FOURTEEN

3292 Words
I Thought "You may now kiss the bride," sabi ni Ally habang pinapakasal niya si Ryder kay Dominique. Tuwang tuwa si Dominique habang nag-aabang sa halik ni Ryder. Si Ryder naman ay walang ibang ginawa kung hindi tumango lang sa buong seremonyas ng kasal-kasalan nila ni Dominique. Hindi halatang desperada ka Dominique, ah? Wala rin akong ibang ginawa kung hindi mag dabog habang kinakasal sila. Hindi ko rin alam kung bakit ako inis na inis habang pinapanood silang kinakasal kahit dapat ay wala lang sa akin iyon. At tsaka, duh? Its fake naman. "Bakit hindi mo halikan sarili mo sa salamin?" walang ganang sabi ni Ryder bago siya iwan roon. "Ooooooh, na-ghost sa sariling kasal." Napangisi naman ako habang nagpupunas ng bakanteng lamesa. Tumingin muna sa paligid si Dominique gamit ang mga inis na mga mata bago ibinato sa sahig ang belo na suot niya. "Asshole," bulong niya habang may nagbabadyang luha sa kanyang mga mata bago siya umalis. Pinagpatuloy ko lang ang paglilinis rito habang nangingiti, nang biglang dumating si Ally at nagtatangal na rin ng ala mayorang damit. "Kanina pa kita pansin ha, kanina inis na inis ka tapos ngayon nangingiti ka na," ngumisi sa 'kin si Ally na halata kong mapang-asar ang binibigay na ngiti sa akin. "Bawal bang magpigil ng tawa dahil napahiya ang babaeng iyon?" Umiling si Ally habang may tinetext sa phone nito. Simula nung nangyari sa practice ng production number, hindi na maganda ang tingin ko kay Dominique. Hindi ko alam kung kulang ba siya sa kalinga at aruga kaya ganoon na lang rin siya kung maghabol kay Ryder. Si Ryder naman, akala mo namang hindi babae si Dominique kung bastusin. What can you do Celestine if she deserves the treatment? "Osige, if you say so," niligpit niya na ang damit na ginamit para roon at tumulong narin sa mga kaklase namin dahil andaming kumakain sa booth namin. Naka-tent na malaki ang booth namin, dalawang tent ang sakop noon. Yung isa ay nagsisilbing kusina namin at kainan, habang ang isa naman ay kung saan ginaganap ang kasalan at dedication booth. Puno ng baby pink at white ang booth namin. "Nasaan si Celestine?" lahat kami napalingon sa taong naghahanap sa akin. Hindi ko siya kilala pero pamilyar ang mukha niya. Isa siya ata sa kabilang section na nagpapalakad ng "DARE BOOTH" Ang booth nila Ryder. "Here," taas ko pa sa kanang kamay ko habang tinatali na ang kulot kong buhok. "You've been dared," sabay bigay niya ng pirasong papel habang nakalagay roon ang bagay na dapat kong gawin. Meroon ring nakalagay roon na multa na babayarin ko kung hindi ko man gawin iyon. "Ayan, taas kamay ka pa, ah," ngisi sa akin ni Ally. Umalis naman agad ang lalaki pagkabigay. Hindi man ako mag bayad, at gawin ang dare, mababawasan ang points ng booth namin at malilipat sa kanila. Mero'n rin kaseng mga naglilibot para mamonitor kung gagawin talaga namin ang mga na-dare sa amin. Tanginang Azucena. Damn, sino nag-dare sa akin? "First time may magbigay sayo ng dare, kasi kadalasan takot sila bigyan ka dahil malapit ka kila Ryder," tumingin siya sa papel na hawak ko bago tumawa ng malakas, "Ang galing nung nag-dare sayo!" tawa niya ulit habang nakahawak sa tyan niya. Umiling ako bago tignan ulit ang pirasong papel bago pag-isipan kung magbabayad na lang ba ako ng multa o gagawin ang dare. Sa huli, ay napagdisisyonan ko na lang na gawin na lang ang dare kaysa magbayad. Wala akong dalawang libo na dala ngayon para pangtubos sa sarili ko. Bakit ba kase ngayon ko pa naisipang mag tipid? Kaya isang libo lang ang dala ko ngayon. "Asan na ba yung lalaking yon? Kanina pa tayo naglalakad at naghahanap Porsch," kamot ni Ally sa ulo niya habang ako naman ay palinga linga, meron pa akong isang oras para gawin ang dare. Bago pa man makapagreklamo ulit si Ally ay nakita na namin si Ryder. "Ayun! Ayun oh!" turo niya kay Ryder na nasa gitna ng mga booth habang may kausap na babae. Tinamaan ka nga ng lintek, oh. Talagang nasa crowded place ka pa. At may kausap na babae. Huminga ako ng malalim kahit na kinakabahan na sa balak na gawin. "Go Celestine, kaya mo yan! Fight lang!" masahe pa ng magaling kong kaibigan sa likod ko bago ko sugurin si Ryder. Pangiti na dapat si Ryder nung nakita niya ako pero nahinto iyon dahil kinuwelyuhan ko na agad siya pagkalapit ko pa lang. Nagpanggap akong inis na inis at kunyaring naluluha pa. Nice, Porsch. Best actress talaga. Hinawakan niya ang dalawang siko ko habang may mga matang nag-aalala. "H-hey what's wrong?" he told me softly. His eyes are showing concern, the reason why the guiltness bloom inside my heart. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba ito. "W-why? Bakit mo i-iyon ginawa Ryder?!" sabog ko sa harapan niya habang may luha na ngang tumutulo na. I guess, I'm really good at acting? "Ang alin? I didn't get you," wala pa rin siyang alam kung ano ang nangyayari. Ang hirap pigilan ng tawa ko kaya huminga ako ng malalim bago ibagsak ang mga sasabihin ko. "You're confusing me," dagdag niya pa. "Manhid ka ba?! Bakit ka nagpakasal sa iba?! Alam mo ba kung ano pakiramdam na panoorin ang taong mahal mo na kinakasal?! You even marry someone in front of me! At wala ka pangpakielam sa nararamdaman ko!" humagulgol na ako sa harapan niya para mas makumbinsi siya. Oh please lupa kainin mo na ako. Lamunin mo na ako dahil ako ay nahihiya na. "Nagbibiro ka ba? Tell me this isn't a joke." "Mahal kita Ryder kahit ang sakit-sakit na!" hawak ko pa sa dibdib ko at yumuko habang humihikbi. Halatang gulat siya sa mga pinagsasabi ko lalo na sa huling linyang binitawan ko. Tumingin ako sa mga mata niya para matapos na yung dare na ito. Walangya kung sino man ang nag-dare sa 'kin babalatan ko ng buhay. Pansin ko rin na marami nang tumitingin sa 'kin. Sa amin. Nakita ko rin si Ally sa 'di kalayuan habang natatawa at kinukuhanan kami ng video. Mukhang hindi naman pansin iyon ni Ryder. Dahil bukod sa maraming tao, nakatuon lang ang atensyon niya sa 'kin. "Iiwasan na lang kita para kahit papaano ay maiwasan ko rin ang sakit pagnakikita ka." Tumalikod na ako at nagmadaling maglakad paalis. Saglit lang ang nangyari, baka kase bigla na lang akong matawa roon. Sorry Ryder, sasabihin ko rin naman na sa iyo mamaya na dare lang 'to. Rinig ko naman ang pagtawag sa akin ni Ryder kaya mas lalo ko pang binilisan ang paglakad kasama si Ally. Nang naglalakad na lang kami sa field kung saan kaunting tao na lang ang naroon ay bigla na lang may humigit sa 'kin at hinarap sa kanya. Well, I think we can talk about it now. "Hey, Porsch." Nakahawak sa mga braso ko si Ryder nang lingunin ko na siya. Agad ko namang tinignan si Ally para humingi ng tulong. Pero ang gaga ay ngumiti lang at nagpaalam na mauuna na siya. Walangya! Kumurap ako ng ilang beses habang siya naman ay nakatingin sa akin ng madilim. His gaze are like daggers piercing through my soul. "Are you sure about what you've said earlier?" malalim ang pagkakasabi niya nito at tinernohan pa ng madilim at malalim na titig. Dapat nga wala kang pake, Celestine. Dahil dati pa man ay nag-aaway na kayo at naglolokohan. Nakakaguilty naman kase talaga yung ginawa ko lalo na at nagiging matinong magkaibigan na kami ngayon. "About that Ryder," tinanggal ko pa ang pagkakahawak niya pa sa mga kamay niya na nakakapit sa mga braso ko. Lalong kumunot ang noo niya sa ginawa ko, "I'm dared to do that." Umigting ang panga niya sa inis at mas lalo pang dumilim ang paningin niya. Parang may bagyong nangyayari sa loob ng mga matang iyon dahil mukha talaga siyang nainis, or worst nagalit na talaga siya. Hindi ko naman sinasadya na wala akong dalawang libo. "That's impossible kami ni kuya ang may hawak ng 'DARE BOOTH' kaya malabong may mag-dare sa 'yo dahil malalagot sila sa 'kin." Hilot nito sa kanyang sentido. "At tsaka, hinigpitan ko booth namin. Matindi kong pinag babawal na kumuha ng dare request pag hindi mo naman kakilala," dagdag niya pa. "What can we do? It already happened. May nakapuslit na sa inyo," pagmamataray ko pa habang nakapamewang. Duh? As if naman na gagawa ako ng eskandalo na gano'n 'di ba? Nagawa mo na nga... "So you fooled me," ngumiti siya habang hinihilot niya ang sentido niya. Tumitingin rin siya sa iba't ibang direksyon na parang hindi siya mapakali. "Nice one Porsch you really pulled that out so well." Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya dahil gusto kong humingi ng tawad. Damn, sino ba kase ang gustong mangloko? At sino rin ang gustong maloko? Magsasalita na sana ako ng mag-vibrate ang phone ko sa bulsa ko kaya naman sinabihan ko siya na mag-antay siya saglit habang tinitignan ko ang text. From: Ally Sorry Porsch, ako nag-dare sa 'yo. Hehe. I love youuuu! xoxo. Nag-init naman ang ulo ko bago ko ipakita kay Ryder ang phone ko kaya agad rin siyang naliwanagan kung pa'no na lang may nakapuslit sa kanilang dare request. "Uy Celestine, sorry na dare lang naman yon." Alog pa ni Ally sa kaliwang braso ko habang nagsusulat ako sa post it na papel. Nakatoka kase ako ngayon sa dedication booth namin. Buti naman at nagkaroon na rin ng mga customers dahil kanina pa ako sulat nang sulat ng pangalan ko rito. Nag aaksaya nga lang ako ng post it eh. "Ally, 'wag ka sa 'kin mag-sorry. Kay Ryder mo gawin 'yan wag sa 'kin." Patuloy ko sa pag susulat sa mga post it. Ang ibang nagpapa-dedicate kasi sa 'min ay pumupunta na lang rito o minsan naman ay tinetext na lang sa 'min. Bayaran na lang raw nila before matapos ang intramurals. Hindi naman na ako galit kay Ally. Nainis lang ako kanina dahil sa dinamirami na dare na pwede niyang ibigay sa 'kin ay iyon pangsobrang hirap. Sabagay, bakit naman nga siya magbabayad ng dalawang libo kung gano'n na lang kadali ang ibibigay niyang dare. Pero nag-aalala lang ako baka kase umabot kay Reed iyon. Nakakahiya. Alam naman na ni Ally ang dahilan ko kaya medyo nagtampo rin ako sa kanya. Siya na daw bahala kay Reed. Nahinto ako sa pagbigay ng mga post it sa isa naming kaklase. Para ibigay nila sa mga tao na nasa studio para doon basahin ang mga nag pa-dedicate sa amin. Dahil bigla na lang umepal si Ally. Tinignan ko lang ang blankong post it habang naka taas ang kilay ko. "Ano gagawin ko dyan?" mataray kong tanong sa kanya. "Subukan mong nguyain at iluwa ulit tapos ibilad mo rin sa araw para pagnatuyo magamit mo pa rin," sarkastiko niyang sinabi sa akin. Tamo nga itong babaeng 'to, siya na nga may kasalanan siya pa nagtataray. Ang galing. Tinapat ko sa mga mata niya ang mga mata kong iritado dahil sa banat niyang walang kwenta. "Natural susulatan mo! Sulatan mo si Reed at ako na bahalang ibigay sa studio." Tulak niya pa sa akin sa blangkong post it kaya naman agad akong napalunok habang tinitignan 'yon bago ko balingan ng tingin si Ally. "Ayoko nga nakakahiya! Ano na lang ang magiging reaksyon niya pag nalaman niyang ako?" kabadong sabi ko sa kanya habang inaayos ang mga post it na nakadikit sa bulletin board na gawa namin. "May sinabi ba akong magpakilala ka? At tsaka 'wag ka ngang umarte na kala mo naman e ikaw lang ang nagbigay ng post it sa kanya. Hello Celestine? May mas matapang pa nga sa 'yo na sila na mismo nagbigay ng post it nila kay Reed!" Sunod naman niya sa likod ko at nanood sa mga bawat kilos ko. Jusko naman 'tong babaeng 'to! Ano na lang ang sasabihin ko kay Reed nyan? Reed sorry kase na dare ako sa kapatid mo na mag-eskandalo ako habang sinasabihan ko siyang mahal kahit ang totoo naman ay hindi. "Ano ilalagay ko ha? Na gusto ko siya kahit little sister tingin niya sakin?" sarkastikong sabi ko sa kanya habang umiirap pa sa ere. Binatukan niya ako bago ilapit niya ang tenga ko sa bibig niya habang naka-akbay siya sa akin. "Ano ka ba, ano naman kung sabihin mo? Eh hindi niya rin naman malalaman. Anonymous naman!" Mariin niyang bulong sakin kaya naman natauhan ako at pumayag na rin sa gusto niyang mangyari. "Sige-sige." Iiling iling kong sagot sa kanya. "AYOWN!" Tumalon pa siya at nagpapalakpak. Ally's POV Agad akong naglakad paalis doon sa booth namin. Baka magbago pa ang isip ng kaibigan ko pag nag tagal pa ako roon. Sayang ang oportinidad hindi ba? Sa panahon ngayon wala nang pakiilamanan kung ang babae ang unang gagawa ng galaw. Pantay-pantay lang tayo mga tsong! Maraming bumabati sa aking mga lalake bago ako makarating sa studio. Bigla na lang akong nagtaka nang makitang si Ryder ang naroon. Bakit nandito ito? E hindi naman nila hawak itong studio. Nagtaka ka pa Ally e SG officer yang kaibigan natin. Vice president pa nga. "Yow Ryder!" tawag ko sa kanya ng makitang nakatingin siya sa mga CCTV na naroon. "Bakit ka nandito?" tanong niya sa 'kin. 'Di ba dapat ako nagtatanong nyan sa kanya? 'Tsaka infairness ang harsh ng pagbati. "Ako nga dapat nagtatanong nyan sa 'yo dahil pinahintulutan naman kami ng dean rito para sa dedication booth namin." Humalukipkip pa ako habang siya naman ay hindi tinatanggal ang tingin sa monitor. Dikit na dikit ang mata mo ghorl? "Ako man, binabantayan namin yung mga nabigyan ng dare. Tinitignan ko kung gagawin ba nila." Sabay angat niya sa papel na puno ng pangalan. Sabagay kita nga naman kaming lahat roon sa mga monitor na naroon. Nakakahilo nga lang at ang dami. "Kung ikaw lang mag-isa rito, edi ikaw lang pwedeng magbasa nito sa mic?" Sabay abot ko ng sticky note na pinagsulatan ni Celestine kanina. Girl, mukhang yung kapatid pa ng crush mo ang magbabasa ng sulat mo. Napangisi ako sa naisip. Tinignan niya ang papel na binibigay ko sa kanya. "Kanino yan?" "Secret! Against sa rules ng booth namin ang pagsabi kung kanino galing ang sulat lalo na pag ayaw nung nagpadala," ngumiti ako sa kanya habang nakatayo ng tuwid. Tumango ito at lumapit na sa may mic. Hindi niya pa na bubuksan ang mic nang bigla siyang nagsalita. "Kay Celestine 'to." "Ano ba 'yang tanong mo! Sye-" "I'm stating facts, I'm not asking." "Huh? Ano ba-" Bakit ba ang hilig niya mangputol nang nagsasalita? Ang bastos e. "Nakasulat rito sa likod ang maraming pangalan ni Celestine at alam ko ang sulat kamay niya." Kinabahan naman ako roon sa sinabi niya. Ang lakas naman makaramdam nitong lalakeng 'to. Ang halimaw naman. "Siya lang nagsulat," pamimilit ko pa. Kase naman Celestine bakit ang tanga mo bakit may pangalan roon! Tanga mo rin Ally 'di mo nakita na may pangalan! "Okay if you say so." Sabay talikod niya sa 'kin para basahin na ang sulat na ginawa ng aking kaibigan. Celestine's POV Muntik na ako maubo ng bigla kong marinig na may mag sasalita na sa speakers ng campus. Oh my gosh! Paniguradong akin iyon! "Good afternoon. There's another dedication letter for my older brother Reed," mas lalong nag wala ang puso ko ng mabosesan iyon at marinig ang mga sinabi niya. s**t! That's Ryder! "Hi Reed, confessing to you by using this letter is making my feelings a little more free-er than before. Well, I could say that my feelings are free just now. Even though I won't tell you who I am. Gusto kita sa kahit ano mang paraan. Sa kahit ano pang version ng pagkatao mo. Because I like you for who you are. Liking you truly, Goddess of wind." Hindi ko alam kung magwawala ba ako ngayon or what. Success? Napangiti na lang ako sa sarili ko ng maya-maya pa ay bigla na lang dumating si Ally at tumayo sa tabi ko. "Gaga ka talaga! Hindi mo man lang tinignan kung anong papel sinusulatan mo! Nalaman tuloy ni Ryder na sayo galing iyon!" Batok niya pa sa akin na sa sobrang lakas ay akala mo'y matatanggal na ang ulo ko. Tangina kung makabatok nakakalimutang spiker siya. "Aray ko naman! Dahan-dahan naman, Ally!" "Sorry baby, I'll be gentle." Kindat niya pa dahilan kung bakit nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. "Kilabutan ka nga dyan sa mga pinag sasabi mo!" Tumawa lang siya sa gilid kaya naman kami pinag titinginan ng mga studyanteng naroon at napapadaan. Eskandalosa talaga! Nakwento ko na rin sa kanya na okay lang kung alam ni Ryder dahil nasabi ko na rin naman sa kanya iyon. 'Yun nga lang sabi Ally ay baka sabihin ni Ryder sa kuya nito. Well he told me that he won't. Halos mag-uuwian na ang mga studyante at nag liligpit narin kami doon sa loob ng booth ng bigla na lang may nag salita sa campus speakers. "Uh, he-hello?" Mukhang hindi na iyon si Ryder dahil ibang boses na ang naririnig namin. Pangbabaeng boses na iyon. "Mero'n lang nagpapabasa nito, and he wants me to read it anonymously so I'm reading this for him. He's a shy person daw e," panimula pa ng babaeng naroon. Napahinto pa kami ni Ally at tumayo lang para makinig. "Hi Goddess of wind." Dito palang ay nanlaki na ang mata ko. Pati na rin ang kay Ally, kaya naman ay nagkatinginan kami at determinadong pakinggan pa ng mabuti ang susunod na sasabihin ng nasa speaker. "I heard your letter earlier. I just want to tell you that I like you too. I'm one of the men who admires you. Don't settle for less. Be with me. The person who writes you this, is the one who wants to watch you shine, La Mia Stella." Agad namang nag wala si Ally at inalog-alog pa ako. "Shet! Edi si Reed iyon? La Mia Stella daw eh!" sabi niya pa sa 'kin habang inaalog pa rin ako. Nasabi ko rin kase sa kanya ang tungkol sa flash drive na nakita ko. Baka nga raw si Reed iyon dahil malaking tyansa na kanya 'yon dahil may files niya. Ang lakas ng t***k ng puso ko habang nagbabasa ng libro dito sa library dahil may quiz kami mamaya. Isang linggo na ang nakalipas mula mangyari iyon. At hanggang ngayon ay wala pa rin akong lakas ng loob para klaruhin lahat. "I'll pick you up after your class, okay? Don't go any where." Tumango ako sa kanya bago niya ako halikan sa buhok at umalis. Nandito na rin naman kase ako sa tapat ng room. Hindi ko alam pero simula rin na mangyari yung sa dare ay mas lalo na lang naging mabait sa akin si Ryder. Madalang na lang siyang mang gago. Bumuntong hininga ako bago pumasok ng kwarto. Kakatapos lang ng unang subject namin na wala rin namang dumating na professor. Agad rin kaming nag sitahimik nang bigla na lang pumasok si Edward sa kwarto. Puno ito ng benda sa mukha. Agad naman silang naglapitan dito para makichismis. Tinanggihan naman niyang magsalita kaya nang mapadaan siya sa tabi ko ay hinawakan ko siya sa pulsuhan niya. "Ano nangyari sayo? Bakit ngayon ka lang pumasok?" "W-wala lang-" "Don't you dare give me a useless answer. 'Di mo na ako sinamahan sa hero wear!" pangungulit ko pa sa kanya. Bumuntong hininga siya at yumuko bago sumagot. "Nabugbog ako ni Ryder nung araw na iyon," sagot niya na may pag-aalinlangan habang ang mga mata niya ay iniiwas sa direksyon ko. Just as I thought that our friendship is getting better, bigla ko na lang malalaman na hindi pa rin pala siya nagbabago sa pagiging gago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD