EPISODE 21: MIXED FEELINGS AND A BOX "I can't believe that I'll bump into you here." Tumayo na kaagad ako at nilapitan siya. Kahit ako naman ay hindi makapaniwala dahil halos ilang taon ko na rin siyang hindi nakikita. Malay ko bang dito pala kaming dalawa ulit magkikita. "Grabe, muntikan na kitang hindi nakilala, Drake," saad ko sabay ngiti sa kaniya at lumingon na ulit kayla Danerie at Kuya Arneng. "Pogi, Kuya Arneng, si Drake nga po pala, kaklase ko noon." "Hi! I'm Drake, I'm actually Joy's ex." "Ex?" pagtatakang tanong pa ni Danerie. Bigla namang tumaas ang kilay ko sabay lingon kay Drake. "Ikaw ang eme mo talaga, Drake, kakakita pa lang natin kung ano-ano na naman ang mga sinasabi mo." "That is actually true, right, Joy?" Bahagya akong natigilan. Totoo nga naman kasi talagan

