KABANATA 4

1570 Words
EPISODE 4: POGI KA LANG PERO HINDI KITA GUSTO! Pagkatapos kong samahan si Danerie ay umuwi rin kaagad ako sa boarding house namin at may trabaho pa ako kinabukasan. Nang makarating ako sa bahay, nadatnan kong nag-aayos ng gitara si Mark kaya nilapitan ko na kaagad ito. "Uy! Wala manlang bati pagdating ko?" Napatigil na ito sa kaniyang ginagawa at napatingala sa akin. "Sorry, Ate. Hindi ko namalayan na nandito ka na pala, may inaayos kasi akong bagong kanta kaya medyo napa-focus ako." "Talaga? Ayos 'yan," tugon ko sa kaniya at ibinaba na ang bag ko sabay inat ng balikat ko dahil sa pangangalay. "Pero kumusta naman ang mga grades mo? Okay ba, pasado ba lahat? Konti na lang makaka-graduate ka na sa Senior High kaya dapat ay mag-aral kang mabuti." "O-oo naman, Ate. M-maayos naman po ang mga grado ko kaya wala kayong dapat ipag-alala." Tumayo na ito sabay akyat sa double deck naming kama. "Kumain ka na, Ate. Bumili ako kanina ng menudo kay Auntie Lylia at nagsaing na rin ako." Bahagya akong nagtaka kay Mark dahil sakto lang naman ang pera kong binibigay sa kaniya bilang baon. "Bakit ka naman bumili ng ulam? Baka naman wala ka nang baon diyan." "Ay hindi, Ate. Ano kasi...may raket kami ng mga kaibigan ko kapag walang pasok. Nagbu-busking kapag vacant time at para makatulong din ako sa'yo." Natutuwa naman ako sa initiative ng kapatid ko para tulungan niya ako pero mas importante naman na makapag-focus na muna siya sa kaniyang pag-aaral. "Uh, Mark. Hindi naman sa pag-aano pero alam mong kaya nga ako tumigil muna para mapag-aral kita," paliwanag ko pa sa kaniya. "Sana ngayon, pag-aaral lang muna ang atupagin mo hanggang sa makahanap ka na ng magandang scholarship sa college at maganda ang standing mo ngayon." "S-sige, Ate. Gagawin ko po." Hindi ko na rin pinatagal ang pagtatalo namin ni Mark at na-appreciate ko rin naman ang pagbili niya ng ulam sa akin. Pagkatapos kong kumain ay nagkwenta na muna ako ng natitirang mga bayarin sa loob ng buwan at halos mapakamot na lang ako sa ulo ko. Kinaumagahan, maaga pa akong pumasok sa trabaho para maaga rin akong makaka-alis mamaya. Balak ko kasing maghanap ng ibang sideline at hanggang alas-singko lang naman ang shift ko. Hindi kasi talaga sapat ang sinasahod ko sa pagiging janitress para sa aming dalawa ng kapatid ko. "Joy, you're early today." Napalingon na ako at napangiti nang makilala ko ang tumawag sa akin. "Good morning po, Sir Patrick! Kailangan ko po kasing magsipag at maraming kailangang bayaran, e." "That's nice. Anyway, the PR department is in need for an assistant event planner, would to like to try it out?" "Po?" Medyo nagulat ako sa sinabi ni Sir Patrick. Minsan na akong tumulong sa mga events ng kompaniya lalo na kung peak season dahil sa kakulangan ng magtatrabaho pero hindi ko naman akalain na magbibigay siya ng ganitong klaseng offer. "Well, if you like I could refer you to the PR Manager and let you submit your resume," usal pa nito. "I know you are capable of doing the work after your shift here." "Ah, sige po Sir, kayang kaya po. Magpapasa po kaagad ako at sana palarin na makapasok dahil kailangan ko po ng extra na trabaho." Nilalapitan na ako ng biyaya kaya aayaw pa ba ako? Ngumiti na sa akin si Sir Patrick. "I'll be off then. I still need to meet an investor—" "Hey, Patrick!" Bahagyang napatigil kami ni Sir Patrick sa pag-uusap nang mayroong tumawag sa kaniya. Lumingon na ako at nagulat nang makita si Danerie na naglalakad palapit sa amin habang suot-suot ang uniform namin. Hindi ko alam kung nabibingi ba ako o sadyang tinawag niya talaga si Sir Patrick sa kaniyang pangalan. Ang kapal din talaga ng mukha ng lalaking 'to. "Hoy, Danerie. Anong Patrick ang pinagsasabi—" "I'm not talking to you." Nilagpasan niya lang ako na parang pader at humarap na kay Sir Patrick. "Why didn't you tell me that she's meeting with you next month?" Sumeryoso na ang mukha ni Sir Patrick sabay tapik sa balikat nito. "First of all, know your place, Mr. Del Rosario. You are working under my supervision.” “You know that I’m tired of this bullsh1t, Patrick—” “You better behave if you really want to get it back,” pagputol pa sa kaniya ni Sir Patrick sabay sulyap nito sa akin. “I’m going off, Joy. Tell me after passing your resume to the HR Department and I will make sure that you’ll get the part time job.” Tumango kaagad ako kay Sir Patrick. “Maraming salamat po ulit, Sir!” Nang makaalis na ito, padabog namang pumasok si Danerie sa loob ng station namin kaya naman sinundan ko na lang kaagad siya roon. Wala akong ideya sa kanilang problemang dalawa pero konti na lang ay maniniwala na akong magkakilala talaga si Sir Patrick at si Danerie. Pasado alas-dose ng tanghali nang naisipan kong hindi na lang kumain ng lunch. Mas importante kasing makapagpasa na ako nitong resume at baka maunahan pa ako ng iba. “Where are you going?” Napatigil ako sa pagbukas ng pinto sa station nang magsalita si Danerie. May balak pa pala siyang kausapin ako. Lumingo na ako sa kaniya. “Magpapasa lang ako ng resume ko, Pogi. Nag-offer kasi si Sir Patrick ng trabaho sa’kin bilang Assistant Event Planner.” “Event for what? Aren’t the staff on that department doing it?” Hindi ko alam kung bakit tanong nang tanong sa akin si Danerie pero hindi ko na lang muna siya aasarin ngayon at alam kong wala ito sa mood. “Ah, may gaganapin kasing event next month sa isa sa mga hotel ng Orion, kulang daw sa manpower kaya maga-apply ako bilang part time. Bakit ka naman napatanong?” Bigla siyang tumayo sabay lapit sa akin. “Is that the event of the Qing Xun International?” “Hmm…hindi ko sure pero parang pamilyar—” “Let’s go, I’ll also apply!” bigla usal nito. Naiwan akong nakatunganga rito sa pwesto ko nang mauna nang lumabas si Danerie sa station namin. Wala na rin akong nagawa nang sumama siya sa aking magpasa ng kaniyang resume na hindi manlang ako nagkaroon ng pagkakataon na makita ang mga credentials nito. “I’m off now.” Bigla akong napatingin kay Danerie nang magsalita ito. Dali-dali akong lumapit sa kaniya. “Uuwi ka na ba, Pogi?” “How many times do I have to tell you to stop calling me like that?” “Yung pogi ba? E, totoo naman ang sinasabi ko, pogi ka naman talaga,” pangangatwiran ko pa sa kaniya. Nagulat ako nang unti-unti niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin at bahagyang itinulak ako sa pader. “Joy, I mean Ligaya, tell me, do you like me?” Halos mapalunok ako ng laway ko dahil sa sobrang lapit ng mukha namin ngayon ni Danerie. Napakapogi niya at sadyang intimidating pero hindi naman iyon ang standard ko sa mga crush ko. Tinaasan ko na lang siya ng kilay at marahang itinulak palayo sa’kin. “Echosero ka! Sinabi ko lang naman na pogi ka kasi super bet naman talaga ang mukha mo, pero hindi ibig sabihin na type na kita.” “You’re odd. Everyone in London is begging to have my attention, but you’re not,” anito at umayos na ng tayo. “Well, baka nakakalimutan mo na nasa Pilipinas ka,” sagot ko sa kaniya at kinuha na rin ang bag ko. “Atsaka hindi porket pogi ka ay magkakagusto na sa’yo ang lahat ng tao. Remember, si Sir Patrick ang crush ko at hindi ikaw. Adios, Pogi!” Umalis na kaagad ako sa kompaniya dahil excited akong ibalita kay Mark na may papasukan akong trabaho. Pero bago ako umuwi, dumaan na ulit ako sa tindahan ng sapatos at ilang araw na rin simula nang hindi ko natingnan ang paboritong sapatos ng kapatid ko na pinag-iipunan ko. “Salamat, Lord! Nandito pa rin ang sapatos,” nakangiting usal ko nang makita ko ito. “Konti na lang mabibili na kita. Tamang-tama at malapit na ang graduation ni Mark.” “You should keep your profile lowkey. I’ve already taken your resume before you could pass it to the HR Department.” Nang may marinig akong pamilyar na boses, lumingon kaagad ako. Napangiti ako nang makita ko si Sir Patrick na kasama si Danerie. “Sir Patrick? Bakit n’yo po kasama si Danerie?” pagtatakang tanong ko pa. “Joy? What are you doing here?” gulat na bungad din sa akin ni Sir Patrick. Napasulyap na ako kay Danerie at laking gulat ko nang makita itong nakasuot ng corporate attire habang nakalagay sa kaniyang bulsa ang kaniyang mga kamay. Honestly, mas mukha pa siyang CEO ngayon keysa sa Sir Patrick. “Uh, may tiningnan lang po akong sapatos, Sir,” nakangiting tugon ko pero kay Danerie pa rin ako nakatitig. “Let’s go,” usal ni Danerie at tumalikod na. Nilapitan naman na ako ni Sir Patrick. “I’m really sorry but I’ve got some things to settle with that guy, Joy. See you at the office.” “S-sige, Sir…” Pinagmasdan ko lang silang dalawa na naglakad palayo habang ang daming tanong sa isip ko na hindi ko masagot. Bakit kaya sila magkasama at bakit ganoon ang outfit ni Danerie…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD