ONE

3779 Words
I hate you   "Hindi ko maintindihan kung bakit tayo pa inutusan ni ma'am Valencia na bumili ng lunch niya sa canteen. Its obvious na gusto lang niya tayong mautusan; and don't tell me tayo lang ang mga studyanteng na roon dahil rinig na rinig ko kung paano sumipsip si Anne sa kanya." Dabog ng kaibigan ko nang nag lalakad na kami pabalik sa faculty at kung kelan ay hawak na rin namin ang lunch na inutos sa amin ni Ma'am Valencia.   "May pinag uusapan siguro sila kaya mas pinili ni ma'am na tayo ang utusan." Alu ko naman sa pag mamaktol nito, at bago pa ito humabol sa akin marahil ay mas nauuna na akong mag lakad sa kanya sa kadahilanan na nag dabog pa ito kanina.   "Hmp, I don't think so. Matagal ng ganyan 'yang si ma'am. Ang hilig mag pahirap sa atin, wala naman tayong ginagawa." Umiling na lang ako sa sinabing ganoon ng kaibigan ko. We're senior high students and graduating. Hopefully. Handa rin naman akong maging sunud-sunuran ng mga guro para lang mapanatili na maganda ang aking marka.   Nang maka pasok na kami sa loob ng faculty ay agad naming inilapag ang lunch na inutos sa amin ni ma'am sa katabi nitong maliit na lamesa. She doesn't say anything. Not even a thank you. Tango lang ang natamo namin na lalong ikinainis naman ni Ally nang lumabas na kami sa faculty.   Walang ginawang iba si Ally kung hindi ay mag salita ng kung ano-ano sa likod ko habang nag lalakad kami pabalik sa room namin. Our room is on the third floor of our department kaya medyo nahirapan pa kaming pumanhik roon.   Nagulat ako nang madatnan naming magulo ang mga tao sa room namin. Sa kabilang dako naman noon ay napatahimik at napatingin naman kami ni Ally ng makitang ganoon ang nangyayari.   What is happening?   "Oh my gosh! Mag o-audition ako dito! Balita ko ay mag kasama ang mag kapatid na Azucenas sa loob!"   Napag alaman ko rin na ang mag-kapatid na Azucena ang mag babantay o mag papalakad ng odisyon na iyon. Siguro ay isa nanaman sa kanila ang may ideya ng ganitong pakulo, gayong meron na rin silang naipatayo rito na ga kung anong clubs, sa pamamagitan lang ng posisyon na kanilang hawak.   Ang magkapatid na iyon ay nakaupo sa dalawang mataas na posisyon rito sa paaralan. Ang nakakatandang kapatid na si Reed ay siang kasulukuyang presidente samantalang ang mas nakakabata nitong kapatid na si Ryder ang bise presidente ng kataas-taasang konseho ng mag-aaral.   Ngunit, hindi ko masyadong maintindihan ang pinag sasabi nila. Kaya kunot noo lang akong nakinig roon habang tinitignan ang mg kapwa ko kaklase na nagkakagulo roon.   "Audition? Para saan?" Tanong ni Ally sa aking gilid na agad ko namang ipinag kibit balikat.   Paano ko naman iyon malalaman kung kasama ko siya simula pa kanina pa?   Pumasok kami ng tuluyan at doon namin nakita na may naka paskil sa gilid ng puting pisara namin.   Teatro de'eleganza.    Ngayon pala lalabas ito.   Good day students!   Are you good at dancing? Singing? Or perhaps in acting? Why don't you audition yourselves in Teatro de'eleganza if you are! Those talented students of De Familia should be given a spotlight!   The audition date will be next week!  It will be in Audio Visual Room. And while waiting, you'll be in computer lab assisted by our vice president Ryder Azucena and the other senators.   See you there students!   Nakita kong may mga pirma rin ito nila Ryder, Reed at ng principal. I'm kinda thrilled. Gusto kong sumali para makita si Reed at mag pakitang gilas sa kanya.   Yumuko ng bahagya si Ally sa gawi ko at bumulong roon habang parehas naming tinitignan ang mga nag kakagulo naming mga ka-klase.   "Sasali ka ba? Ano gagawin mo? Gumiling ka na lang, balita ko nandoon naman daw si Reed." Tukso pa ng aking kaibigan, marahil sa alam nito ang aking sikretong pagtingin sa isa sa mag kapatid.   "Stop it Ally," ngisi ko sa aking kaibigan bago ito balingan at batuhin rin ng tanong. "Ikaw? Hindi ka ba sasali?" Dagdag ko sa aking sinabi bago gawaran ng tingin ang sarili kong kaibigan. Bumungis-ngis lamang ito at hinatak na ako sa aming mga upuan kung saan ay hindi naman kalapitan sa harap, ngunit hindi rin naman kalayuan upang hindi marinig ang kung sino mang mag sasalita sa harap.   Umiling lang siya at sinabing susuportahan na lang daw niya ako pag napagdesisyonan ko nang sumali.   Napatingin kami ni Ally sa sino mang kakarating lang ng silid. Agad kasing nag si-balikan at nag si-ayos ang mga ka-klase ko ng meroon nang pumasok na apat na studyante na meroong pin sa kaiwang bahagi ng kanilang dibdib. Nag si-ayos sila nang mamataan ang adviser namin na kasama sa mga pumasok rito. Bulungan at hagikhikan ang mga naririnig namin sa loob ng silid nang magsi-ayos na ang mga taong kakarating lang roon.    Tinignan ko ang taong inaabangan ko lagi tuwing nag iikot ang mga SG sa buong paaralan. Ang mga tingin nito ay mabibigat ngunit hindi pa rin maitatanggi na meroon itong malambot na tilang anghel na mukha. While on the other hand, ang nakakabata nitong kapatid ay walang ibang ginawa kung 'di ay kumaway ng maliit habang ang mga matang matalas nito ay umikot sa silid. Huminto ito nang maa-mataaan niyang naka toon ang nandidiri kong mga mata rito sa kilos na kanyng ginagawa. Hindi niya naman ito ininda bagamat lalo lang ikinangisi ng kanyang labi, dahilan kung bakit kumindat rin ito sa akin.   Umiwas ako ng tingin at mas pinag tuunan na lang ang kapatid nito, na tahimik lang na nakatayo roon habang ang dalawang kamay ay naka pwesto sa kanyang likod. Tahimik itong nakikinig sa bawat binibigkas ng adviser ng klase na ito, kaya naman ay parang lalo akong nahumaling sa aking nakikita.   "Mukhang nabalitaan niyo na ang tungkol sa teatro, base sa naabutan naming pangyayari dito." Ngiti ni Mr. Torres, ang aming adviser, na pinasadahan kaming lahat gamit ang kanyang paningin. Bumalik nanaman ang ingay na kanina lang ay narito bago dumating ang mga bisita ng seksyon na ito.   Napa-upo ako ng tuwid nang maabutan ko na nakatingin sa akin si Reed bago pa man ako gawaran nito ng munting kaway.   Bumilis ang t***k ng puso ko dahilan kung bakit ako biglang natahimik sa aking kinauupuan.   "Yie, mas maalog pa sa tae ni Joey ang puso natin, ah?" Bulong ni Ally sa akin na agad ko ring di pinansin.   Kumaway na lang ako pabalik sa taong nasa harap at ngumiti ng nahihiya rito. Pinaulanan naman ako ng aking kaibigan mahinang tukso matapos ang interaksyon kong iyon kay Reed, bago balingan muli ang gurong nag sasalita.   Habang nakatingin sa harapan ay napatalon na lang ako ng ituro ako ng mga kaklase ko habang tumatawa si sir. Si Reed naman ay nangingisi habang ang kaibigan ko naman ay napapahalakhak na lang ng malakas ng makita ang reaksyon na naigawad ko sa kanila.   Nadapo ng sobrang bilis ang aking paningin sa isa pang lalaki na nasaharapan. He's looking at me, like I'm some kind of joke.   "Si miss Ricalde nanaman ang ginawa niyong muse sa taong ito? Hindi ba siya mapapagod niyan?" Ngising tanong ni Mr. Toress sa klase. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang mga nag mamasid na tingin ng magkapatid.   "Oo nga, bakit?" Tanong ni Reed sa kanila habang naka ngiti sa akin. Mahabagin tinatanong pa ba yan? I-memo plus gold na yan. Para naman maalala mo.   "Parahakot muli kung sakali!"    Sigaw ng isa sa mga lalaking kaklase ko. Ngumisi sa aking muli ang taong aking gusto, dahilan kung bakit nanaman ako nakakaramdam ng init sa aking pisngi.   "Baka hakot lalaki kamo." Asar pa muli sa akin ng aking kaibigan na agad ko namang siniko upang manahimik na lang ito ulit.   "Bakit hindi si Dominique?" Tanong naman ng walang kwentang lalaki galing sa harapan.   Bakas sa pagmumukha ni Mr. Torres ang pag tataka kung sino ang tinutukoy nitong Dominique. Kaya agad rin namang itinuro ng aking mga kaklase ang babaeng maputi at makinis na nakaupo malapit sa harapan.   "Si miss Peralta?" Taka naman ang adviser namin sa sinabing iyon ni Ryder.   "Girlfriend mo kase kaya gusto mo maging muse." Tamad na sinabi ni Ally.   Agad ko namang nakitang ngumisi ng pagkalaki si Ryder na tilang ipinapahayag na tama ang sinabi ng aking matalik nakaibigan. Kaya naman ay ibinaling ko na lang ang tingin ko sa babaeng kaklase ko na tinutukoy ng mga ito na si Dominique. Baguhan lang kasi ito dito sa paaralan kaya naman hindi ako pamilyyar sa pangalan, o di kaya ay sa itsura nito. Kung tutuusin ay halata momng inaalagaan nitong mabuti ang kanyang balat dahil kapansin-pansin ang pamumula ng kanyang siko ang pisngi.   Tumikhim ako at nag iwas ng tingin galing roon dahil nakakaramdam ako na meroong isang paningin na naka toon sa akin at pinagmamasdan ang bawat kilos na aking ginagawa.   Nang mapagtanto na wala akong mapapala rito ay ibinalik ko na lang ang mga mata ko sa harap. Napansin kong pumapa-gitna na sa harap ang magkapatid.   Marami naman silang sinabi na hindi rin naman gaanong naintindihan ng aking utak sa kadahilanan na nakatuon lang ang aking mga paningin sa presidente ng konseho ng mag-aaral. Seryoso si Reed sa pag sasalita pero tuwing na papatingin sa akin ay ngumingiti lang siya at ibinabalik na ang sarili sa pag sasalita. Pero pag ang kapatid naman nito ang nakasalang, ay wala itong ginawa kung hindi ngitian ang bwat babaeng naroon na tilang wala ang kanyang nobya sa loob ng silid.   He might forgot that he has somebody here?   Ilang sandali pa ay natapos na sila roon at nilisan na ang aming silid. Ipinaliwanag lang naman nila sa amin ang mangyayari sa audition at kung para saan iyon kaya madali lang na natapos ang kanilang pag sasalita.   Napag alaman naming kung sino ang makapapapasa roon ay masasali sa grupo. Gaganap sila tuwing meroong program na magaganap; nahahati ang teatro sa tatlong grupo, sa pag sasayaw, pagkakanta, at pag aarte. Ang ibig lang noon ay maraming estudyante na maaarng masali sa odisyon na ito.   Hindi na nag klase si Mr. Torres sa amin marahil naubos na rin naman ng SG officers ang oras na dapat naman ay sa kanya talaga. Tinignan ko ang oras at meron na lang kaming bahagyang oras para sa susunod naming klase.   "Lets go, doon tayo sa library, gawin na natin yung assignment natin kay ma'am Quiambao." Tumayo naman si Ally at nag hakot ng kanyang mga gamit. Ganoon rin naman ang aking ginawa bago ito sundan.   Nang makarating na sa library ay agad namang napakunot ang noo ko sa bagay na aking nasaksihan.   Isang Ryder lang naman ang nakikita kong may kahatakang babae patungo sa library. Take note, hindi ito yung kaklase kong girlfriend niya daw umano na si Dominique.   Dumiretso sila sa malayong bahagi kung saan pinapalibutan na sila ng mga lumang libro. I shook my head at nag hanap na lang ng mauupuan ito sa library.   Unluckily, ang bakanteng lamesa na lang na naroon ay ang lamesa na malapit sa pwesto nila Ryder.   Dumiretso na lang ako doon at agad inilabas ang mga gamit upang masimulan na ang assignment na hindi ko pa nagagawa.   "Porsch, wag na lang tayo rito dahil baka sumabog nanaman kayo ni Ryder. Kinakabahan talaga ako pag nasa iisang lugar kayo ng lalaking yan e. Lalo na pag ganyan na kayo kalapit."   Napahawak ako sa sentido dahil sa nasabi ng sarili kong kaibigan.   Ganoon na lang. ba kami ka-grabe para mag alala ito tuwing nag sasama kaming ng lalaking iyon sa iisang lugar?   "Hayaan mo na Ally, gawin na lang natin 'tong pinapagawa ni Mrs. Quiambao." Tumango ito at dali-daling kinuha ang kanyang mga gamit upang makapag simula na rin.   Kunot noo akong nag sasagot doon ng meron akong hindi maintindihang salita kaya naman ay nag search ako sa phone para rito. Pero dahil sa hindi malamang dahilan ay walang signal rito sa library. Wala ring computers rito dahil merong naman daw'ng computer lab.   Kaya naman ay nilapitan ko ang librarian na naroon at nag tanong kung nasaan ang dictionary sa lugar na iyon.   Itinuro niya ang gawi na kung nasaan si Ryder.   Kung mamalasin ka nga naman.   Napabuntong hininga ako at tumango na lang sa librarian at dumiretso doon. Nakita ko pang sinusundan ako ng tingin ni Ally ng dumaan ako sa pwesto namin.   Nang makapunta na roon ay naabutan kong nakasandal ang babae sa bookshelf samantalang kinukulong naman siya ni Ryder sa mga bisig nito ang babaeng hindi maipinta ang ngiti. Tumatawa ang babae at pinapalo pa ang lalaking nasa harapan nito sa dibdib, habang lalaki naman ay naka ngisi at may ibinubulong rito.   Tinignan ko sila na agad namang napansin ng babaeng iyon ang presensya ko kaya napa-ayos siya ng tayo at bahagyang naitulak si Ryder. Habang lilingunin na ako ni Ryder ay may ngiti parin ito sa kanyang mga labi.   Pinagtaasan ko siya ng kilay at nag simula nang maghanap ng dictionary matapos ko itong talikuran para masimulan na ang pag hahanap.   Narinig ko pang nag bulungan ang dalawa bago ako makarinig ng yapak na palayo sa pwesto ko.   Kumunot noo ko nang makita ko na ang hinahanap ko. Kaya lang ay medyo mataas ito kaya kakailanganin ko pang tumalon para makuha ang makapal na libro sa taas. But I already tried how many times pero hindi ko parin makuha ang kanina ko pang inaabot.   Nagulat na lang ako ng may isang kamay ang kumuha noon at inabot sa akin.   Na-kita ko na ang lalaking iniiwasan ko kanina ang nag abot sa kin noon kaya naman mas pinili ko na lang ma-nahimik, abutin ang libro, at maglakad palayo rito.   "How rude, not even a thank you? Can't talk, Ms. Ricalde?" Sunod niya sa akin habang nakikita ko sa gilid ng aking mga mata na naka ngisi na ito. Tilang nang aasar gamit lang ang kanyang pananalita at ang nakakirita nitong presensya.   "Thank you." Hinarap ko siya at tinignan ng mabuti. "Now, you can go." Madiin kong utas para malaman nitong seryoso ako sa aking sinabi   Tumalikod ako muli sa kanya at nag simula na ulit mag lakad paalis sa lugar na iyon.   Nakaramdam ako nang hawak sa pala-pulsuhan ko kaya napilitan ako muling lumingon sa lalaking nasa likuran ko.   "After I told that girl to leave, you're acting like this to me?" Ngumiti siya at ipinamulsa ang mga kamay sa kanyang mamahalin yuniporme.   Niyakap ko ng mabuti ang makapal na diksyonaryo bago umirap at balingan siya ng tingin.   Did I asked him to do that? What on earth is he saying?   "I didn't even tell you to ask that girl to leave. Ano ba 'ng paki ko sa mga ginagawa mo?" Again, inirapan ko siya at umalis na roon para tapusin na ang homework ko.   Hinding hindi akong mag sasawa na umirap sa kanya para lang maipa-kita kong na iirita ako sa presensya niya. Lalo nang kinakausap niya pa ako ngayon.   Kahit kala mo naman kung sinong gwapo na kahit sino ay pwedeng mahulog sa kanya. Huminga ako nang malalim at umupo na sa tabi ni Ally. Nakita kong nag sisimula na siyang gumawa kaya pinag tuonan ko na lang ang sarili kong homework.   Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang palayo na si Ryder. May kasama nanamang ibang babae.   Natapos rin ang klase sa araw na iyon. Ito na kami ni Ally nag lalakad sa field para makalabas na sa eskwelahan. I already texted dad na uwian na namin kaya naman siguro ay nandoon na si dad upang sunduin ako. Sakto naman daw na tapos na siya sa office kaya pwedeng pwede na siya na mismo ang susundo sa akin. Sinabi na rin niya sa aking pwede kong isabay na si Ally na agaran namang ikinatanggi nito dahil nasa labas na ang sundo niya.   Tumango ako sa kanya nang makarating na kami sa gate at makitang naroon na nga ang sunod niya at ang akin ay wala pa.   Kumaway ako sa kotse na palayo at umupo sa upuan na nasa waiting-shed ng hindi na matanaw ang sasakyan nila Ally.   Bumuntong hininga ako at dinungaw ang phone para tignan kung may text si dad roon kung malapit na siya pero wala akong makita ni isa roon. Ibinalik ko na lang sa bag ang phone ko at pinasadahan ng kamay ko ang buhok kong nagiging magulo na dahil sa pagod na nakuha ko sa araw na ito.   Maya maya pa ay may narinig akong nag lalakad palapit sa pwesto ko.   "Mag isa ka lang?" Tinignan ko ang paligid para ipakita sa kanyang wala akong kasama. Nang ibinaling ko ang mukha ko sa kanya habang naka taas ang kilay ko ay biglang napalitan ang itsura ko ng gulat na ekspresyon.   "Okay I get it, mag isa ka nga lang." Nginisihan ako ni Reed at tumabi sa akin. Tinignan ko ang likod niya kung may kasama ba siyang kurimaw pero nang mapansing wala ay naka hinga ako ng maluwag. Buti na lang at baka bigla na lang akong sumabog sa harapan ni Reed. Ayoko ng ganoon, nakakahiya.   "Aalis saglit ang kapatid ko." Tinuro niya ang likuran ko kaya naman ay tumingin rin ako roon.   Nakita kong naka tingin sa amin si Ryder ng madilim ang mga mata bago tumalikod at mag lakad na kasama ang kaklase kong babae kanina. He even carrying her bag habang ang kamay ng babae ay naka kapit sa braso niya.   Malandi talaga kahit inosente ay hindi pinapalampas. Pero sa tingin ko, ay hindi na magiging inosente iyon ngayon gayong si Ryder ang napili nitong maging nobyo.   "The girl said she wants them to walk pag ihahatid na siya ni Ryder pauwi dahil malapit lang naman daw ang bahay nila roon." Tumango ako at umayos ng upo bago siya harapin at ngitian.   "Ikaw? Bakit hindi ka pa umuuwi?" Ani ko habang nakatitig ang kausap sa akin.   Tumawa siya at pinindot ang ilong ko. May nasabi ba akong mali?   "Ikaw talaga, aantayin ko pa ang kapatid ko, alam mo naman. Hindi siya pinag dadala ni dad ng sasakyan kaya ako lang ang pinagmamaneho sa aming dalawa, alam mo naman, mas matanda kasi ako. Pero pag ganitong ihahatid niya ang babae niya para sa linggong ito ay minsan ko namang pinapagamit sa kanya ang sasakyan ng palihim."   Even Reed is older than us, ay mag kakabatch lang kami dahil sa ilang beses na paghinto nito sa pag aaral. Pinili kasi nito dati ang pag ta-travel at pag sali sa kung saan-saan na involve sa pag sulat. Matalino siya, sadyang na abutan na namin dahil sa kahiligan niya sa pag gawa ng nobela at pagiging photographer. Gumagawa rin siya ng tula na isa sa dahilan rin kung bakit gusto niya mag travel pag nag susulat. Ngayon ay hihinto muna daw siya pansamantala para makapag-aral.   "Susunduin ka ba ni tito?" Silip niya sa relo niya kaya naman ay pati ako ay napatingin sa aking relo.   Mag aala-singko na pala hindi ko napansin. Kaya naman ay dinungaw ko ulit ang phone ko'ng nasa bag para makitang may mensahe doon si dad. Agad ko namang binuksan iyon at binasa.   From Dad:   Sorry darling, dad's still have some errands to do. May mga pahabol pa pala kaya hindi kita masusundo ngayon. Sumabay ka na lang muna kay Ally, hindi available ang ibang driver natin dahil kung hindi gamit ng mommy mo ay naka leave naman. I'm really sorry sweetie.   Napabuntong hininga naman ako sa nabasang mensahe ni dad.   Nakauwi na si, Ally dad e!   Walang gana kong ibinalik ang phone ko ng hindi nag rereply dahil alam ko namang hindi na mababasa iyon ni dad dahil busy na siya panigurado. Paano na ako uuwi ngayon? Mag co-commute? But, walang tricycle na dumadaan ngayon. Maybe I'll text Ally na lang?   Napahilamos ako ng mukha dahil sa inis at kalungkutan dahil hindi ko alam kung paano ang umuwi.    Mag lakad?   Oh for goodness sake Celestine malayo pa ang bahay niyo rito pag nilakad lang iyon!   "Wala bang susundo sa iyo?" Napansin niya sigurong namromroblema ako kaya ganoon na lang ang naging tanong niya.   Umiling ako at tumingin sa malayo.   Hindi ko man lang gaanong ma-appreciate si Reed ngayon dito sa tabi ko, dahil lang sa problemang iyon.   "Ihahatid na kita." Aakmang ta-tayo na siya, nang hawakan ko siya sa braso. Naka yuko na ito ngayon habang tinitignan ang kamay kong naka kapit sa manggas ng kanyang damit.   "Nakakahiya. 'Wag na, mag hahanap na lang ako ng tricycle dito." Tumayo ako at tumingin sa kaliwa't kanan. Umaasang may mapadaan kahit isa.   "Walang dumadaan ni isa Celestine. Besides I won't let you go home by yourself especially kung mag co-commute ka lang."   Aangal na sana ako pero hinigit na niya ako papasok ng gate. Napahinto naman kami nang marinig naming may sumigaw sa likurang bahagi namin.   "Hey!" Nilingon namin iyon at nakitang isang hingal na hingal na Ryder ang papalapit sa amin.   Nang makalapit siya ay pinag taasan niya kaming dalawa ni Reed ng kilay. Napadpad naman ang paningin niya sa kamay ng kapatid niya na nasa palapulsuhan ko.   "Anong ginagawa niyo at nag hahatakan kayo papasok ng school?" Nakataas parin ang kilay nito at nag palipat lipat ng tingin sa aming dalawa ng kanyang kapatid.   Tinaasan ko siya ng kilay. Anong problema nito at mukhang may dalaw? Kanina lang kung makapaglandi siya sa harapan ko kala mong si Adonis sa sobang gwapo.   "We'll bring her home Ryde, tumigil ka na at aawayin mo na-naman si Celestine." Hinatak ako ni Reed hanggang sa mapunta kami sa tapat ng sasakyan nila.   "Bakit naman kase natin isasabay ang linggit na 'to ha, kuya?" Tinignan ko siya at may idinugtong pa siya sa kanyang sinabi. "Don't you have a driver or something?" Naka kunot ang noo niya habang nka tuon ang pansin nito sa akin. Pinapapasok naman na ako ni Reed sa front seat habang ang kapatid naman nito ay patuloy lang sa pag tingin sa amin ng masama.    Nga-nga pa si Ryder nang makitang ganoon ang ginawa ng kapatid niya.   "Hey! Dyan ako!" Angil nito.   Umirap ako at dinilaan siya mula sa loob ng sasakyan.   Mas lalo siyang nainis sa ginawa ko kung kaya't pinalo niya ang bubong ng sasakyan nila na ikinagulat ko naman.   Ang mahal kaya nito!   "Ryder would you stop it? Calm your nerves at doon ka na sa likod umupo."  Utos naman ng nakakatandang kapatid nito.   Umupo siya sa likod na may masamang tingin parin. Hindi nga lang naka direkta io sa akin.   "I hate you." Bulong ko habang masama ang tingin sa rear view mirror.   "Same goes to me. I f*****g hate you too." Irap niya at tumingin sa bintana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD