Tissue
Hingal na hingal ako matapos mag practice sumayaw at pinagmasdan ang aking sarili sa salamin na basang basa na ng pawis. Huminga ako ng malalim, sinusubukang habulin ang hinginga marahil sa bilis ng pag kilos ng katawan ko sa kanta.
I have decided na sasayaw at kakanta ako para sa araw ng audition. Para mas malaki ang tyansa ko na masali rin roon at para na rin mas matagal ko makikita si Reed sa araw na iyon.
"Nice moves, alam mo na ba ang kakantahin mo?" upo ni Ally sa sofa na nasa likuran ko habang ako naman ay umiinom ng tubig dahil sa nararamdamang uhaw bagamat pagod.
Nagdaan na ang mga araw kaya naman sa wakas ay weekends na. I took this opportunity to prepare myself for the up coming audition.
Nag kibit balikat ako bilang sagot sa tanong ng kaibigan. Showing her that I'm not yet sure what to sing. Ang dami kasing mga kanta ang pumapasok sa isip ko. I'm thinking of a love song. Pero gusto ko rin ng pagka-emo kahit hindi naman ako makakarelate doon. Tingin ko lang ay bagay ang boses ko sa ganoong genre ng kanta.
Huminga ako ng malalim pagkatapos kong ilapag ang baso ng tubig sa lamesang malapit lang sa akin. Nag stretching ako at nag punas ng pawis. I guess mag lalaro muna ako ng tugtugin. Baka sakaling makatulong sa pag pili.
Kinanta ko ang kantang 'crush' ni David Archuleta dahil iyon ang unang pumasok na tugtugin sa aking isipan. Lalo na dahil tingin ko ay mas nakaka-relate ako sa kantang iyon dahil kay Reed. Hinayaan ko lang tumugtog at kumanta ang aking sarili, tila bang nag kukusa lang iyon na mag hayag ng nararamdaman. Dahil siguro ang kanta naman na iyon ay tungkol sa pag hanga ng isang tao.
Habang kumakanta ay napansin ko ang pag tingin at pag ngisi sa akin ni Ally na may halong pang aasar. Syempre ang unang pumasok sa isip niyan ay para kay Reed itong kantang ito na, which is half the truth.
Walang ano ano'y inihinto ko ang pagkanta at pag tugtog. Nginitian ko naman si Ally sa salamin nang makita kong naka kunot na ang kanyang noo. Maybe wondering why I stop in the middle of a good song.
Inilagay ko sa lalagyan ang gitara at ibinalik lang ito sa gilid.
Nagugutom at nauuhaw ako kaya mas pinili kong ihinto na lamang iyon at mag hanap ng makakain sa baba. Nasa studio room kami kung saan may mga salamin na nag lalakihan sa harap. Kadalasan ay dito ko ginagawa ang lahat, mapakanta man o sayaw. Ako ang dahilan kung bakit nag karoon roon ng ganoong silid sa bahay.
"Bakit ka huminto? Ang ganda na ng pasabog mo 'te eh! Yung tipong mapapaamin mo na si Reed dahil dyan sa kanta mo! I can hear the wedding bells already! Yan na lang kantahin mo para todo na 'to!" Kamot naman ni Ally sa sariling ulo habang naka kunot ang noo parin sa akin pero agad rin naman ngumisi at pinag taasan ako ng kilay.
Baliw talaga 'to.
Umiling ako at bahagyang tumawa sa reaksyon niya. Every time! She's always over reacting, to the point na nagiging si madam Auring na siya.
"Nagugutom lang ako kaya ko inihinto ang pag kanta. Ikaw kaya ang kumanta pagkatapos sumayaw?" Inirapan ko siya habang siya naman ay naka ngiwi na ng ilapat niya ang paningin sa ibang bagay. "And! I don't have any plans na iyon ang kakantahin ko no! That's a big no for me!" dagdag ko pa bago humarap sa kanya at ibinato ang isang pamunas ng pawis. Umakto pa itong inamoy ang telang ibinato ko na ani mo'y nababahuan roon.
"Hoy! Mabango yan no! Pawis ko kaya ginagawang pabango ng Victoria Secret!" Ngisi ko rito na ikinatawa niya lang rin naman.
"Ah pawis, akala ko kasi ibang bagay. Di ka pa nga nadi-dili-" doon pa lang ay pinutol ko na ito.
"Mag tigil ka na nga sa mga kalokohan mo, Ally! Ang sabi ko pawis! Hindi ibang bagay, jusko ka!" Suntok ko pa sa kanyang braso nito bago muling ma tawanan.
Ngunit maalala ko lang, ano nga ba ang maaari kong kantahin? Ayoko na rin naman ihango sa nararamdaman ko para kay Reed.
Walang nakakaalam sa maliit kong sikreto bukod sa mga magulang ko at kay Ally. Sila lang kasi ang pinag kakatiwalaan ko sa mga ganoong klase.
Ewan ko ba. Crush lang iyon pero todo ang pag tatago ko.
Napahalakhak ako sa naisip. Pero agad ring nawala ang ngisi ng mapalitan ang laman ng isip.
I don't really have this confidence kase na kayang i-amin kay Reed ang lahat. Kaya kong sumayaw at kumanta sa harapan ng maraming tao, pero wag lang sa harapan ng taong gusto ko. Iba kasi siya, he's intimidating. Nakakasiguro akong hindi lang ako nakakaramdam at nakakakita noon. Isang titig niya pa lang ay nalulusaw na ang puso ko. Ganon kalakas ang karisma niya sakin.
Nag pupunas ako ng mukha at leeg ng bumaba ako sa hagdanan namin. Patuloy parin sa pag sunod si Ally sa likod ko at pang aasar sa akin na sinakyan ko na lang para hindi ako masabihan ng babaeng ito ng kill joy.
Nahinto lang ang bibig ng kaibigan ko nang sinalubog kami ni mommy sa baba.
"Darling! You're done practicing already? My pies isn't done yet!" Ngumuso si mom ng lingunin niya ang pie na nasa oven bago ibalik muli sa amin ang paningin. She's sad kase ang aga kong natapos? Umiling ako dahil sa inasta ng aking ina.
Lumapit ako sa kanya at nakipag beso. Ganoon rin naman ang ginawa ng aking kaibigan. Pagkatapos bumeso ng aking kaibigan, ay agad naman nitong sinabi sa akin kung gaano kabango ang nanay ko kay pawisin rin it ngayon. Marahil ay nag be-bake ito ng pies.
Inasar pa ako ng aking kaibigan na naiintindihan niya na raw kung pano ko nasabing sa akin nang gagling ang pabango ng VS.
Tinignan ko ang aking ina kung paano ito mag salita sa harapan ng aking kaibigan. My mom is a polite person. She really wants to be closed with anyone I interact with.
"Come sit here mga hija, pag lalapagan ko na kayo ng pies after nitong matapos." Ngumiti sa amin si mom pagkatapos niyang ilahad sa amin ang mga upuang naroon.
"Mukhang makakatikim nanaman ako ng pies mo tita ah? Anong klaseng pies naman iyan?" Ani ni Ally habang pinag ki-kiskis ang dalawang palad. Sinusundan niya rin ng tingin si mom na walang ginawa kung di mag lakad at kumuha ng mga kagamitan para sa pie na matatapos na roon.
"A blueberry pie hija, my daughter loves any kind of food pag blueberry ito," ngiti niya kay Ally nang buksan na niya ang oven kuung saan nakalagay ang kanina niya pa inaantay na maluto.
Umupo na kami ni Ally sa lamesa na nasa kusina at nag daldalan ulit para hindi mainip sa pag aantay sa pagkaing ihahain sa amin ng aking ina. Rinig namin ang pag bukas at sara ng oven kaya ganoon na lang ang pagiging atat namin sa pagkaing inaantay.
Dito pa lang ay naaamoy ko na ang bango ng galing sa bagong labas na pie mula sa oven. My mom is good at cooking, lalo na sa pag be-bake. Kinahiligan na ni mom ang gawain sa kusina, kaya naman isa raw ito sa nagustuhan ni dad sa kanya. Ang kagalingan sa pag luluto.
Well I hope that I inherited that but I'm not that good of a cook. I know few things in the kitchen but that is not enough to match my mom's skills I do help them sometimes but I think that its not enough for me to improve at cooking.
"Tada! My blueberry pie! Enjoy mga, hija." Inilahad na samin ni mom ang pie at kumuha na siya ng slice roon at bumukod sa amin. Mas pinili pa nitong kumain sa isle kung saan ito nag bake, kesa sa lamesa kung saan kami naka pwesto.
"I'll just give this to your dad, Celestine. He's in his office, doing some errands." Ngumiti samin si mom at hinalikan ako sa sentido.
"Enjoy the pie! Hope it can make you smile." Pasada ni mommy sa amin ng tingin bago tumalikod at mag lakad paakyat.
"Naamoy ko pa lang tita napapangiti na ako!" Sigaw ni Ally nang umaakyat na si mom sa hagdan.
Tawa at ngiti na lang ang naiganti ng aking ina sa sinabing iyon ng kaibigan ko. Paliko na kasi si mom sa kung nasaan ang office ni dad kaya hindi na ito naka sagot pa.
"So, napagisipan mo na ba ang kakantahin mo?" Tanong ulit sa akin ni Ally nang makapag lagay na siya ng pie sa kanyang plato. She even licked the excess blueberries on her fingers, after putting her slice onto her plate.
"What? Kakatanong mo lang sakin niyan kanina at sinabi ko na sayong wala pa akong napipili. Hindi ganon kadaling mamili Ally." Sagot ko sa kanya habang sinasalinan ng juice ng katulong namin ang basong hawak ko.
Saan ba pinag lihi ang babaeng ito?
"Do you want me to choose for you?" Subo niya ng pagkanda lakilaki sa pie na nasa harapan.
"No, dahil for sure you'll choose a song that will make me embarrassed at the end." Sinimulan ko na rin kainin ang pie na nasaharapan ko nang isinenyas ko sa katulong namin na maari na itong umalis.
"Make you embarrassed? In what way?" Sabi ng isang malalim na boses sa gawing kaliwa namin kung nasaan ang sala.
Parehas naman kaming napalingon ni Ally kung saan nang galing iyon. Nakita namin na naka tayo si Reed roon na may hawak na paper bag sa kanang kamay. He's just wearing a simple tees and a pants.
Nginitian niya kami at kinawayan bago mag tanong kung pwede ba ito lumapit. Tumango naman ako habang nananatiling tahimik dahil sa gulat sa kanyang presensya.
Agad namang nag wala ang puso ko nang mamataan siyang papalapit na mula sa sala.
"Reed!" Sigaw ni Ally ng tumayo siya at pinaglakihan ako ng mata ng hindi manlang ako gumawa ng kahit anong kilos para salubungin ang bagong dating.
Ano ginagawa nito dito? But don't get me wrong! I like him being here!
"Halika at umupo ka rito." Inilahad ni Ally kay Reed ang bakanteng upuan na nasa tabi ko. Nakita ko naman ang reaksyon ng bisita ng ilahad ang upuang bakante. Mukhang nahihiya.
"Wag na, may ibibigay lang ako kay tita Celestia. My mom just went back home from Milan, at meron siyang pasalubong para kay Celestine at kay tita." Tinignan niya ako at nginisihan. Doon ko lang rin napansin kung gaano kalaki ang paper bag na dala nito.
Yumuko ako at itinuon ang paningin sa pie na hindi ko pa gaanong nagagalaw. Buti naman hindi niya kasama ang kapatid niya sa pag bigay niyan rito, 'no?
"Wala ba akong pasalubong? Ano ba yan katampo si tita ha!" Ngumuso ang kaibigan ko at humalukipkip sa kanyang upuan. Umakto pa ito na parang bata para mas epektibo ang pag tatampo nito.
Kala mo namang bagay sa kanya ang mag pa-cute at mag kunwariang nag tatampo. Tinignan ko ang aking kaibigan para asarin gamit ang aking paningin, kung gaano ito mukhang timang sa sariling inaasal.
"Meron ka rin, nasa bahay. Hindi ko naman kasing aakalain na nandito ka." Inilapag na ni Reed ang malaking paper bag sa counter na malapit lang sa lamesang gamit namin, bago mapag desisyunang umupo na rin.
Si mom kasi at si tita madeline ay mag kaibigan. Best friends. Kaya ganito na lang rin kami mag ka-close. Pero si tita Amanda lang itong malapit lang kay mommy. Or that is just what I thought.
"Talaga?! Naku nakakahiya naman kay tita nag abala pa siya." Tumawa si Reed sa inasal ng kaibigan ko samantalang ako naman ay napairap na lang at ngumisi.
"Pano ba yan? Aalis na ako at may nag hihintay pa sakin." Itinuro niya ang gawing pintuan namin kung saan siya lalabas.
May nag hihintay sa kanya? Sino naman kaya iyon? Agad naman akong nairita sa naisip kaya napainom na lang ako.
Maybe a girl?
Oh come on Porsch! You know he's not like his brother!
Or he really has some girl in his car! Probably serious about her! No!
Malungkot akong napasubo sa aking kinakain dahil sa mga bagay na naiisip.
That cannot happen right? I should have known first na meroon itong nagugustuhan before really dating someone!
Yeah right, Porsch. That could happen. Close kayo sa punto na alam niyo ang sikreto ng isa't isa, when the reality is he don't give a s**t about your feelings.
"Oh Reed hijo! Nandito ka pala." Napakurap ako ng marinig ang boses na iyon. I spaced out pala.
Bumaba si mommy sa hagdan at sinalubong ang lalaki na paalis na sana. Bumeso si mommy sa kanya at nag mano naman pabalik ang lalaki rito.
"Nag hatid lang po ng pasalubong, nakauwi na po kasi si mom galing Milan." Itinuro ni Reed ang inilapag niyang paper bag sa counter.
"Ganoon ba? Naku si Madeline talaga! Kumain ka muna ng pie na gawa ko bago ka umalis, mukhang paalis ka na kase e." Aya pa nito sa lamesa kung saan naroon kami.
Naabutan kasi ni mom si Reed kanina na malapit na sa pinto. Kaya nag conclude agad siya na aalis na ito.
Wala nang nagawa si Reed nang hatakin siya ni mom at pinaupo sa tabi ko. Ginawaran naman ako ng dalawang babae ng isang mapagmasid na tingin at nakakalokong ngisi.
Dammit! Stop giving me those smiles! Makakahalata yung tao!
Nakita ko kung paano mag pakita ng magandang ngisi si Reed dahilan para lumitaw ang dalawa niyang dimples na malalim. Naaliw kase siya sa mga ikinukwento ni mom at ni Ally na hindi ko naman mapagtuonan ng pansin dahil nasa kanya ang buo kong atensyon.
Nakaramdam ako ng matinding kabog sa aking dibdib dahil sa nakikita ko ngayon. At dahil na rin siguro sa nararamdaman. Sa bawat tawa kase na ginagawa ni Reed ay hindi niya sinasadyang tumama ang kanyang hita sa akin.
"Really Celestine? Sa dami mong talent hindi ka pa makapili kung ano ang iprepresent mo?" Baling niya sakin kaya naman naka harap na sakin ang maganda niyang ngiti.
Agad naman akong nagising sa reyalidad kaya naman napakurap pa ako ng ilang beses. Lalong bumilis ang kabog ng aking dibdib dahil sa atensyon na iginagawad sa akin ng lalaking gusto ko.
"Well hindi naman sa ganoon sadyang-" Pinutol ako ni Ally.
"Naku kanina! Kung maririnig mo lang siya kumanta kanina todo bigay! At tsaka yung mga dance moves niya? Maiinlove ka talaga! Kaya nga dapat kayo na lang e!" Palakpak pa nito ng isang beses sa ere.
Dugong ka ba, Ally?
Muntikan na akong mabulunan sa sinabi niyang iyon. Dios mio walang patawad yung bibig nitong babaeng 'to.
Agad ko naman siyang binigyan ng isang nakakainis na tingin. Dammit! Bakit kailangan niya pa sabihin yon?! Kahit talaga ang ugali ng babaeng ito! Maba-baliw ang baliw sa kanya!
"Anong kami? Ikaw talaga, Ally. You silly. Celestine is just like a little sister to me." Umiling iling si Reed habang naka ngiti ng mag lagay na siya ng pie sa plato na kakaabot lang ng katulong namin sa kanya.
Nasaktan ako ng bahagya sa kanyang sinabi. Well, crush ko lang naman siya kaya hindi gaanong big deal sa akin kung ano tingin niya sakin.
Shet talagang kailangang ipaalala na nakakabatang kapatid lang ang tingin niya sakin? Shet naman talaga, tatlong taon lang naman ang tanda mo sakin no! Baka pwede na iyon...
"Ano ka ba Reed ang feeler mo! I mean, dapat kayo na lang mag host ng audition kase sayang naman ang slot na makukuha ni Celestine panigurado! Alam naman natin kung gaano ka-famous yan sa school hindi ba? Mas tirik pa sa araw ang kasikatan niyan sa school! Last year, kasali sa dance group! Sa singing group! Lalo na't suki pa sa mga pageant sa school! Pati nga miss nutrition ay sinalihan na rin niyan! Walang patawad! Kaya nga hindi na ako nag taka kung bakit naging muse namin ulit iyang babaeng yan eh." Turo sakin ni Ally pag katapos niya sabihin yung katutak na mga salitang iyon.
Uminom pa ito ng tubig dahil sa haba ng balang ibinato sa amin.
Diba? Kalokohan mo, linis mo.
"Oh, I thought its other way around." He chuckled then sip to his juice on his side.
Nakahinga ako ng maluwag nang makagawa ng lusot ang kaibigan ko sa problemang siya lang rin naman ang gumawa.
Nakita kong uminom muna si mom ng juice bago tumikhim at umayos ng upo.
"Well, Ally hija, to continue what you said; I want Celestine to experience what I experienced nung highschool ako. I joined a lot of groups too. Singing and dancing rin iyon. Suki rin ako sa mga pageants noon kaya ganito na lang rin siguro ang suporta ko sa anak ko." Nag punas si mom ng table napkin sa bibig after niyang sabihin iyon.
She really is though. Naalala ko kung paano mag kwento sa akin si dad noon tungkol sa paano siya nahirapan lumapit at manligaw kay mom dati. Nahirapan raw ito marahil maraming umaaligid kay mom noon dahil popular ito sa school nila dati. Maraming mang liligaw at marami ring mga kaibigan.
"Wow tita, like mother like daughter talaga! Sabagay my mom supports me at everything too." Nag kibit balikat lang siya at nag patuloy sa pag kain.
Ilang minutong kwentuhan pa ay bigla na lang bumukas ang pintuan namin.
"Oh come on brother kaya ka pala natatagalan ay pinakain ka pa ni tita dito. At talagang hindi mo ako inimbita ha."
Isang naka ngising Ryder ang nasa likod ko na.
Handa na akong mairita sa mga susunod na oras na natitira ko ngayong araw.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis ng malaman na si Ryder lang pala ang nag aantay kay Reed sa ibaba at hindi isang babae na natitipuhan nito.
Nakipag kamustahan siya kay mom at Ally. Beso at mano ang ginawa niya nang makalapit na sa akin ay nginisihan niya ako.
"Na gwapuhan sakin? Alam ko naman na yon, hindi mo na kailangan tumitig pa." Baling niya sakin at tumawa ng nakakaloko sa harapan ko.
"Asa, mukha ka ngang kulangot sakin, ang dugyot ng presensya mo." Irap ko sa kawalan.
Kapal ng libag nito.
"Kaya pala may blueberry ka pa sa labi?" Ngisi niya ulit sakin bago ihagis ang isang kahong tissue papunta sakin dahilan para matapon ang blueberry pie ko sa damit ko. Nadungisan na ang plain na damit na suot ko habang dinig ko naman ang pag kalansing ng platito at tinidor sa sahig.
Saan ba nang galing iyong kahon ng tissue?! Hindi ko naman siyang nakitang dumampot!
Agad naman akong nag init sa ginawa niyang iyon. Kaya naman padabog kong binalik sa kanya ang kahon ng tissue na hinagis sa akin.
Nainis ako dahil sa nasayang na pagkain na ngayon ay nasa lapag na dahil sa kalokohan na ginawa ni Ryder. Kahit anong gawin ko ay hindi na maibabalik ang gana ko sa pag kain.
"Oops my bad." Sabi ni Ryder sa tonong nakakaasar habang marahang umuupo sa pagitan namin ni Reed.
Talagang dyan mo pa napiling umupo ha? Ano? Para masaktan kita ng pisikal? Ayos lang naman sa akin iyon. Lalo na at nag iinit na ang ulo ko sa galit.
"Ryder wala tayo sa bahay para umasta ka ng ganyan." Bulong ni Reed sa kanya pero rinig parin namin. Or ako lang?
"Hija, kumuha ka na lang ng panibago." Tulak naman ni mom sa pie sa akin.
Nag tawag na rin siya ng katulong para maligpit ang nabasag na platito sa lapag.
Baka raw kase may masugatan pa sa bubog at lalo na't baka mag away nanaman kami ni Ryder.
Napangisi na lang ako sa ka-kapalan ng mukha niya. Hindi man lang nahiya na nandito siya sa pamamahay namin! Hindi nahiya sa presensya ng nanay ko!
Pano na yan? Ayoko sa lahat yung may nasasayang. Nanghihinayang ako. Pwede pa naman ako kumuha ng panibago para mas marami pa akong makain. Pero nakakawala ng gana kumain gayong siya ang nasa tabi ko.
Wag niyo akong sabihan na ang babaw ko. Sadyang lahat na lang gawin ng lalaking ito ay nakakainis naman talaga! Sino ang hindi mag iinit ang ulo pag nasayang ang pagkain niya? Lalo na at paborito ko pa ito!
"Bakit ba kase kailangan mo pa akong hagisan ng tissue?" Mahinahon kong sabi habang may bawat diin rin iyon dahil sa inis. "At isang kahon pa talaga ha?" Agad naman akong tumayo at nag lakad pabalik ng kwarto.
Narinig ko pa ang pag tawag sa akin ni mom at ni Ally para pakalmahin ako. Rinig ko rin ang pag sermon ni Reed kay Ryder. Humalakhak lang siya bago sabihin ang mga salitang...
"She's cute when she's angry. I have to do it." Halakhak niya pa dahilan para masuntok siya sa braso ng mahina ng sarili niyang kapatid.
Nakakairita talaga kahit kelan ang lalaking iyon. Ipakain ko pa sa kanya ang isang kahon ng tissue na iyon e!
Fucker!