KABANATA 4- SA PAG UWI

2233 Words
Habang naglalakad palabas sina Evan at Daisy di maiwasan na mahalata ni Evan na parang may mali kay Daisy. "Daisy wala ka ata sa mood ngayon ahh. May nang away ba sayo. Sino ang nagpapaiyak sayo. Sino ang taong naglakas ng loob na saktan ka" saad ni Evan na wareng galit na galit at di mapakali. Sa katanuyan ay takot din siyang makipag away ngunit doi siya makakapayag na sasaktan ng kahit na sino man si Daisy dahil malalim na din ang kanilang pinagsamahan. " Okay lang ako Evan. Wala naman ng away sa akin. Siguro pagod lang ako sa maghapon at nabaguhan ang katawan kahit wala namang ginawa. Sasabay ka ba sa pag uwi o may asabay kang iba?" wika ni Daisy na may pagkaselos pa rin. "Wala akong kasabay ikaw lang ang kasabay ko pa uwi diba madadaanan din naman ang bahay nyo pag umuwi ako kaya tayo na lang lagi ang magsasabay. Isa pa di natin ito nagawa dati ehhh" saad ni Evan habang naglalakad sila palabas ng paaralan. Habang naglalakad sila sa loob ng paaralan ay wala din naman silang napag usapan ng husto dahil di nila maware kung ano ang pagkwewentuhan nila. Napakarami ang nakatingin sa kanila lalo na kay Daisy na kahit pagod ay makikitaan ng pagka ganda at alindog na kinababaliwan ng mga kalalakihan. Marami ang usap usapan na naririnig ng dalawa. "Ang ganda naman ni ate" saad ng isang lalaki na kung kikilatisin ay nasa kolehiyo na nag aaral. "Ang dugyot ng kasama ni ate. Bodyguard nya ba iyon" saad ng isang tagalinis ng kanilang eskwelahan. " Kung sasagutin lang ako ni ate papakasalan ko agad iyan" saad ng isang lalaki na may pagaka gangster ang datingan. "Ang swerte naman ni boy. Magjowa kaya sila" wika ng isang ale na siguro ay ina ng isa sa mga pumapasok sa eskwelahang iyon ng Xavier State University "Nagayuma siguro iyan kaya nagkagusto dyan" wika ng isang babae na di maintindihan kung guro ba siya dahil sa suot na niya na parang katulad ng mga guro sa paaralan. " Nako siguro mayaman ang babae tapos peperahan lang. Ay mali pala pangit at madungis nga pala si boy" saad ng isang babae na sobrang dami ng kolerete sa mukha na parang siopao sa sobrang kapal at parang naglalagkitin na ang mukha. Ilan lang iyan sa mga naririnig ng dalawa habang naglalakad sila sa hallway ng paaralan. Samantalang si Daisy ay mukhang kinikilig na may halong lungkot dahil napatingin siya kay Evan na sobrang lungkot na para bang iiyak na sa sobrang pagkayuko ng kanyang ulo dala na rin ng pahkahiya at halong galit sa kanyang mga naririnig. Si Evan naman ay nag iisip at wareng umiikot sa kanyang mga ulo ang lahat ng kanyang narinig at sinasabi niya sa kanyang isipan na bakit nangyayari sa kanya ang lahat ng iyon ehh wala naan siyang ginagawang masama sa kapwa. Bakit siya pa ang kailangang magdusa kung lahat naman ginawa na niyang maging mabuti. Sa kanyang isipan sinabi na rin niya na galit ba sa kanya ang Diyos at pinapahirapan siya ng ganun kalala. Samantalang bumalik sa katinuan si Evan ng naramdaman niyang inaalog siya ni Daisy upang makabalik sa ulirat. "Evan. Hoy Evan. Anong nangyayari sayo. Anong mga iniisip mo. Kanina pa kitang kinakausap pero di ka nasagot sa akin. Wag mo na silang isipin dahil mas kilala kita kesa sa mga sinasabi nila tungkol sayo", saad ni Daisy na may halong lungkot at takot dahil akala niya ay kung anong nagyari kay Evan. "Ayaw mo pa noon nagkaroon ka ng jowa ng di ka man lang nanliligaw ata ang isa pa aba ako ata ang pinagkakaguluhan ng mga lalaki dito tapos nahulog sa isang kagaya mo na sa iba ay ang dugyot mo ehh ako naman ito iba ang nakikita sayo" dagdag ni Daisy na binubuhat ang sarili at binibiro biro si Evan. "Sorry Daisy di ko rin alam ang mga nangyari kase ang alam ko lang iniiwasan kong marinig ang lahat at pinipilit palabasan sa kabilang tenga ngunit tumitigil sila sa aking isipan. Kaya siguro kung ano ano na rin ang naiisip ko" saad ni Evan ng may malungkot na mukha. Maya maya pa ay nasa may gate na sila. "Good afternoon po kuya guard. Bye po, sabay na sabi ng dalawa habang papalabas na ng eskwelahan. " Ingat po kayo dyan kuya. Wala naman po sigurong multo dito sa malaking paaralang ito", saad ni Evan sa guard nang huminto siya saglit at wareng tinatakot niya ang gwardiya. " Ayy baka barilin ko lang ang mga multo na iyan pag nakita ko o kaya sil ang multuhin at takutin ko. Sige na ingat din kayo sa pag uwi bukas uli", saad ng gwardiya habang nagbibiro at hagalpak na ng kaka tawa sa kanyang mga sinabi. Nang nasa labas na ng paaralan ang dalawa marahan silang naglalakad habang mga tahimik at nakatuon lang ang atensyon sa kanilang dinadaanan. Medyo marami ang puno kaya di sila nakakaramdam ng init sa pkiramdam bagkus ay ang malalamig na simoy ng hangin an dumadampi sa kanilang balat at ang amoy ay sariwang sariwa na kaseng bango ng bagong sinaing na kanin. Nabasag ang katahimikan ng biglang nagtanong si Evan kay Daisy. " Kamusta pakiramdam mo ngayon. Napagod ka ba sa maghapon mo?" saad ni Evan habang iniiwasan na tumingin kay Daisy dahil nahihiya. " Pagod pero nakita kita kaya nawala lahat ng pagod ko. Ikaw ang stress reliver ko" saad ni Daisy na may pambobola at pinapatawa na din dahil kita pa rin niya ang kalungkutan sa mukha ni Evan. " Oyy Daisy sobra na iyan baka mamaya sumama pa ang imahe mo sa mga tao sa mga sinasabi mong iyan. Isa pa di ako karapat dapat sayo. Andito ako para tulungan ka sa lahat pag kailangan mo. At kung magiging hadlang o mapapasama ka dahil sa akin. Ako ay lalayo sayo at di na muling lalapit sayo" saad ni Evan na nalulungkot at wareng iniisip ang kanyang mga nasabi kay Daisy. "Joke lang iyon Evan. Pinapatawa lang kita kase sobra mo pa ring lungkot. Isa pa kung sumama ang tingin sa akin ng mga tao wala na silang pakialam kase buhay ko naman ito at wala silang magagawa. Magkaibigan tayo at pagsasamahan natin lahat" saad niya habang malungkot na sinasabi. Sa kanilang paglalakad ay may nadaanan silang isang tindahan ng mga fishball, kikiam at scramble. Dahil nga si Evan ay di maruniong gumastos lalo na at itinatabi niya ang bente pesos na binibigay sa kanya ng kakanyang lola lagi dahil nasa isip nya rin na mas maraming kailangang bilhin lalo na ata nasa ikalbing isang baiting na siya at ito ay ang sebior high school at ang isa pa ang strand niya ay halos eksperiminto kaya marami ang bibilhin. “Tara daan muna tayo dito sa tusok tusok at ng maka pag meryenda tayo. Para mamaya magpapahinga na lang pagdating sa bahay at tsaka haahnap na lang ng picture na gagamitin bukas. May ganun ba din sa inyo na need ng pic” saad ni Evan na nakangisi kay Daisy. “Ayy sige tara daan tayo at matagal tagal na din akong di nakakabili dito at tsaka ang sarap kaya ng suka at sauce na pinagsama. Pag sinawsaw mo na ang kikiam talagang mapapa pikit ka sa sarap neto. Oo meron din kaming need ng picture bukas, magappahanap pa nga ako kay inay ng one by one at baka meron pa sa amin. Ipinananakot lang naman sa daga sa bahay”, saad ni Daisy na tawang tawa sa sarili niyang joke. “ Oo nga pala Daisy may bente ako dito. Tig sampo tayo ng kukunin dyan, libre ko muna ngayon tapos bukas ikaw naman” saad ni Evan na may pabirong tono at iniisip na okay lang ang lahat kase minsan lang naman siya manlibre at bente lang naman ang mababawas sa ipon niya. “ Ala hindi na. Libre ko na ngayon tsaka bakit ga sampo laang. Ikaw ay tumusok ng tumusok at ako ang magbabayad saka kukuha na din tayo ng softdrinks at ng di tayo mabulunan sa kakainin natin. Baka mamaya mabulunan ka pa. Sagutin pa kita. Tsaka malayo pa ang lalakbayin mo.” Saad ni Daisy habang mual na mual na sa kinakain na kikiam. Ganun pa man na sinabi ni Daisy na malayo pa ang uuwian ni Evan di niya pa rin alam kung saan ito dahil ang tanging alam niya lang ay tatawid pa ng bundok at ilog si Evan bago makauwi. Pagkatapos nilang kumain ay nagbayad na si Daisy at umabot ito sa fifty pesos. Kinse ang kay Evan samantalang kay Daisy ay trentay singko. Napasarap si Daisy kase ngyon na lang uli siya nakatikim ng ganun dahil noong bakasyon ay walang dumaan sa kanilang lugar. “ Ang takaw mo pala sa ganyan Daisy. Baka bukas mapadaan na naman tayo dito tapos mas marami pa uli ang makain mo” saad ni Evan na may pangungutya habang umiinom ng softdrinks na libre ni Daisy. “ Ayy sorry na Evan. Siguro gutom na gutom na lang ako kaya naparami ng kain” wika ni Daisy na halatang halata na busog na busog dahil medyo may sauce pa ito sa bandang tabi ng kanyang labi. Agad namang natawa si Evan at inilabas ang kanyang panyo at pinunasan ang sauce na nasa tabi ng labi ni Daisy. Kaya si Daisy ay biglang nagitla at nahiya sa ginawa ni Evan. Siabi niya na bakit di na lang sinabi para siya na lang ang nakapag punas ng sarili niyang dumi sa mukha. Saad naman ni Evan na okay lang iyon kase nilibre naman siya. Sobrang hiya pa rin ni Daisy kaya naisipan na lang niya na yakagin na si Evan para umalis na sa tindahan at lumakad na pauwi at baka gabihin pa sa paglalakad si Evan. Habang naglalakad sila ay napag usapan nila na magsasabay na sila bukas papasok sa paaralan. Nang nasa tapat na sila ng bahay ni Daisy ay nag paalam na si Evan. “ Bukas na lang uli Daisy. Salamat ulit sa libre mo. Nabusog ako ng sobra sobra at wareng di ata ako makakalakad pauwi” biro ni Evan habang aptuloy sa paglalakad palayo sa bahay nina Daisy. “ Sige ingat ka Evan. Bukas na lang uli”, sigaw ni Daisy dahil medyo malayo na agad si Evan. Sa isip ni Daisy ay sobrang saya niya kase sa unang araw ng pasukan ay nakasama niya ang lalaking mamahalin niya at papakasalan niya sa susunod na panahon. Ngunit sa pag iisip niya ng mga nangyari ay na alala niya na nag usap nga pala sina Evan at Angel noong oras ng tanghalian at sabay pa itong kumakain kaya nagselos uli ito at di mawala sa kanyang isipan. Naisip din niya nab aka maging magaan ang loob nina Evan at Angel sa isat isa tapos bigla na lang siyang kalimutan at iwanan. Dahil sa pag iisip ay di na niya na Malayan na nakatulog na siya. Sa kabilang banda naman, Si Evan ay masayang naglalakad kase busog na busog siya at di mawareng ngayon na lang uli siya nabusog ng ganun sa tanang buhay niya. Nasanay kase siya na kung minsan ay kamoteng kahoy lang ang kinkain niya sa gabi na nakukuha niya pag nangangahoy siya dahil kulang na kulang ang bigas sa kanilang bahay. Maya maya pa ay nasa kabundukan na siya at tatawidin na niya ito ng may biglang gumalaw sa may damuhan at lumabas. Napasigaw siya sa takot at nag tatakbo ngunit ng lingunin niya ito ay isa lang palang puting puti na kuneho na ang pag kaputi niya ay isang kulay ng nyebe. Babalikan niya sana ngunit nagpunta na ito at nagtatalon sa kabilang bahagi ng gubat. Napatawa na lang sa kanyang sarili ng pababa na siya ng bundok dahil sa kanyang pagiging matakutan. Sa isip isip niya magaling na iyong handa sa lahat ng oras at baka mabangis na hayop pa ito. Ng makalampas siya sa kabundukan ay tatawarin na niya ang ilog. Ng tatawid na siya nakita niya na sobrang lakas ng alon di kagaya kaninang umaga. Siguro ay may inulin na isang lugar namedyo malapit sa kanila. Dahan dahang tumawid si Evan sa dlawang kawayan na magkadikit at nagbalanse ng ayos. Ng makaliban siya ay tinunton na niya ang daan pauwi sa kanila. Nang medyo malapit na siya ay natanaw na niya ang kanyang lolo na may hawak na manok at pinapanggas ito na para bang anak niya ito. “ Magandang hapon po lolo. Pwede na iyang mailaban lolo sa kabilang lingo ahh”, bati ni Evan sa kanyang lolo habang pawis na pawis at masyadong madumi ang damit dahil sa gabok ng daan. “Bwesit kang bata ka. Magmadali kana nga at wala tayong panggatong. Magsasaing ka pa. Bakit kase kailangan mo pang pumasok sa eskwelahan na iyan ehh pwede ka namang tumulong na lang dito sa bahay. Kung ginagaya mo iyong kakilala natin na nagtitnda ng panggatong para magkapera, makakatulong ka pa sa amin ng lola mo”, saad ng lolo ni Evan na galit na galit at parang mapuputol ang ugat sa leeg sa sobrang bangilngil nito. Hindi naman pinansin ni Evan ang sinabi ng kanyang lolo at nagtuloy na sa loob ng bahay. Dali dali siyang nagbihis at akmang aalis na para mangahoy ng biglang siyang tawagan ng kanyang lola at pinalapit dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD