KABANATA 3- SELOS

1729 Words
Nang tangahli na unang araw na iyon ng pasukan ay nagtungo si Evan sa isang hardin sa kanilang eskwelahan dahil wala namn siyang baon na pang tanghalian. Sa isip isip niya ay makalanghap man lang ng sariwang hangin kahit di na siya makakain. Maya maya ay may lumapit sa kanyang babae at nagtanong. “Hello Evan Salazar Montives.Bakit andito ka ngayon” wika ni Angel Grace Montemayor. “Hello naman sayo Angel. Sorry kanina kung naabala ata kita noong pagkatapos mong magpakilala. Bkait ka nga pala nandito sa hardin ng paaralan” saad ni Evan habang naguguluhan ang kanyang isipan at di maware kung ano pa ang dapat sabihin dahil sa kumakalam na niyang sikmura lalo na ata kape lang ang nagging almusal niya ng umaga. “ Ahh kase ang sikip naman sa ating kantina lalo na at unang araw pa lang pasukan at gusto ng mga bagong estudyante na malaman kung masasarap ba  ang mga bilihin dito. Alam mo naman ang mayayaman lahat gusto masubukan kahit mahal ang bilihin o kaya kahit maubos ang kanilang pera kahit di naman kasarapan kung minsan.” wika ni Angel sabay abot kay Evan ng isang kulay putting sisidlan na styro. “ Ano ito Angel. Bakit nag abala ka pa. Baka wala ka na dyang baon haa. Okay lang naman ako. Sanay na sa ganitong buhay. Sanay na din ako dito sa paaralan na kapag tanghalian dito na lang ako napunta para di maalala ang pagkagutom at palipasin na lang ang tanghalian.” Wika ni Evan na may pagkahiya at medyo may hikbi sa kanyang mga mukha. “Hindi naman Evan. Okay lang iyan sabayan mo ako sa pagkain. Binili ko siya kaninang umaga sa ating kantina dahil nabalitaan ko na pag unang araw daw dito ay talagang siksikan kaya napagpasyahan kong bumili ng mas maaga kahit na medyo bahaw na” wika ni Angel habang sinisimulan ng lantakan ang pagkain dahil gutom na gutom na rin siya at si Evan naman ay nagsimula na ding kumain ng may mga ngiti sa labi at sa kanyang isipan ay patuloy siyang nagpapasalamat sa Lord dahil may nakain siya sa mga oras na iyon. Maya maya pa ay may dumating na isang babae uli sa hardin kung saan kumakain sina Evan at Angel at ito ring harding ito ang tambayan nila Daisy at Evan. Di nga nagkamali at ito ay si Daisy. “Oyy Evan andito kana pala sa ating tambayan. Ayy aga mo naman dito sorry nalate ako” saad ni Daisy habang parang naghahabol ng hininga siguro ay nagmadali na makapunta sa hardin. “ Ahh oo medyo kakarating rating kang naming dito. Ito nga pala si Angel kaklase ko siya at katabi ko rin sa upuan. Tata,bay din daw siya” wika ni Evan na may ngiti sa kanyang labi. At si Daisy naman ay nagwika din ng “Ahh hello sayo Angel ako ng apala si Daisy kaklase ni Evan dati. Wait lang ha bibili lang ako ng makakain ko sa ating kantina” at umalis na si Daisy na parang nagmaadali. Sa katunayan naman ay sobrang nagseselos si Daisy dahil nga may iba ng kasama si Evan at gustong gusto pa naman niya ito. Meron na namang pagkain si Daisy sa kanyang bag dahil pinabaunan siya ng kanyang ina ng pangtanghalian at ito ay kanin na ang ulam ay ham at itlog ngunit sinabi niyang bibili upang makaiwas ng di man lang nagtataka si Evan kase ayaw din niya na habulin pa siya nito. Nagpunta si Daisy sa isa pang hardin kung saan makikita pa rin niya ang anggulo kung ano ang ginagawa nina Evan at Angel. Nakikita niya na napaka sincere ng usapan ng dalawang bagong magkakailala pa lang. Sa usapan naman nina Evan at Angel na sobrang saya nila na para bang wala ng bukas sa dami ng napapag usapan nila. “Bakit ng apala ang dumi ng uniporme mo” tanong ni Angel. “Ahh kase sobrang gabok ng dinadaanan tapos kanina tinulak pa ako ng mokong na Bogart na iyan hahahaah” saad ni evan na medyo nakakaramdam ng sakit sa dibdib at wareng bumabalik ang mga pangyayari na tinawanan siya ng kanyang mga kaklase. “Kamusta ka nga pala Angel. Nabanggit mo na ikaw lang ang andito sa Pilipinas at ang mga magulang mo ay naiwan sa Canada. Di ka ba nalulungkot” tanong ni Evan na naguguluhan din kase para sa kanya ay di masaya kapag di kasama ang magulang. “Ahh okay lang naman sa akin. Kase noong nasa Canada naman ako puro trabaho lang din naman ang iniintindi nila at kung makakapag usap man kami pagdating nila ay saglit lang din dahil sa pagod kaya nasanay na din ako. Ikaw pala di mo ba alam kung asan ang mga magulang mo?” wika ni Angel na may hikbi sa mga mukha. “Ahh kaya pala naman. Ako kase di ko alam kung asan sila basta sabi nina lolo at lola ay patay na daw sila at inilibing daw sa malayong lugar. Pero okay naman maganda naman ang pagpapalaki sa akin ng aking lolo at lola” saad ni Evan na may pagkukunwari kase ayaw niyang sabihin kung gaano kahirap ang kanyang sinusuob araw araw bago siya makpasok sa paaralan dahil sa mga gulpi at palo na kanyang tinatanggap. Malapit ng mag ala una ng hapon kaya nagtungo na sila pabalik sa kanilang silid aralan ngunit nagpaalam si Evan na gagamit ng palikuran muna upang makaiwas na din sa mga chismoso at chismosa na makakakita sa kanila lalo na at mayaman si Angel baka sabihin na pineperahan niya ito. Oo nga pala ang palikuran sa paaralang ito ay nakahiwalay sa mga silid aralan kaya lalabas ka ng silid aralan kung gusto mo makagamit nito. At si Dasisy naman ay pumasok na din ng mapatingin siya sa orasan niya na mag aala una na at magsisimula na ang sunod niyang klase. Nang makabalik si Evan at saktong uupo na ay kasunod na niya ang susunod nilang guro sa iba namang asignatura. “Good afternoon class. Siguro naman ay magkakakilala na kayong lahat kaya ang gagawin natin ay magpapasa kayo sa akin ng index card na may pangalan nyo at bukas ay magdala kayo ng one by one na litrato upang ikapit natin sa bawat index card nyo pero ngayon ay ipapasa nyo kahit walang litratong nakadikit” saad ng guro na nasa harapan na nakaupo at medyo naka dekwatro pa.  Samantalang habang pinapagawa sila ng kanilang guro ng sa index card ay nagtanong si Angel kay Evan. "May index card ka bang nadala Evan. Kung wala ito ohh tanggapin mo lagi naman akong handa di mo katulad ahaha, saad ni Angel habang inaabot ang index card kay Evan na may halong pangloloko at patawa tawa pa siya. Agad namang kinuha ni Evan ang index card sa kamay ni Angel kase talagang wala siyang dala hindi dahil nakalimutan niya kundi wala talaga siyang pambili ng ganoong mga gamit sa paaralan. Sa di inaasahang pangyayari ay nahawakan ni Evan ang kamay ni Angel at napatigil ng kaunting mga segundo na para bang isang oras dahil sa pagtigil ng oras. "Sorry di ko sinasadya na mahawakan ang kamay mo. Nagmamadali lang at baka makita ni sir na nanghihingi ako ehh unang araw pa lang ng pasukan" saad ni Evan na parang kinakabahan at kinikilig. " Okay lang iyon ano ka ba Evan. Wala anng isyu doon kase nahawakan lang di mo naman sinasadya at di mo naman ako nabastos sa nangyari" saad ni Angel na may pagkahiya pa sa mukha na itinatago ng maayos. Pagkatapos ay ipinasa na nila ang index card nila pauna papunta sa kanilang guro. Dahil nga unang araw pa lang ng klase nila ay binigay na ang natitira nilang oras wag lang magiging maingay at magulo. Pagkalabas ng kanilang guro ay nagsimula nang mag usap usap ang mga kaklase niya tungkol sa buhay buhay at sa  naging bakasyon nila. Kung saan ba sila nagpunta na lugar, kung nag swimming ba, o naghanap ng summer job para makatulong sa pambili ng mga magulang ng gamit sa bahay at kung naging tamad ba sa buong summer kase humilata lang sa kanila simula umaga hanggang hapon. Sa usapan naman nina Angel at Evan ay wala na halos naging haba kase nag usapa na sila noong tanhalian pa laang. Maya maya ay mag aalas kwatro na kaya  nag ayos na ang lahat para sa pagahahanda sa uwian. Si Evan ay nag ayos ng sarili at nag isip na baka makasalubong o kaya sabayan siya ni Bogart palabas at mapag initan na naman kasama ang mga tropa nito. Di na siya sumabay kay Angel palabas kase alam niyang sasabayan siya ni Daisy palabas ata gusto na din niya itong maka musta sa maghapong nangyari sa kanyang mga aralin. Nang lalabas na siya tiningnan niya muna ang kaliwat kanan na para bang tatawid siya sa isang highway dahil ayaw niya na makita pa si Bogart at naalala din niya ang sinabi ni Mrs Francia sa kanya. Nang napagtanto niya na wala si Bogart sa paligid ay lumabas na siya ng dahan dahan na tila mo ay isang assasin sa palabas na maingat na gumagalaw. Sa medyo malayo ay napatingin si Evan at nakita niya na si Daisy ay naglalakad at nasa kalaghatian na ng hallway ng paraalan nila. Nagtatakbo na si Evan para mapalapit ka agad kay Daisy na noong una ay ibang iba sa mga kilos niya. Naramdaman ni Daisy na parang may humahabol sa kanya kaya medyo binilisan niya ang paglalakad at di na siya lumingon pa sa huli at naiisip niya na baka kung sinong masamang loob ito at laking gulat niya ng malaman niyang si Evan pala ito. "Kamusta ang klase mo Daisy. Nagklase ba kayo maghapon. Kami kase halos pakilanlan lang ang ginawa at may nakilala akong babae at iyon ay ay si Angel Grace Montemayor" saad ni Evan na hingal na hingal pa dahil sa ginawang pagtakbo upang mahabol  lang si Daisy.  "Okay naman ang maghapon ko. halos pakilanlan lang din kami at wala pa ring guro ang iba kong asignatura kaya halos nag iingay lang ang mga kaklase ko sa buong oras ng klase namin" saad ni Daisy na medyo naiilang siya at may galit pa rin kay Evan lalo na at ibinalita pa sa kanya si Angel na pinag seselosan niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD