mukha ko kasi look oh..” pinakita ni Bredie ang kamay na may band aid. “Magpapatulong ka na hilamusan ka ganon?” “Oo sana. Kasi naman tong band aid na to hindi pa daw pwedeng tanggalin bukas pa.” “Halikana ako ng tutulong sayo.” “Ayaw ko nga.” Hinawakan na ni Martin ang kamay ni Bredie at muling umakyat sa kwarto at pumasok sa loob ng toilet nito at kinuha ang face towel saka hinugasan. “Ilapit mo ang mukha mo dito sa may sink at huhugasan ko.” utos ni Martin kay Bredie. “Gamit ang kamay mo?" “ Of course, ano pa bang gagamitin kong ipang hihilamos sayo?" ” Omg, hihimatayin na ako sa kilig sa ginagawa mo sakin may honey bear.” sa isip ni Bredie. “ Pikit mo yong mata mo at lalagyan ko na ng sabon ang mukha mo.” Pumikit naman si Bredie at nakaharap na ito kay Martin. “Na iinlove na ata ako dito sa babae na ito.” Sa isip ni Martin. “Banlawan mo na ang mukha ko at mahapdi na.” Utos ni Bredie kay Martin. “ Sorry.” hinging paumanhin ni Martin kay Bredie. “Nag toothbrush kana ba?” tanong ni Martin. “ Hindi pa.” “ Totoothbrush-an din kita baka kasi di mo pa kaya.” “Kaya ko na, nakakahiya naman sa isang prinsipe." “Hahaha.. Ok lang diba nga ayaw mong mabasa ang kamay mo kaya tutulungan na kita.” “Sige na nga, tutal fiance naman na kita.” kinikilig na sabi ni Bredie. Pakatapos mag sepilyo ni Bredie ay lumabas na ito ng toilet kasunod si Martin. “Sa weekend pupunta daw tayo don sa hacienda at e memeet natin yong mga friends namin.” si Martin. “Bakit kasama pa ako?” “Eh yon ang sabi ni Daddy at ni Lolo.” “Lahat ba tayo?” “Siguro” “Diba nakakahiya? Ang mga nandon siguro mga hari din.” “Parang ganon na nga. So pano pahinga kana at bukas may pasok pa tayo.” “ Good night!” Lumabas na si Martin sa kwarto ni Bredie at pumasok na rin ito sa sariling kwarto.” Weekend at nag punta na ang buong pamilya ni Martin sa Hacienda Grande at pagdating nila don ay marami ng tao, hindi mapakali si Bredie dahil sa hindi naman sya sanay sa maraming tao na makakasalamuha. “Honey bear, ang daming tao uwi nalang kaya ako kay popsi ”kinakabahang sabi ni Bredie kay Martin. “ Bakit ka naman kakabahan? Eh nandito naman ako.” “Nakakahiya kasi, dahil ang mga bisita dito parang may lahi ding hari ako lang ang hindi.” “Hindi ka naman nila kakainin, kaya wag kang mag alala.” Tinawag na sila ng Lolo ni Martin at pinakilala si Bredie sa mga taong nandon.Pakatapos pakilala ay nagkanya kanya na namang kwentuhan ang mga ito, dahil sa walang kilala si Bredie sa mga taong nasa loob ng bahay kaya ang ginawa nya ay lumabas at nakita nya na maraming kabayo at nag libot libot sya. Naaaliw na sya sa nakikita nyang kapaligiran at may nakita syang bahay kubo at pinuntahan nya ito papasok sana sya ng may marinig syang nag uusap at ng aalis na sana sya ng marinig nya ang pangalan ni Martin at muli syang bumalik at pinakingan ang pinaguusapan ng tao sa loob ng bahay kubo. “Maty patawarin mo ako kung nasaktan kita.” sabi ng babae na kausapa ni Martin sa loob ng bahay kubo. “ Kalimutan na natin yon.” sagot naman ni Martin sa babae. “ Mahal pa rin kita, and I know you still love me.” “Si honey bear yon, sino ang kausap nya?” sa isip ni Bredie. Sinilip ni Bredie ang nasa loob ng bahay kubo at si Martin nga ang lalaki at ang babae naman ay si Loriene ang anak ng may ari ng hacienda. “Loriene may fiance na ako.” “Fiance palang naman hindi pa naman kayo kasal kaya pwede pang iatras yon.” “I’m sorry Loriene” “ Mahal mo ba ang fiance mo?” tanong ni Loriene kay Martin. Hindi naman agad masagot ni Martin ang tanong ni Loriene sa kanya. “See? Hindi ka makasagot dahil hindi mo naman mahal ang fiance mo.” Dahil sa nanirig ni Bredie sa sinabi ni Loriene ay umalis sya at nag tatakbo ito hanggang sa mapunta sa may ilog at don nag iiyak.Samantalang sa bahay kubo. “Mahal ko ang fiance ko Loriene at pagtuntong nya ng 18 magpapakasal na kami at two years nalang yon, at kahit hindi pa kami kasal nag sasama na kami sa isang bahay.” “Ganon nalang na kadaling kalimutan ang pinag samahan natin?” “Ikaw ang unang nang iwan, at ngayon na nakapag move on nako wag mo na akong guluhin pa dahil mahal ko ang fiance ko.” “I’m sorry Martin, please buksan mong muli ang puso mo sakin, hindi pa naman kayo matagal na nag kakakilala ng fiance mo diba.?” “Kahit hindi pa kami matagal na nagkakakilala ng fiance ko at sa maikling panahon na pag sasama namin ay minahal ko na sya.” “ Hindi ako papayag... ” Iniwan na ni Loriene si Martin at si Martin naman ay muling bumalik sa loob ng bahay at hinanap si Bredie. Samantalang si Bredie ay iyak pa rin ito ng iyak sa tabing ilog at may nakapansin na rin dito na nakasakay sa kabayo at bumaba ito at nilapitan si Bredie saka inabot ang panyo. “Miss ok kalang? Ito o gamitin mo baka kailangan mo tong panyo ko.” Alok ng lalake kay Bredie at sabay abot ng panyo nito. “Salamat kailangan ko nga ito” Kinuha ang panyo na hindi tinitingnan ang may ari at saka pinunasan ang mukha na basa ng mga luha” “Taga saan kaba? At ngayon lang kita nakita dito?” “Taga maynila ako at dinadalaw namin yong nakatira dito sa hacienda Grande.” “Ang layo na ng hacienda grande dito.” “Ha? Anong lugar na to?” nagpapanic na tanong ni Bredie. “Nandito ka sa hacienda namin, wag kang mag alala ligtas ka dito.” “Salamat gusto ko lang mapag isa kaya ako napunta dito.” Samantala si Martin ay hinahanap na si Bredie at nanghiram na sya ng kabayo para hanapin sa ibang lugar. Hindi pa halata ng mga magulang nya at ng lolo nya na nawawala si Bredie. “Asan kaya nag punta ang babae nayon? Di ko ma contact ang phone.” sa isip ni Martin. “Anong pangalan mo?” Tanong ng lalake kay Bredie. “Ako si Bredie, ikaw anong pangalan mo?”balik tanong naman nito. “ Laurence Smith.” inabot ang kamay kay Bredie at nag shake hands sila. Dumating naman si Martin na magkahawak ang kamay ni Bredie at Laurence at agad itong bumaba sa kabayo at nilapitan ang dalawa. “Bredie, nandito ka lang pala.” si Martin. “ Prince Martin? Ako si Laurence kababata nyo dati ni Lourene.” “Hi, how are you?” tanong ni Martin dito. “I’m good, and you?” “I’m fine. Bredie lets go, hinahanap kana nila.” “Sige Laurence nice meeting you, and thank you nga pala dito sa panyo mo, lalabhan ko muna bago ko sayo isauli.” “No problem, so ibig sabihin nyan magkikita pa tayong muli?” “Oo naman, ibabalik ko pa nga itong panyo mo diba?” “ Let's go Bredie, at dumidilim na.” yayang muli ni Martin. “Maglalakad nalang ako pabalik sa hacienda.” “No, sumakay kana dito sa kabayo.” “Hindi ako marunong sumakay sa kabayo kaya maglalakad nalang ako pabalik at ikaw mauna kana sabihin mo sa kanila parating nako.” “Di mag lakad nalang din ako para may kasabay ka.” “Ikaw ang bahala” Nagsimula ng mag lakad si Bredie at hindi parin nito kinikibo si Martin, nahahalata na rin ni Martin na nag iba si Bredie. "May problema kaba? "tanong ni Martin kay Bredie. "Wala, wala akong problema. " "Eh bakit umiyak ka? at nanghiram kapa ng panyo ng iba." Excuse me hindi ko hiniram ito, nag volunter sya na pahiram sakin ang panyo nya e that time kailangan ko talaga yon kaya kinuha ko na." " E bakit kailangan mo ng panyo? umiyak kaba?" " Ano sa tingin mo?" Huminto si Martin at iniharap si Bredie at hinawakan ang mukha nito. "Umiyak ka nga, bakit ka umiyak? ayan oh mugto ang mga mata mo." "Wala may nakita lang akong hindi ka nais nais kanina." " Ano ba yon?" " Wag mo ng alamin." Nauna ng naglakad si Bredie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD