Chapter 12
“Oo mahal na nga kita..." hahalikan na sana ni Martin si Bredie ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto at ang pumasok ay ang lolo ni Martin, agad naman na itinulak ni Bredie si Martin.
“Lo! Bakit di kayo kumatok?” nabiglang tanong ni Martin sa lolo nito.
“Kumatok ako di nyo ata narinig dahil busy kayo.”
“Busy nga kami lo!” nakangiting sagot ni Martin sa lolo nito.
“Aba’y dipa kayo pwedeng mag kaanak dahil dipa kayo tapos ng pag-aaral nyo!” sermon naman ng kanilang lolo Martin.
“ Lo anak agad? Diba pwedeng honeymoon muna?“pagbibiro nama ni Martin.
“Aba’y lokong batang ito! Kasal muna bago honeymoon, at anong nangyari naman dito kay Bredie at maga ang mata? Umiyak kaba hija?”
"Hindi po lo." pagsisinungaling ni Bredie.
"Kung hindi ka umiyak bakit maga yang mata mo?"
"Wala po ito lo, napuwing lang po ako kanina."
"Umiyak nga po yan lo." singit ni Martin.
"Bakit ka naman umiyak hija?"
"Sya po kasi." turo ni Bredie kay Martin.
"Ano bang ginawa sayo nitong si Martin?"
"Wala akong ginawang masama Lo!"
"Kasi po sya nagagalit sakin kausap ko lang naman si Laurince."
"Nagsisilos ako kaya ako nagalit."
Ayon nag sisilos lang pala... Third pag nag seselos ka wag mo namang ipahalata masyado. "ang lolo ni Martin."
Wala naman po syang dapat ipagselos don dahil kakakilala palang naman namin non. "paliwanag naman ni Bredie."
Tama si Bredie Thrid... "pag sang ayon naman ng lolo ni Martin sa sinabi ni Bredie.
“ Ok na pinagtulungan nyo po ako... sya nga pala Lo mauuna na po kami sa palasyo nitong si Bredie, baka kasi maagawan pa ako dito pag nag stay pa kami ng matagal.”
“Aba’y bakit naman? At sino ba tong gustong pumorma pa dito sa fiance mo?”
“Ako pa talaga ang popormahan? Eh ikaw nga dyan pumuporma pa sa iba.”singit naman ni Bredie.
"Di kaya! wala akong pupurmahan dito kong ang iniisip mo eh si Laurine wala yon, at walang wala na yon promise.." tinaas pa ang kanang kamay nito bilang panunumpa.
"Naku mga bata kayo... oh sya kung gusto nyo ng maunang umuwi sige pumapayag na ako but... behave kayo."
“Lo ayaw mong makabuo na kami ng apo nyo?” biro ni Martin sa lolo nito.
“ Ano ba! Wag kang maniwala dito lo makakabuo lang kami ng apo nyo pag kasal na kami.” - Bredie.
"Kung ganon kailangan nyo ng makasal para may apo na ako."
"Lo malayo pa po yon..." - Bredie
"Kaya nga po lo kailangan na naming umuwi para makapag solo na po kami." Putol ni Martin sa sinasabi ni Bredie.
"Nagmamadali ka naman yata hijo."
"Oo naman lo dahil nga sabi ko sayo ayaw ko ng maagawan pa dahil sigurado na ako sa nararamdaman ko na mahal ko na ang fiance ko."
"Kung ganon kayo ang masusunod... at sasabay na rin kami sa inyo na umuwi."
"Naku lo maiwan na lang po kayo dito kasama nila mommy at daddy sayang naman ang pinunta nyo dito kung masisira lang dahil lang samin, kami nalang po ang uuwi at nakakahiya naman sa family Grande."
"Sige mag impake na kayo at papahatid ko kayo sa driver."
"Wag na lo mag cocommute nalang po kami."
"Di pwede yon baka ano pang mangyari sa inyo at may makakilala sa inyo."
"Lo... hindi naman po kami sikat para may makakilala sa amin."
"Sabi mo lang yan pero kilala na kayo ng buong mundo, wag mong kalimutan na isa ka paring prinsipe."
"Lo... hindi kami sikat para dumugin ng mga tao at hindi kami artista."
"Kayo na nga ang bahala!"
Lumabas na ang lolo ni Martin at agad naman na niyakap ni Martin si Bredie.
"Totoo ba ang sinabi mo na mahal mo na ako?" tanong ni Bredie kay Martin.
"Oo mahal na kita, masaya ako pag nakikita kita, nag selos ako nong makita ko kayo na magkausap ni Laurince kaya nakapag salita ako sayo ng hindi maganda, I'm sorry."
"Mahal na kita kahit di pa tayo nagkikita ng personal, dahil na love at first sight na ako sayo kahit sa magazine palang kita nakita."
"Thank you! dahil nakilala kita."
"Kaya nga ng magkaroon ng pagkakataon na makilala kita kahit sinusungitan mo ako pumayag na akong ma engage sayo para lang makasama kita."
"Kung ganon magpakasal na tayo?"
"Huh? Agad agad? saka bata pa tayo."
"Ayaw mo bang magkasama na tayo dahil sa kasal na tayo?"
"Magkasama naman tayo sa bahay nyo ah."
"Gusto ko magkasama tayo sa isang kwarto."
"Heh! alis ka na nga dyan at mag iimpake na na ako ng gamit ko."
"Tulungan na kita honey bear."
"Honey bear? tinawag mo na akong honey?"
"Oo diba tawag mo sakin eh bunny bear, kaya ang tawag ko rin sayo honey bear."
"Oh... I love you my prince bunny bear." Sabay yakap ni Bredie kay Martin.
"I love you too my honey bear."
Hinatid lang sila ng driver sa labasan ng hacienda at doon nag abang ng bus pabalik sa manila.
Magka holding hands ang dalawa habang nag aabang ng bus na masasakyan nila.
"My prince sigurado kabang alam mong mag communte? baka maligaw tayo nito, di ko rin alam mag commute." nababahalang tanong ni Bredie kay Martin.
"Trust me ok... makakarating tayo sa palasyo ng buhay."
"Mas lalo mo naman akong tinakot."
"Hahaha... akong bahala sayo, oh ayan na may bus ng parating."
Sumakay na ang dalawa at marami ang pasahero ng bus at ng naghahanap ng mauupuan ang dalawa ay pinag titinginan sila dahil sa nakilala ang mga ito.
"Bunny bear bakit pinag titinginan nila tayo?"tanong ni Bredie kay Martin.
"Nagagandahan lang siguro sayo."
"Talaga nagagandahan sila sakin?" Nag pose pa ito at nag peace sign.
"Nag papacute ka naman dyan..."
"Wag ka ng kumuntra dyan mag pa cute ka rin dahil bagay tayo sabi nila."
"Ha? may narinig kabang sinabi nila na bagay tayo?"
"Sabi ng mga mata nila tingnan mo.."
" Wag ka ngang masyadong assume..."
"Panira ka naman."
"Hahaha... ok fine sabi na nila maganda kana at bagay tayo."
"My prince pwede bang sa bahay tayo tumuloy? kasi kung doon tayo sa palasyo ang boring naman don saka kailangan ko ring tingnan yong shop ko."
Ok!
Talaga? payag kanang sa bahay matulog?
"Oo naman, para makapunta na rin ako sa bahay nyo."
"Oy wag kang mag expect na maganda ang bahay namin ah, hindi yon palasyo ng gaya ng sa inyo."
"Oo naman ang mahalaga kasama kita."
"Ano ba pinapakilig mo naman ako"
"Lagi ka naman kinikilig pag dating sakin."
"Korek ka dyan."
Nakarating na sila sa bahay ng lolo ni Bredie at busy ito sa pagbabasa sa may garden at pinuntahan na ito ni Bredie at Martin.
"Hi popsi..."bati ni Bredie.
"My princess, anong ginagawa nyo dito? at bakit nag alsa balutan kayo?"
"Hi popsi.." bati ni Martin.
"Hello rin hijo... ang pogi talaga nitong fiance ng apo ko."
"hahaha... popsi wag mong parinig sa kanya na pinupuri mo sya baka mamaya lumaki ilong nyan."
"Aba't... " - Martin.
"Saan ba kayo galing?"
"Popsi galing kami sa laguna at dumetresto na kami dito at dito rin kami mag stay kasi po walang tao sa palasyo."
"Sa palasyo mawawalan ng tao? imposible naman ata yon."
"I mean popsi wala si lolo at ang mommy at daddy ni prince Martin."
"Ganon ba? kumain naba kayo?"
"Yes popsi... mamaya po pupunta kami ng shop."
"Sige mag pahinga na muna kayo kung ganon."
"Si popsi di man lang ako na miss..." nagtatampong sabi ni Bredie.
"IKaw nga dyan ang hindi nakakamiss porke't kasama mo tong si pogi e nakalimutan mo na ako."
"Hindi totoo yon popsi subrang na miss po kita."
"Bola... o sya pumasok na kayo at itong si pogi eh mukhang inaantok pa."
"Hindi naman po popsi." - si Martin
"Tara my prince don ka sa may guest room mag stay."
"Ano? hindi ba tayo magsasama sa room mo?"
Hindi noh...
Don ka sa guest room matutulog. "sabi ni Bredie kay Martin."
Pwede bang dito na rin ako sa room mo? "tanong ni Martin kay Bredie at pakakita sa kama ni Bredie ay nahiga na ito."
Maliit tong kama ko kaya don ka sa guest room...
Ok lang kahit maliit tong kama mo di naman ako malikot matulog. - Martin
Di nga pwede!
Bakit di pwede?
Kulit mo rin noh? di pa tayo kasal kaya di pa tayo pwede magsama sa same room. - Bredie
Malapit narin tayong makasal, saka matutulog lang naman tayo unless gusto mo. "sabay kindat ni Martin kay Bredie."
Ano bang pinagsasabi mo dyan! "di makatingin na tanong ni Bredie."
Halika na mahiga na tayo. "hinila na ni Martin si Bredie sa kama at saka niyakap ito" Wag kang malikot matutulog lang tayo.
"Yumakap narin si Bredie kay Martin, samantalang si Martin ay malakas ang t***k ng puso nito habang yakap yakap nito si Bredie."
Bunny bear bakit ang lakas ng t***k ng puso mo? "tanong ni Bredie habang pinapakinggan ang t***k ng puso ni Martin."
Siguro dahil sa kasama at kayakap pa kita at kanina pa kitang gustong halikan... Can i kiss you? "di nakatiis na sabi ni Martin"
Ano ba pinagpapaalam pa ba yan? "sa isip ni Bredie." Tumango nalang si Bredie bilang sagot sa tanong ni Martin.