FIFTEEN

3513 Words
Feel Inis na inis akong naglalakad papuntang parking lot kasama si Ally. Sasabay na raw siya sa amin ni Ryder. Nakakapagtaka nga at wala si Reed ngayon at absent. Baka tumutulong sa mga magulang niya. Kanina pa ako kating kati na mag-uwian para lang mapuntahan ko si Ryder agad at makompronta siya tungkol doon sa sinabi ni Edward kanina. Bakit naman niya bu-bugbugin 'yon? Nahihibang na ba siya? Kaya ba napansin kong may band aid siya nung araw na iyon? Pero ang pagkakakilala ko kay Ryder ay hindi siya gano'n. Magaling siya makipagsapakan pero hindi niya 'yon basta-basta ginagamit kung walang malalim na dahilan. Gago siya with a heart kahit papaano. Nang makarating na roon ay nakita ko nang nakasandal siya sa hood ng sasakyan niya habang nag-aantay. May paper bag pa nga sa tabi niya. Ano 'to? Bakit may pa-snacks pa siya? Baka kase nakaramdam na siya Celestine kaya may pangpalubag loob na agad siya. Umirap ako sa naisip at tinitigan lang siya habang nakahalukipkip sa harapan niya. I know I look like a spoiled kid here, but I don't care. Agad namang nakaramdam ng tensyon si Ally kaya napaubo na lang siya. "Sasabay si Ally," sabi ko bago pumasok sa sasakyan at umupo sa shotgun seat. Napakamot sa ulo si Ryder bago pumasok para naman maka-upo na rin sa driver's seat. Gano'n rin naman ang ginawa ni Ally sa bandang likod ng sasakyan. Hindi ko alam kung nakakaramdam na rin ba si Ryder na inis ako sa kanya o ano. Tilang nagpapakiramdaman pa kaming dalawa sa mga oras na 'to. "I'm sorry, I only bought a few snacks that will fit for two people. Hindi ko alam na sasabay ka pala, Ally. But you can have my share," ngumiti siya sa salamin bago lumingon sa daanan at mas pagtuonan na iyon ng atensyon. "How's your day ma chéri?" How's my day? How can I say that the news that I freaking received, ruined my day? Hindi kaya ginawa niya 'yon para magulo ang performance ko sa hero wear? Ganoon na ba siya kababaw? Pero mukhang hindi naman. I'm just over reacting. You should look at this Celestine as a whole. You're just taking your side. Its unfair. "Ma chéri? Are you listening?" ulit pa ni Ryder bago hawakan ang kamay ko. Kumurap-kurap ako bago ko siya lingunin. Just say it's fine. Deal with your problem later pag wala na si Ally. Tumango ako at ngumiti sa kanya bago tumingin ulit sa daanan. Bumuntong hininga siya bago tumulak papuntang bahay ng kaibigan ko. Alam niya na rin ang patungo roon marahil makakilala rin ang mga magulang nito. "Thank you sa paghatid at sa pagkain!" sigaw at kaway ni Ally bago pumasok ng bahay nila. Sobrang hyper niya nung sinabi naming pupunta kami ng birthday niya. Inaya niya kasi kami kanina before siya makababa ng sasakyan. At malapit na iyon. Gaganapin lang sa bahay nila iyon ng limitado lang ang mga taong imbitado. Hindi kami agad umalis roon dahil pinatay ni Ryder ang sasakyan at lingunin ako. "I know there's a problem, what is it?" kalmado niyang tanong habang humarap sa 'kin. Ako naman ay nanatiling nakaharap lang sa kalsada na nasa harap. Pinaglaruan ko ang labi ko gamit ang mga ngipin ko habang hindi na mapakali ang kanang paa ko sa pagngatog. Hinawakan ni Ryder ang kamay ko ulit kaya naman napalingon na ako sa kanya. Tumingin muna ito sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko bago bumalik sa mga mata niya. "Porsch, tell me what is it. Hmm?" kalmado niyang pagkumbinsi sa akin para ilahad ko na sa kanya kung ano ba talaga ang kanina ko pang-iniisip. Agad namang nag wala ang puso ko sa itsura niya ngayon. Napaka amo na 'kala mo ay hindi talaga nananakit ng tao. Kahit ang bigat ng datingan niya, hindi niya pa rin magagawa iyon.   O sadyang iyon lang ang gustong isipin ng aking isipan? Hindi ko maintindindihan ang sarili ko. Kahit pa alam ko na ang ginawa nito ay hindi pa rin noon maiwasan na magpatali sa mga paningin nito. Kinurot ko ng bahagya ang mga daliri ko after ko bawiin ang kaliwa kong kamay sa kanya. Iniiwasan na baka makita nbiya kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Knakabahan. "Pumasok na kasi si Edward kanina at may sinabi sa 'kin na nakapag painis sa akin buong araw." Umayos siya ng upo, humarap siya sa kalsada habang nakasandal. Nakapatong ang kaliwang siko nito sa gawing bintana habang nakapatong naman ang kanang pulsuhan nito sa manubela ng sasakyan niya. Kitang-kita ko rin kung pa'no maglaro ang dila niya na kinakayod niya sa loob ng kanang pisngi niya. Ang dilim na rin ng paningin niya. Storm inside his gaze is starting to form. He's pissed. See? Nainis siya ng iyon palang ang sinasabi ko. So it means its true? "Ano meron?" gano'n na lang kabilis magbago ang mood niya. Kaya naman nainis na lang ako lalo dahil roon. At sumabog dito sa tabi niya. "Kasi naman!" Talon ko pa sa pwesto ko habang naka-upo pa rin, "Ryde naman! Ano pumasok sa isip mo at binugbog mo 'yon?" Lingon ko sa kanya dahil sa sobrang inis ko. Sino naman ang hindi maiinis kung ganyan iaasta niya pag may seryosong pinag-uusapan. "He deserves it." Nag titiim bagang na siya ngayon. "He f*****g deserves every punch and kick I gave him." Ngumisi pa siya bago istart ang makina at tumulak na para makauwi na rin ako. Simula noon, hindi kami gaanong nakakapag-usap ni Ryder. Tamang tanguan lang ganon. Well sometimes we talk, but its very rare. He only speaks to me when he have something to ask. Katulad na lang kung kelan darating ang nga magulang ko. As expected matatagalan pa sila ng ilang buwan sa iba't ibang bansa. Hindi ko alam kung may problema ba sa business namin o marami lang talaga silang magagandang plano para sa kompanya namin. At aamiin ko, nami-miss ko na ang presensya niyang nasa tabi ko lang lagi. Two weeks have passed at birthday na ni Ally. Feeling special naman ako dahil siya pa mismo ang sumundo sa akin dahil wala si mang Edong at nag papagaling. Nilalagnat kasi ito kahapon pa. "Naks naman sa rompers natin ah? Mukhang maghahanap ka pa ng jowa sa mga bisita ko."  Tumawa ako ng mahina habang napapailing sa sinabi niya. "Sana naman may dala kang swimsuit, because I know you'll need it," kindat niya pa sa akin bago kami tumulak paalis. Of course I'll need it. It's a pool party for goodness sake. Tinignan ko ang sariling suot. Naka-romper akong damit na ang top nito ay pa-spaghetti strap. Tinernuhan ko rin ito ng white shoes at bag na rattan. Hinawi ko ang unat kong buhok na nakalugay lang dahil tinamad akong mag-ayos. Putting a little make up on my face isn't counted. Dumiretso kami roon sa bahay nila at namangha sa dami niya rin palang inimbita kahit papaano. Ganito kalaki yung circle of friends niya? Ikaw lang naman ang hindi friendly Celestine. Bumaba na kami kaagad nang makapag-park na siya isa sa mga space na naroon sa garahe nila. Pagkapasok palang namin sa loob ng bahay nila ay ang dami nang bumati sa kanya. Mapakanan o kaliwa mero'n. Mapababae o lalaki rin. Pero, mas marami lalaki kase malakas siya doon eh. "Nandyan na pala ang may birthday! Kung sino pa nang imbita siya pa yung huli!" sigaw nung isa sa mga kaibigan ni Ally. Nasa sala ito at may hawak ng red cup. Namumula na rin ito ngayon kaya napagtanto ko na baka alak ang iniinom nila ngayon. Ngayon ko lang napansin na masyado ngang marami ang mga bisitang naroon. "Sinundo ko lang si Celestine, Jake." Iling ni Ally habang dumiretso sa kusina na sinundan ko rin. Kumuha siya ng dalawang beer sa ref at ibinigay sa akin ang isa. Agad rin namang nawala si Ally roon at kakausapin niya pa daw ang ibang mga bisita niya. Sa loob ng ilang oras ay may mga lumalapit sa akin at nakikipag-usap. Ni hindi ko na namalayan na nakikipagtawanan na ako sa kanila. Mero'n rin namang mga babae rito sa kumpol namin pero dalasan ay mga lalaki talaga. Tumabi sa akin yung Jake at nilahadan pa ako ng red cup. "You're running out of drink. Here, try this." Tinikman ko ang inalok niya na agad na nag patango sa akin. Masarap nga! "What's this?" tanong ko habang inaalog ko ang cup para medyo matunaw ang yelo na naroon. "I called it addiction, gawa-gawa ko lang." Tumango-tango pa ako dahil ang galing niya sa paghahalo. Maya-maya pa ay hindi ko namalayan na medyo humihilig na ako sa lalaking katabi ko habang nakikitawa sa babaeng nagkukwento na may actions pa. Wala namang ibang ginawa si Jake kung hindi makitawa na lang rin habang nagkukwento ang kaibigan niya. "Ally! Nandyan na sila Ryder! You promised me na pwede ko siyang masolo tonight!" Humihingal pa ito habang hawak ang isang heels niya. Kumunot ako sa sinabi niyang iyon. Ano ang ibig sabihin niya doon? "Tanga mo Winona! Ang sabi ko sayo mag paalam ka sa bestfriend ko dahil siya ang mas malapit roon at hindi ako!" umirap si Ally pagkatapos niya akong ituro. Agad namang nanlaki ang mata ko sa ginawa at sinabi ng kaibigan ko. Mukhang ako pa magiging rason sa pambababae ni Ryder ngayon. Ito naman kasing si Ally, ay tinuro-turo pa ako. Nananahimik na nga ako rito at nag-e-enjoy nang bigla niya na lang sa 'kin ipapasa ang kaibigan niya. Agad namang lumapit sa akin ang babae habang inaayos ang kulot niyang buhok na hanggang balikat lang ang haba. She's a bit messy right now but I can tell that this woman isn't cheap! "Hi! I'm Winona! I know this is sudden move for you but, pa-help naman kay Ryder! I like him since highschool and I don't have any guts that time to talk to him. Ngayon lang!" nag-pout pa siya sa harapan ko at inalog-alog ako. "You're Celestine, right? I know your family and his, are close so I know you can help me out." Ally! Ilayo mo sa 'kin itong babaeng ito! Mabait siya pero mahirap magkanulo ng babae ngayon kay Ryder! We're not even okay right now! Tinignan ko ang kaibigan kong nakikipag-usap sa lalaki habang may hawak na rin na red cup. Ngumisi lang siya sa 'kin bago niya hawakan ang lalaki at umalis roon. Porket kasama niya ang crush niya iiwan niya na lang ako ng ganito?! The hell's wrong with you Allyshia Rixelle?! "I'll try what I can do when we bump to each other," ngiti kong hilaw kay Winona kaya agad rin naman siyang umalis at nag dahilang mag-aayos pa siya. Nang makaalis si Winona ay agad naman ang paglapat ng mga mata ko kay Ryder na kakalapit lang sa pwesto namin dito sa kitchen. Tinignan niya muna ang lalaking katabi ko bago bumalik ulit sa akin. Nagtaas pa siya ng kilay na mas kinakaba ng puso ko. What's wrong with me? Dumilim ang kanyang mata na direktang nakatingin lang sa akin. Nagbatian pa si Reed at ibang kakilala niyang naroon. Wala namang ibang ginawa si Ryder kung hindi tumayo at tumitig lang sa akin. Lalo siyang gumagwapo pag nakakunot na ang kanyang noo. Halos magdugtong na ang maitim at makapal niyang kilay. Napailing ako ng kung ano-ano na ang mga naiisip ko. Bumalik lang ako sa ulirat nang biglang lumapit si Reed. "Porsch! You're here already. Pinuntahan ka pa namin ni Ryder sa bahay niyo but you're not there." Gulo niya sa buhok ko at umupo sa katabing pwesto ko. Agad naman akong napatingin sa kapatid nito na insimiran lang ako. Its evident on his face that he don't like the things he's witnessing right now. Kaya naman ay agad rin akong napaatras sa hawak ni Reed sa akin. "Yup sinundo ako ni Ally." Dama ko ang pagtitig pa ni Ryder sa akin ng bigla na lang umalis si Jake sa tabi ko. May pupuntahan daw siya. Ang galing naman dahil ngayon pa siya aalis sa tabi ko gayong may iniiwasan akong makatabi. Agad namang umupo si Ryder sa tabi ko at uminom sa isa sa mga nakalapag na red cups roon. Meroon na ring mga nakalagay na liquors doon kaya paswertehan na lang kung maayos ang makukuha mo.  Umigting ang panga niya bago niya ilagay ang kaliwang braso niya sa sandalan ng upuan ko. Tinignan kami ni Reed bago ngumisi at umiling habang nakayuko. "Kukuha lang ako ng pagkain." Naiwan kami ni Ryder roon habang tahimik at ang mga kasama namin roon ay nag-iingay pa rin. Nakita ko rin sa malayo ang kumpol ng mga babae habang tumitingin kay Ryder. Mukha namang wala siyang pakeilam dahil nakatingin lang siya sa lamesang nasa harapan namin at patuloy pa rin sa pag-alog ng inumin niya. "Uh, may gusto nga palang kumausap sa iyo," sabi ko sa kanya ng hindi man lang ako tumitingin sa kanya. Ramdam ko kase na nakatitig na siya sa akin! Parang gusto na lang makawala ng puso ko sa dibdib ko dahil sa tensyon na nararamdaman ko ngayon! Hindi ko rin naman sasabihin iyon sa kanya kung hindi lang siya tahimik ngayon! "Who is it?" "W-winona, yung kaibigan ni Ally. She asked me to do her a favor," nanatili pa rin ang tingin ko na nasa lamesa lang. "And why would I talk to her, just because she asked you for a favor?" I can almost hear his annoyance. "Because I told you so." Humarap ako sa kanya at hinawakan ang kanang pulso niya. Tinignan ko ang kanyang mga mata. Mukhang seryoso talaga siya sa hindi pag-usap sa babae. Wala ka ba sa mood mag-entertain ngayon, Ryder? Sabagay Celestine, bakit ka nga naman hihiling kay Ryder gayong hindi kayo okay? "You really know how to f*****g wrap me around your wonderful f*****g fingers." Kumunot ang noo niya at minasahe ang sentido gamit ang kanan niyang kamay. Hindi pa bumubuka ang bibig ko para sa susunod na sasabihin nang biglang sumulpot si Winona sa tabi namin. Naka-ayos na ito, hindi katulad kanina na pawisin. Hindi na siya makapag-antay na si Ryder na mismo ang lumapit at mag-aya sa kanyang makipag usap. "S-she's the girl I'm talking about." Turo ko kay Winona na nasa kaliwa ko na ngayon. Pero ang mga mata ni Ryder ay hindi manlang niya tinatanggal sa akin. "Nice meeting you." Lahad ni Winona ng kamay niya na hindi manlang nilingon ulit ni Ryder. Don't be such a jerk! Take it! I know you just trying not to! Tumango lang ito ng balingan niya ng tingin ito bago niya ibalik lang rin sa akin. It makes me even more uncomfortable when he starts making a different strokes on my back with his left hand. Mukhang hindi naman iyon napansin ni Winona dahil nakatuon lang ang atensyon nito kay Ryder kahit naibaba na niya ang kamay nito. Tumingin sa 'kin ang babae na para bang nang hihingi ng tulong. Magkaaway nga kase kayo kaya hindi ka niya gagawan rin ng favor! "Ryder," saway ko sa kanya ng hindi niya gawin ang inuutos ko sa kanya at habang naka-iwas rin ang aking paningin. "Fine," bigla na lang siyang nawala ng umalis siya sa tabi ko at pinasunod si Winona sa kanya. They'll just going to have a talk. Nothing more serious about that and that's fine. At least hindi si Reed iyon hindi ba? Pero 'di ko maintindihan ang kirot sa puso ko. Ano ba 'to? Isang oras na yata akong nakatunganga roon habang nag-aantay kay Ryder na bumalik. Pero isang sigaw ng babae ang nakapagpatingin sa akin sa daanan papuntang kusina. "Ito na pala ang pang bato ko!" sigaw ni Ally sabay hatak sa 'kin papunta sa sariling kwarto nito. "Nako Porsch kanina pa kita hinahanap!" Ni hindi nga ako umalis sa pwesto ko kanina pa'no niya nasabing kanina niya pa ako hinahanap? Tinulungan pa ako nito maghubad at mag-ayos. Hinagis rin nito sa akin ang puting two piece na swimsuit na agad ko rin namang pinagsisihan na hindi high-waist type ang binili ko. I'm going to show too much skin! Nanag makapag ayos ay madaling hinatak naman ako ng aking kaibigan sa pool side ng kanilang bahay. Nagsisigawan na ang mga tao roon dahil masyado ng malakas ang tugtog sa pandinig namin. Nakita ko na halos lahat ng bisita niya ay nagsikumpulan sa pool side ng bahay nila. Mero'n ring hose na nakabukas roon kaya parang umuulan roon. Kaya no choice kung hindi mag-swimsuit dahil mababasa ka talaga. Nung una ay nagtaka pa ako kung ano mero'n pero na wala ang pagtataka ko ng makitang naka-on ang JUST DANCE na laro sa puting tela, naka-projector kasi ito. "Galingan mo Porsch, nagpustahan kami ni Reed! Kung kaninong manok ang mananalo sa kanya mapupunta ang pera!" Alog niya sa dalawang balikat ko habang nasalikod ko. "Sayang walong libo rin iyon kaya galingan mo talaga! I don't know if I can dance well right now. I'm tipsy and will even more drunk pagnandiyan na ang mga nagbibigatang titig niya. I sighed. "Kung ganyan kagaling ang pang bato mo, then I guess I have no choice." Iling pa ni Reed habang nakatingin sa baba at hinihilot ang sentido. Nagpanggap pa itong mukhang problemado sa desisyong ginawa ni Ally. "Ryder, I choose you!" Tulak niya pa sa kapatid niya na nasa tabi niya na pala. Nagulat ako sa paglitaw ng kanyang kapatid na tilang pokémon talaga sa biglaang pagsulpot. Kinabahan ako nang magkatinginan kami ni Ryder. Ngumingisi lang ito habang namumula at ang mga mata ay mapungay. He's not even wearing any top right now! Asan na si Winona? Natawa ako nang maalala na ginawang pokémon ni Reed ang sarili niyang kapatid. Siguro ay lasing na rin ito. "Pikachu!" sigaw naman ni Ryder habang ang kaliwang kamay ay nasa bewang at ang isang kamay pa ay naka-unat at nakaturo sa 'taas. He wipes his lower lip with his tongue before smirking at me. He looks like a hungry animal right now. I shook my head and prevent myself from thinking anything. "Osige, game face on!" sigaw ko. Lahat ay nakatutok lang sa projector at inaabangan kung anong kanta ang sasayawin namin. At dahil walang napili, nag shuffle na lang sila Ally. Kung mamalasin ka nga naman, sa Sexy Love by Ne-Yo pa natapat. Understood na sexy ang dance steps nito. "This will be great! I'll record it." Tutok pa ni Ally sa amin sa phone niya. Umiling ako at kinalma ang sarili dahil parang gusto nanamang lumabas ng puso ko sa dibdib ko. Kalma, mananalo ka. 'Wag kang kabahan na baka matalo ka at sayang ang walong libo. Damn Celestine, you're rich! Nang magsimula na ang beat ng tugtog ay biglang humawak si Ryder sa bewang ko at pinulupot ang mga kamay niya sa akin kaya ramdam na ramdam ko ang init ng kamay niya sa katawan ko. Hindi ako makapag-focus dahil sa mga galaw na ginagawa niya. My head is getting blank! Umabot pa iyon sa tipong na ngangatog ang buong katawan ko habang sumasayaw. Para akong nalalasing! "You feel it, right?" Bulong niya sa kanang tenga ko habang nasa likod ko siya't hawak niya ang tyan ko at ang kanang binti ko. Habang ako naman ay mga nakahawak sa dalawang kamay niyang naka lapat sa akin habang sumasabay sa kanyang giling. "I know you do. Baby, you're shaking." Mas lalong lumalim at sumeryoso ang kanyang boses na mas ikinakaba ng puso ko. Sumunod na galaw ay ang biglaang pag-ikot nito sa akin dahilan kung bakit biglang nagtama ang aming dibdib. Lumingon ako sa ibang direksyon, takot na baka maramdaman niya ang pintig ng puso ko. Mga nagiingay na rin ang mga tao sa aming paligid. They are starting to cheer us, specialy the man I'm dancing with. Hindi ko pansin ngunit unti-unti na akong nalalasing sa kanyang mga haplos at titig.  He sway my body, even my mind. Hinaplos pa nito ang aking likod, dahilan kung bakit nagtindigan ang mga balahibo ko. "I don't need alcohol just for me to get drunk. It only takes a dance with you to make myself out of my own control." Nang matapos na ang sayaw, ay hindi na maalis ang pakiramdam sa katawan ko tuwing nahahawakan ako ni Ryder sa katawan. He even whisper things in my ear that makes my heart pound even more. Nanalo si Reed sa pustahan marahil lutang ako at nagpapatianod lang sa mga kilos ni Ryder kanina. Ni hindi ko na nga naisip si Reed na nanonood sa amin. Pati na rin ang ibang bisita ni Ally. Lumayo ako agad doon para uminom ng tubig dahil hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko. Wala na sa sarili ang puso ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, dapat ay galit ako dahil sa ginawa niya kay Edward. But then, my heart tells me otherwise. Nagtatalo ang isip at ang puso ko hanggang sa napagdesisyonan ko na, I'll dig for this. Kung ano nga ba 'to dahil baka kaya lang ganito ako dahil lang sa away namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD