KABANATA 2- DI PA PALA TAPOS

1359 Words
   Nagmadali ang dalawa sa paglalakad kase nangangalahati pa lang sila ng nalalakad sa buong haba ng hallway. Masaya silang dalawa habang naglalakad na kung misan ay nagkaka tinginan ng matagal. Naghiwalay sila sa may dulo ng hallway dahil ang STEM ay papunta sa kanang gawi at ang HUMMS naman ay papunta sa kaliwang gawi. Magkaiba sila ng nakuhang strand kase ang gusto ni Evan ay maging Inhenyero pag nakatapos at si Daisy naman ay gustong maging isang guro dahil gusto niyang maituro din sa iba kung ano ang natutunan niya.Nagpaalam sila sa isat isa na may ngiti sa mga labi at nagsambit ng mga masasayng kataga. "Evan ingat ka sa maghapon mo at makinig ng ayos" sambit ni Daisy bago bigla biglang pumasok sa isang silid aralan. Di na nakasagot si Evan nawala na rin bigla si Daisy. Isa pa sa tuwing makikita niya si Daisy naaalala niya kung gaano kasalimoot at kadaya ng mundo sa kanyang buhay dahil mayaman si Daisy tapos siya ay isang hamak na mahirap lamang at lagi pang nabubugbog ng kanyang lolo at lola.  Nang si Evan ay nasa tapat na ng kanyang silid aralan. Nakaramdan ng takot at kaba habang nasa harap siya ng pinto ng STEM Louisse Pasteur na siyang nauunang section sa lahat ng STEM strand. Ang STEM strand ay may pitong seksyon kaya ang mapabilang sa unang seksyon ay talagang napakasaya sa pakiramdam lalo na at halos lahat doon ay talagang magagaling na kung may level ang pagiging magagaling ay nasa unang pwesto sila. Habang nasa pinto siya ay may mabilis na tumatakbong mga lalaki na magbabarkada ata at tila may ginawang kalokohan. Nabangga ng pinaka pinuno ng barkada si Evan at tumalsik at natumba sa medyo loob ng silid aralan. Napasobsob siya at nakita siya halos ng lahat ng kaklase niya at tawang tawa ang lahat na parang wala nang bukas sa sobrang lakas. Nang patayo na sana si Evan ay tinitigan siya ng masama noong lalaking nakabangga sa kanya at itinulak muli. Di pa nakuntento sa ginawang tulak at pinagsalitaan pa ito ng di magandang salita. Buti na lang at ang sahig ng mga silid aralan doon ay tabla kung saan ito ay makintab at halos gabok lang ang makikita na dumi. Bago ang lahat ang lalaking nakabangga dito ay si Bogart na isang mayaman at kilang kilala ang kanilang pamilya sa buong bayan. Ang buong pangalan niya ay Bogart Dela Cruz. May pag mamay ari silang ilang negosyo sa kanilang lugar na kumikita ng malalaking salapi at nakakaambag din sa ilang mga negosyo ng iba. Kaya siya ay umaasta na parang hari ng paaralang iyon. At kung sino mang makabangga niya ay talagang ginigulpi niya at kung minsan ay pinagkakatuwaan nilang magtotropa sa loob o labas man ng paaralan. Kung minsan ay inaagaw nila ang bag at pinagpapsahan hangang sa puntong matapon ang lahat ng gamit at mag dumi at masira. At kapag sa loob ng palikuran naabutan ang bibiktimahin nila ay kanilang binabasa ng kanilang mga ihi sabay kukutyain na mabaho. Ang kanilang tropahan ay tinatawag nilang Bogartians pero sa iba iba pag di sila naririnig ng tropaha ang tawag nila ay Tropang Kulangot kase katunog ang salitang Bogart ng Buger kaya tinatawag nila sa ganong katawagan. At minsan nga ay may naglakas ng loob na tawagin sa ganitong kataga kaya kinahapunan ay umuwi itong maraming pasa at sobrang dungis dahil sa ginawang pambubugbog. Wala namang nagawa ang pamilya nito dahil na nga sa sobrang maipluwensiya na animoy hawak ang batas sa kanilang lugar at isa pa daw ang anak naman nila ang nanguna kaya di na lang nagsamapa ng kaso at ang anak ang binugbog at pinagsabihan. Mabalik tayo sa kwento kung saan si Evan ay pinagsalitaan ng masasama ng mga bully niyang kaklase. Dahil si Evan ay nag iisa mas pinili na lang niya na magtimpi at di na pansinin pa ang mga ito. Akmang susuntukin uli ito ni Bogart dahil hindi nga pinansin ni Evan ngunit dumating ang kanilang guro kaya natigil ito. Ang kanilang guro ay si Mrs Francia Beverly Magsino. Isang medyo trentahan na ang gulang ngunit di mo mahahalata dito kase ubod pa rin ito ng ganda at sexy kahit na may isa na itong anak. "Bogart ano naman ba iyang ginagawa mo" saad ni Mrs Francia na parang gigil na gigil at galit na galit. " Wala po maam. Nabangga ko lang po siya at di naman po sinasadya" sabay sagot ni Bogart at nagtungo na siya sa kanyang uouan kasama ang kanyang mga tropa. "Ikaw nga Bogart ay magbago na sa pagiging bully mo kase di maganda ang ginagawa mo at baka isang araw may kalagayn ka na at makatapat na mas malakas sayo" dagdag pa ni Mrs Francia kay Bogart na parang walang narinig. "Nasaktan ka ba utoy" Tanong ni Mrs Francia kay Evan. " Okay lang naman po ako maam. Konting dumi lang naman po ang nakuha ko sa aking uniporme" sambit ni Evan habang di pinapahalata ang sakit ng kanyang dibdib matapos mapa subsob sa sahig. Pagkatapos ay sinabi ni Mrs Francia na mag iingat sa susunod at baka makasalubong na anamn niya ito at mapahamak na naman. Pagkaupo ni Evan sa isang bakanteng upuan ay may nakatabi siya na isang mayaman na parang suplada at di naman kagandahan pero kung ihahalintulad kay Daisy mababa lang ng dalampung porsyento na ganda. Sinimulan ni Mrs Francia ang kanilang klase. Dahil nga unang araw pa lang ng kanilang pagkikita nagkaroon ng pagpapakilala ang bawat isa. Dahil unang nakita ni Mrs Francia si Evan siya muna ang pinagpakilala nito. Sinimulan na ni Eva magpakilala." Ako nga po pala si Evan Salazar Montives. Labimpitong taong gulang na. Nakatira sa kabilang bundok dito rin sa ating bayan. Ang nagpalaki sa akin ay ang aking lolo at lola kase bata pa lang daw ako ay iniwan na ako sa kanila. Nagtapos ako ng Highschool dito sa pinakamamahal nating eskwelahan ang Xavier State University. Ang paborito kung gawin ay ang paggawa ng mga gawaing bahay". Matapos magpakilala ni Evan ay nagtungo na siya sa kanyang upuan. At ang sumunod sa kanya ay iyong babae na katabi niya. Pagka upo niya ay narinig niya ang usapan ng dalawang kaklase niya na nasa unahan niya na isang babae at lalaki. "Ayyy nakakatawa naman si boy gawaing bahay lang ang kinatutuwaan niyang gawin. Di ba siya marunong maglaro ng mga computer games man lang" sambit ng babae na halos di makahinga sa pagpipigil ng kanyang tawa. Sumagot naman ang lalaki ng " Oo nga di man lang maglaro o mag mall man lang para maging masaya. Napaka babang uri naman netong lalaking ito. Bakit pa siya nakapasok sa ganitong kagandang eskwelahan" saad naman ng lalaking nasa harapan. Pero ang lahat ng ito ay di pinansin ni Evan bagkus ay nakinig siya doon sa babaeng makakatabi niya ng halos isang taon na gugulin niya sa strand na STEM. Pumunta ang babae sa una at nagpakilala." Magandang umaga po sa inyong lahat. Ako nga po pala si Angel Grace Montemayor. Labimpitong taong gulang na. Nakatira ako sa isang panuluyan dito sa loob ng ating paaralan. Sa ikalawang palapag. Pero ang tunay kong tirahan ay sa Canada at napunta lang ako dito kase gusto daw ng aking ama na makita kung paano ang pagtuturo dito sa Xavier State University. Ako ay nagtapos ng highschool sa Kings University. Ang kinahiligan kong gawin ay magshopping at magaling din akong magluto. Akoy mag isa lang sa bansang ito at siguro ay magtatapos lang ng senior high school at babalik na din ako sa aming bansa." At pagkatapos nito ay umupo na agad siya sa kanyang upuan katabi ni Evan.  Pagkaupo ni  Grace sa kanyang upuan ay agad na nagsalita si Evan at nakipagkilala. " Nice to meet you Grace. Ako nga pala si Evan ang mabaho kung misan pero gwapo" saad ni Evan na nagingiti ngiti. Samanatalang si Grace naman ay di pinansin si Evan ngunit sa kanyang loob ay okay at palaka ibigan si Evan sa lahat. Kaya si Evan ay natahimik na lang at nakinig sa iba pang nagpapakilala nang mapagtanto niya na si Grace ay di siya pinapansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD