Chapter 13
Dahan dahan naman na binaba ni Martin ang mukha nito sa mukha ni Bredie at ng malapit ng maglapat ang mga labi nito ng may kumatok naman sa kwarto at ito ang lolo ni Bredie.
"Princess kumain na muna kayo ng meryenda, inihanda na ni Manang, lumabas na muna kayo dyan." tawag ng lolo ni Bredie sa kanila.
"Ang malas naman ng araw na ito kanina pa di matuloy tuloy ang halik natin. " nagmamaktol na sabi ni Martin kay Bredie.
"Hahaha... dipa natin oras kaya ang mabuti pa lumabas na lang tayo."
Patayo na si Bredie ng hilahin ito ni Martin pahiga at saka hinalikan. "Ayan may energy na ako." Sabi ni Martin at tumayo na ito at saka hinila patayo si Bredie at inayos ang buhok na nagulo. "Ayan ayosin muna natin ang buhok mo ang gulo na."
"Salamat, tara labas na tayo at naghihintay na si papsi."
Magkahawak kamay na lumabas ang dalawa. Pakatapos kumain ay nagyaya si Bredie na mag punta sa shop nito. "My prince punta tayo sa shop, matagal na akong hindi dumadalaw don."
"Sure sweety bear, after don pwede bang sa bahay na tayo umuwi?"
"Diba sa bahay tayo matutulog? at doon na rin tayo manggagaling sa pag pasok sa school."
"Don nalang tayo sa bahay para may time tayo. " sabay kindat nito kay Bredie.
"Naku di mo ako madadala dyan sa pagpapacute mo na yan, Dahil nag usap na tayo na sa bahay tayo matutulog ngayon, saka namimiss ko na matulog sa kama ko." di pumapayag na sabi ni Bredie.
" Ok sa bahay nyo na tayo matutulog." Pagpayag ni Martin.
"Thank you my honey bear." Pagpapa cute naman na sabi ni Bredie.
Pagkatapos nilang kumain ay pumunta na sila sa shop ni Bredie at marami ang tao ng araw na yon at sa pagpasok nila ay agad na nakilala ng mga ito si Martin at ang iba ay nagpakuha ng picture kasama si Martin at si Bredie, at nagkalat na ang mga picture ng mga ito sa social network at nabalita na rin at ang mga nakapanood ng balita ay hinanap ang shop ni Bredie at nag dagsaan na ang mga tao kaya kahit gabi na ay mayron paring mga tao na nagpupunta.
" Hindi maubusan ng tao sa shop." tuwang tuwa na sabi ni Bredie kay Martin.
"Nandito kasi ako, kaya ako ang lucky charm mo..."
"Hoy kahit wala ka dito marami talaga ang pumupunta dito sa shop ko noh!."
"Pero hindi kasing dami ngayon." - Martin
"Sabagay mas marami ngayon, siguro palagi nalang tayo pumunta dito para mas dumami pa ang customer ko at yumaman agad ako, para pantay na tayo." pagbibirong sabi ni Bredie.
"Hahaha... sige punta tayo palagi dito para di na rin ako mag trabaho."
"Hahaha... kahit di ka mag work prinsipe ka naman at maraming pera."
"Sa kanila ang pera na yon, kaya kailangan ko ring mag trabaho."
Kinagabihan sa bahay ng lolo ni Bredie sila natulog, si Martin ay sa guest room ito pinatulog ng lolo ni Bredie. Hindi naman makatulog si Martin kaya pinuntahan nito si Bredie sa kwarto at kumatok.
"Sweety bear gising kapa ba? "tanong ni Martin sa labas ng kwarto ni Bredie.
Binuksan naman ni Bredie ang kwarto nito. "Di kapa rin tulog?"
"Di ako makatulog." Sabay pasok nito sa kwarto ni Bredie."
"Hoy anong ginagawa mo?"
"Makikitulog dito sa kama mo di ako makatulog sa guest room."
"Naku di pwede na dito ka matulog baka mapasukan ka ni papsi."
"Tulog na yon, halikana matulog na tayo." hinila na ni Martin si Bredie pahiga sa kama. "Matutulog lang tayo promise mag bebehave ako. " - Martin.
" Ang dami mo naman sinasabi dyan... baka di tayo magkasya sa kama." nag aalalang sabi ni Bredie.
"Kasya tayo dito..." Sabay hila nito kay Bredie at niyakap. " Sarap ng tulog ko nito katabi at kayakap kasi kita."
"Ako din masarap tulog ko nito kasi kasama kita." sabay yakap din nito kay Martin.
Kinabukasan ay napasukan ng lolo ni Bredie ang dalawa na magkayakap at agad naman na ginising ang mga ito.
"Bakit kayo magkasama na natulog?" tanong nito sa dawala.
"Papsi natulog lang naman po kami walang pong nangyari samin promise.." paliwanag ni Bredie sa lolo nito.
"Papsi wag po kayong mag alala bukas na bukas din magpapakasal kami nitong si sweety bear ko." si Martin.
"Dapat lang na makasal na kayo dahil magkatabi na kayong natutulog."
"Papsi ngayon lang naman po kami natulog na magkatabi sa palasyo po hiwalay po kami ng kwarto." - Bredie.
"Noon yon dahil sa hindi nyo pa inaamin na nagmamahalan kayo, kaya dapat lang na makasal na kayo."
"Yes papsi sasabihin ko po sa lolo namin at sa parents ko po mamaya din po." - Martin
" Sige mag ayos na kayo at kailangan naming mag kausap ng lolo mo Martin."
"Yes papsi! "
Pakatapos mag almusal ay sumabay na ang lolo ni Bredie sa kanila na pumunta ng palasyo, pagdating naman nila ay agad naman silang sinalubong ng parents ni Martin at ng lolo nito.
"Maligayang pag dating Mr. Mojica." bati ng lolo ni Martin sa lolo ni Bredie.
"Maraming salamat sa pag salubong mahal na hari." pormal naman na sabi ng lolo ni Bredie.
"Wag na tayong maging formal mr Mojica, mabuti naman at nakasama sa dalawa na magpunta dito,"
"Oo nagpunta ako dito dahil sa nag aalala ako sa apo dahil sa magkatabi na palang natutulog ang mga ito baka mamaya mag buntis tapos dipa kasal ang mga yan."
"Ano nagtatabi na sa pagtulog ang dalawa? aba dapat lang na makasal na ang mga yan at baka lumabas na ang apo natin tapos dipa nga kasal at kailangan na nating pag handaan ito."
"Yon nga din ang gusto kong mangyari,"
"Dapat sa madaling panahon makasal na ang mga ito... ano kaya kong sa isang buwan ipakasal na natin ang mga ito.? " tanong ng lolo ni Martin sa lolo ni Bredie.
" Ok ako dyan... "
"Sige ako ng bahala sa kasal ng mga bata."
"Aba tutulong din ako dyan."